Hindi alam ni Korden ang lahat ng tungkol kay Marco ang alam lang niya ay anak ito ni Felix na kapatid niya. Si Gasparre ay lolo ng lolo ni Korden at kahit minsan ay hindi pa niya ito nakita tanging si Felix at si Dr Eric Ross lang ang nabigyan ng pagkakataong makita ang lolo nila. Isang katotohanan na tanging si Gasparre lang at si Felix ang nakakaalam na si Marco ay hindi tunay na anak ni Felix dahil ang tunay na anak ni Felix ay namatay ilang buwan pa lang mula nung isinilang ito.
Hindi na nagulat si Felix nung nalaman niyang isang Vampira si Gasparre dahil matagal na niya minamanman ito bago pa sila nagkaharap. Pero ang katotohanang na nagpagulat sa kanya ay nung inamin ni Gasparre na siya ang lolo ng lolo niya at yung dugong tumatakbo sa ugat ni Felix ay dugo rin ng isang vampire. Si Gasparre din ang nagturo kay Felix kung paano mag teleport pero hindi niya sinabi ang totoong dahilan kay Felix kung bakit wala siyang pangil at hindi siya nagiging vampira.
Sa isang napaka gandang dagat minamasdan ni Marco ang pagsalpak ng alon sa mga bato habang nakatayo siya sa isang napakalaking bato na makikita sa lugar na iyon. Hindi maipaliwanag ni Marco kung ano ang kanyang nararamdaman kahit naguguluhan siya ay nakukuha pa rin niya ang ngumiti. Sobrang naging masaya si Marco kahit papaano nung nagkita sila ni Kisses. Pinasaya naman niya si Kisses nung nilibot nila ang mundo gamit ang kanyang nadiskubring kapangyarihan.
Sa mga oras na iyon hinihintay na lang ni Marco na antukin siya at para makabalik nasiya sa sommers camp at para kausapin na ang kanyang uncle Korden sa kung ano ang dapat niyang gawin para manatiling normal kahit na alam niyang hindi siya ordinaryo.
Walang anuman ay bigla na lang siya nagulat dahil hindi niya akalain na may kasama pala siya na ilang metro lang ang distansya mula sa kanya.
"Sino ka?" tanong ni Marco na ayaw ipakita sa lalaking mahaba ang buhok na ninenerbyos siya na parang gusto niya ipakita na wala siyang takot dito.
"Kung ayaw mo akong tawaging ama, tawagin mo na lang akong Gasparre." sabi ng lalaking na hindi man lang lumilingon.
"Gasparre?" pabulong na sabi ni Marco sa kanyang sarili at bigla niya naalala ang sinabi ni Dr Eric Ross tungkol dito. "Kayo hu ba ang lolo ko?" tanong ni Marco na parang bumaba ang tono ng kanyang boses.
"Yan ba ang sabi sa iyo ni Eric?" at tumingin na si Gasparre kay Marco pero hindi nagsalita si Marco. "Ako ang lolo ng lolo ni Felix at Korden pero hindi ako ang lolo mo. Mahigit dalawang daang taon gulang na ako at isa akong imortal na karamihanan ang tawag sa akin ay Vampira." Paliwanag ni Gasparre na parang hindi namimili ng mga salitang na gusto niyang ibitaw kay Marco.
"Paano po nangyari yon? Lolo ka ng lolo ng papa ko tapos anak niyo rin ako?" pagtataka ni Marco na may halong nerbyos na nahihirapan niyang itago.
"Dalawa lang ang babaeng minahal ko simula nung isinilang ako, si Julianne isa siyang ordinaryong tao na hindi ko akalain na mamahalin ko. Pinagtanggol at pinaglalaban ko siya mula sa aking angkan pero hindi ako nagtagumpay. Ganoon pa man bago siya lumisan ay nagbunga ang aming pagmamahalan. Ang una kong anak na si Elizar, ang lolo ng lolo ng tinuturing mong ama na si Felix. Pagkalipas ng halos isang daang taon ay muli akong umibig at sa pagkakataong ito isang extra ordinaryong babae ang nagpatibok sa aking puso at iyon ang tunay mong ina na si Josephine." Paliwanag ni Gasparre na napakalinaw naman sa pagkakaintindi ni Marco.
Nagteleport si Gasparre at sumulpot ito sa tabi ni Marco, hinawakan nito ang ulo ni Marco at pinakita sa binata ang itsura ng kanyang ina at ang mga pangyayari na kailangan niyang malaman upang mas maintindihan niya kung paano siya naging extra ordinaryo. Nakita rin ni Marco ang pagsakripisyo ni Gasparre at ng kanyang ina para lang iligtas ang mundo ng mga tao mula sa mabagsik at masamang kapangyarihan ng queen witch.
Hindi alam ni Marco kung bakit agad gumaan ang loob niya sa kanyang ama pero ngayon lang niya nakuha ang matagal na niyang hinihintay at gustong mangyari at yun ay ang maintindihan ang lahat ng tanong sa kanyang isipan. At dahil nakita niya ang nakaraan gamit ang kapangyarihan ng kanyang ama at nasagot niya ang lahat ng tanong na gumugulo sa kanyang isipan ay napa iyak si Marco at walang alinlangan niya niyakap ang kanyang tunay na ama.
Hindi bumalik si Marco sa Sommers Camp dahil sumama siya sa kayang ama sa isang lugar kung saan mag uumpisa ang kanilang training para sa paghahanda kay Marco sa darating na digmaan laban sa palapit na kadiliman ng araw.
Sa lahat ng angkan ni Gasparre tanging siya lang ang nabiyayaan ng puso at kaluluwa. Si Gasparre ang bunso sa tatlong magkakapatid at ang ama nito ang pinaka makapangyarihan sa lahat ng angkan ng Vampira sa buong mundo pero hindi muna ito sinabi ni Gasparre sa kanyang anak at wala ding alam ang kahit na sinong miyembro ng kanyang pamilya na nasa France na nagkaroon siya ng anak.
Sa isang di kilalang isla ay agad sinimula ni Gasparre ang training para mas lalo maintindihan ni Marco ang uri at klase ng kapangyarihan mayroon siya at sa totoo lang wala ring idea si Gasparre sa kung anong kapangyarihang taglay ng kanyang anak at sabik na siyang malaman ito.
"Hand ka na ba?" tanong ni Gasparre na nakatayo sa lugar na may limang pung metro ang layo mula sa kinatatayuan ni Marco.
"Handa na ako, Ama." Sabi ni Marco na sabik na rin malaman kung ano ang kanyang kapangyarihan at kung ano ang kaya niyang gawin sa kahit na sinong makakalaban niya.
_____________________________________________________________________
Also Starring
Albert Martinez bilang si Gasparre
siya ang tunay na ama ni Marco na dalawang daan dalawang put anim na ang pag-iral sa mundo ng mga tao.
sa kanyang pamilya siya lang ang naiiba dahil siya lang ang tanging Vampira na kayang mabuhay kahit hindi sumisipsip ng dugo. Bukod sa nabiyayaan ng kaluluwa at may kahawig din ang kanyang isipan ay mayroon din siyang damdamin tulad ng mga taong na nilikha ng mga taga langit.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...