Sa itsura at sa laki ng palasyong tinitirhan ni Edward ay hindi na sigurong kailangan magduda na isa nga itong ganap na prinsipe. Galing si Edward sa angkan ng mga Rosenburg na isang royal family na galing pa sa London pero nung sumama ang ina ni Kevin sa ama nito na taga Germany ay hindi na sila bumalik pa at nagsimula sila sa kanilang bagong buhay sa lupain na pinamana pa sa negosyanteng ama ni Kevin.
Habang nakatayo sa gitna ng malaking bilog na sala sa pangalawang palapag ng bahay si Maymay ay hindi niya nahahalata na inoobserbahan lang siya ni Edward na parang hindi nagsasawang titigan ito. Minamasdan ni Maymay ang mga malalaking litrato ng mga angkan ni Edward kabilang na ang mga lolo at lola nito.
Nilapitan ni Edward si Maymay at nagsabi "They are my ancestors, i don't remember that i even met them, i was like four or five years old, yeah, the last time i saw this." Sabi ni Edward na nakitingin na rin sa mga pictures.
Nakita ni Edward na sinara ni Maymay ang mga mata nito at nung binuksan ito muli, "Bakit ganito? Kahit anong pilit kong isipin.. wala pa rin akong maalala?" halos maiyak na naman si Maymay sa kanyang sinabi.
Hindi napapansin ni Maymay na kanina pa sinusubukan ni Edward na tulungan siya pero kahit isang alaala man lang ay hindi niya magawang ibalik sa isipan ni Maymay. Halos lahat na ata ng memory spells na pinag-aralan niya ay sinambit na niya ngunit ni isa ay hindi gumana.
"May., i want to show you something.." ani Edward, at agad naman sumama si Maymay dahil kahit papaano ay gumagaan na rin ang loob nito sa lalaking mas kilala pa siya kaysa ang mismong sarili niya.
Nagtungo sila sa isang malaking silid na may malaking salamin at habang naglalakad patungo dito ay unti unti naman ikinukwento ni Edward ang mga nadidiskubri niya nung bata pa siya. Sa kanyang napaka murang edad dati napapansin na niya na hindi nga siya ordinaryo dahil sa kanyang kakaibang pag-iisip.
Nung bata pa si Edward ay hindi niya malaman kung ano ang pinagkaiba ng totoo at panaginip dahil minsan kahit gising na gising siya ay may nakikita siyang hindi ordinaryo sa mga tao. Hindi man niya matandaan ang petsa pero hindi niya makalimutan ang mga pangyayari sa kwartong iyon kung saan may ginawa ang kanyang ama sa bisita nito na kamag-anak daw nila.
Sa gitna ng kanyang pag-aaral sa Magic School ay dito pa lang niya nadiskubri na ang mga nakita niya noon ay hindi pala isang panaginip kundi isang realidad na madalas ginagawa ng mga witch at wizard kapag may gusto silang malaman na impormasyon. Ang tawag dito ay Memory Extraction, kung saan tinatanggal ang alaala ng isang nilalang at nilalagay ito sa isang Memorium. Maraming klase at itsura ang memorium pero sa bahay nina Edward ay para itong higanteng salamin kung saan maaari makita ni Maymay ang alaala ni Edward na kasama siya.
Binuksan ni Edward ang kwartong ito at muli na naman napamangha si Maymay dahil halos kalahating porsyento sa kwartong ito ay gawa sa ginto. Nakita rin ni Maymay na nilabas na ni Edward ang kanyang wand at itinutok ito sa kanyang ulo sa taas ng kanang tenga nito. Habang nag-uumpisa na si Edward sa kanyang memory extraction ay hindi rin maiwasang mapansin ni Maymay ang kulay asul na singsing sa daliri nito na parang nang-aakit sa kanya.
Sa isang saglit ay parang naging microscope na ang mga mata ni Maymay na parang wala itong ibang nakikita kundi ang singsing ni Edward. Habang tumatagal ay parang pumapasok na ang kanyang paningin sa loob ng singsing na ito. Kulay asul na usok na may kulay asul na apoy sa gitna ang kanyang nakikita at palapit nang palapit na siya sa isang parang mata na umiilaw nang..
"May.. i want you to take a look at this.." sabi ni Edward, at nilagay na ni Edward ang kanyang umiilaw na memorya sa salamin at pinanood ito ni Maymay. Isang memorya na kailanman ay hindi makakalimutan ni Edward, ang napaka espesyal na alaala na sobrang mahalaga sa kanya dahil ito ang pinaka unang pagkikita nila ni Maymay.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...