Celestial Sigil

97 4 2
                                    

Muling bumalik si Mackoy sa lugar kung saan nangyari ang pinaka una at pinaka maiksing date na nangyari sa buhay niya at hindi niya akalain na matatapos lang ito sa wala. Mas malalim pa ang kanyang iniisip ngayon kumpara sa lalim ng ilog na nasa kanyang harapan. Hindi niya gustong iwan si Elisse pero alam niyang kailangan din siya ng kanyang dalawang kaibigan at ng mga ordinaryong tao sa mundo.

Tiningnan niya ang singsing na kulay silver sa kanyang daliri na bigay sa kanya ng kanyang Lola Elma. Ito rin ang unang pagkakataon na nakita niya ito..

"Lola bakit niyo ako binibigyan ng singsing..?" ani Mackoy habang nilagay ni Elma ang singsing sa palad nito.

"Kung ikukwento ko sayo lahat siguro aabutin tayo ng bukas, pero gusto kong malaman mo na hindi ko yan sayo binibigay, binabalik ko lang ang kinuha ko dati. Tinago ko lang kasi baka mawala mo. Sabi ng mama mo sa kanyang sulat bigay daw yan sayo ng ama mo, hindi ko alam kung anong klaseng singsing yan pero sigurado ako na isa yang espesyal na singsing para sa isang espesyal na nilalang na kagaya mo." Paliwanag ng kanyang lola.

"Lola baka may iba pa kayong tinatago sa akin., sabihin niyo na ngayon habang nandito pa ako." Sabi ni Mackoy na parang nabigla na naman sa bagong pasabog ng kanyang lola.

"Hindi apo.. sasabihin ko sayo lahat kapag bumalik ka na., kapag maayos na lahat dahil gusto kong bumalik ka, pangako mo sa akin babalikan mo ang lola mo at hindi mo iiwan ang lola mo gaya ng ginawa ng mama mo." Hindi intensyon ni Elma ang umiyak pero dahil naalala nito ang araw na iniwan siya ng kanyang tatlong anak na sina Analiza, Josephine at Rose Marie ay tilay hindi na niya mapigilan ang pagluha at niyakap siya ng kanyang apo.

"Pinapangako ko lola.. babalik ako, at hinding hindi kita iiwan.. pangako yan." ani Mackoy.

Hindi man niya responsibilidad ang lahat pero alam niya na siya lang at ang mga kaibigan niya ang makakagawa ng mga bagay na hindi ordinaryo. Iniisip lang niya ang babaeng minahal na niya na si Elisse dahil sa lahat ng pinaka ayaw niyang mangyari ay ang masaktan niya ito at ang mas malala pa ay baka hindi na niya makikita muli ito.

"Mukhang sobrang lalim ng iniisip natin ah?" sabi ni Elisse na talagang ginulat si Mackoy dahil hindi niya akalain na babalik ito muli.

"Elisse.." ani Mackoy..

"Ako nga.. tulungan mo nga ako ang bigat ng dala ko.." sabi ni Elisse na may bitbit na basket.

"Ano bang tong dala mo?" tanong ni Mackoy.

"Eh di yung mga pagkain na hindi man lang natin ginalaw. Sayang yung hinanda mo tas hindi man lang natin kakainin." Sabi ni Elisse at muli nilang inayos ang lamesa at mga pagkain para sa kanilang di natuloy na date.

"Elisse..." hindi pa tinuloy ni Mackoy ang kanyang sasabihin ay pinigilan na siya ni Elisse.

"Hep.. kain muna tayo at inenjoy muna natin ito dahil gusto ko ito ang magiging pinaka espesyal na araw na makakasama ko ang boyfriend ko." saad ni Elisse na muli na namang ginulat si Mackoy.

"Ano..?" ani Mackoy..

"Hindi mo na ako kailangan ligawan Mackoy dahil sinasagot na kita.. kaya.." sabi ng nagluluha na si Elisse. Agad nilapitan ni Mackoy si Elisse at niyakap niya ito ng mahigpit at ganoon din si Elisse at pagkatapos non hinawakan ni mackoy ang maliit na mukha ng napakagandang binibini, hinaplos ang buhok na natatakpan ang napakaganda nitong mata at nung hindi na mapigilan ni Mackoy ang kanyang sarili ay hinalikan niya si Ellise sa namumula nito mga labi.

Hindi na mapaliwanag ni Mackoy ang kanyang nararamdaman na tilay muli siyang bumalik sa langit. Ang pinaka masayang araw sa kanyang buhay ay nararanasan na niya na parang ayaw itong matapos na kung pwede lang pigilan ang oras ay ginawa na niya.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon