Master Wizard

134 5 0
                                    

Isang ordinaryo at simpleng tao lamang si John Carlo Buenavida o JC na pinanganak at lumaki sa Bulacan at nangarap din na magkaroon ng magandang buhay. Pero sadyang hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong tuparin ang kanilang mga pangarap.

Nagbago ang buhay ni JC nung hindi sinasadyang makita niya at ng kanyang ama ang isang Amulet na sa unang tingin palang ay nabighani na sila agad sa ganda nito at agad ito tinago ng kanyang ama. Pero ang hindi nila alam ay isa pala itong napakahalagang bagay na hinahanap ng Queen Witch.

Natagpuan ng Queen Witch ang lokasyon ng Amulet at dahil dito ay napatay ng reyna ang mga magulang ni JC. Kitang kita ni JC ang pagpaslang ng reyna sa kanyang mga magulang habang siya ay walang magawa dahil alam niyang wala siyang kalaban laban.

Malaki din ang kanyang pagpapasalamat sa kanyang kababata na si Jasmin na kapitbahay niya din at tulad ni JC ay napaslang din ng Reyna ang kanyang mga magulang.

Simula noon ay tinulungan na lang nila ang isat isa para ipagpatuloy ang kanilang mga nasirang buhay. Dahil din sa pangyayaring ito ay namulat din ang pag iisip ni JC tungkol sa mga witches at naging interesado siya na pag-aralan ito.

Nung una ay nagalit siya kay Jasmin dahil sa pag-amin nito na isa rin siyang witch pero pinaliwanag ni Jasmin na tulad din ng mga tao, na may mga witch ay sadyang masama pero mayroon naman na mas pinipili ang gumawa ng mabuti.

Ayon kay Jasmin na sinabi rin sa kanya ng kanyang mga magulang dati na hindi basta basta ang pag-aaral sa mga spells at hindi ito pwedeng magampanan ng maayos ng isang ordinaryong tao lamang. Pero may paraan para matanggal ang pagiging ordinaryo ni JC.

Kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng pagsubok at palawigin ang kanyang paniniwala at kapag nagawa at nalagpasan lahat ng ito ni JC ay maaari na siya maging ganap na Hunter. Ang pagiging ganap na hunter ng isang tao ay tinuturing at kinikilala ng Libro ng buhay bilang isang ganap din na extra-ordinaryo.

***

Habang paakyat sa letter "S" shaped na hagdanan sina Vivoree, Aizan at JC ay may narinig sila na paparating kaya tumabo ang tatlo ng mabilis at nagtago agad sa may malaking poste sa kaliwang banda ng pintuan.

Pumasok ang dalawang demons sa malawak na kwarto kung saan punong puno ng mga nakakulong na kaluluwa. Sa taas naman ay marami ding nakabitay o nakasabit sa kadena na mga kaluluwa at tingin ni JC ay isang kulungan ng kaluluwa ang kanilang napuntahan.

"Huh," napabuntong hininga ang isang demon na parang hindi niya gusto ang kanyang ginagawa.

"Alam kong nararamdaman mo konting tiis na lang.." sabi ng isang kasama nito habang binuksan niya ang aparador o parang malaking locker at kumuha siya ng mga maliliit na clay jar at nilagay sa lalagyanan nito at ganon din ginawa ng isa.

"Hindi ako naging demon para pagsilbihan ang mga fallens na yan." Galit at naiinis na paliwanag ng isa.

"Gumagalaw na si Baltazar, at kapag sapat na ang naipon niyang kapangyarihan at kapag nabuo na ang kanyang plano sa mga nasagap niyang impormasyon laban sa mga fallens, makakaalis na tayo dito." Paliwanag ng isa na mas mukhang matanda sa isa.

"Pupunta na tayo sa mundo ng mga tao?" tanong ng isa na parang dalawa pa lang ang nakukuha niyang clay jar.

"Hindi pa, dadalhin lang niya tayo sa lugar kung saan protektado at ligtas tayo mula sa mga fallens." Sagot naman ng kanyang kasama at tinulungan na siya para mas madali ang pagkuha sa clay jar. Nagbuntong hininga na naman ang nakakabatang demon na parang nawala uli ito ng pag asa na makabalik muli sa mundo ng mga tao.

"Huwag kang mag-alala, may narinig ding akong balita na malapit na daw mabuhay muli ang Queen Witch, makakabalik na rin tayo sa mundo na talagang para sa atin." sa ibinalita ng nakakatandang demon ay sobrang natuwa naman dito ang isa.

Dumiretso ang dalawang demon sa mga presong kaluluwa at ang isang demon ay pumunta naman sa kabila din. Nakita ni JC na kumuha ang isang demon ng clay jar at habang hawak niya ito ay may sinasabi siyang kakaibang spell at nagulat na lang si JC na naging parang pirasong tela na maputi at maliwanag ang isang presong kaluluwa at lumilipad ito ng dahan dahan at pumasok sa clay jar.

Agad naintindihan ni JC ang ginagawa ng mga demon. Nanatili munang tahimik ang tatlo hanggang sa matapos na ang dalawang demon sa kanilang ginagawa. Nung lumabas na ang dalawang demon sa isang malawak na kulungan ng mga kaluluwa ay lumabas din mula sa kanilang pinagtataguan sina JC.

"Ano kaya ang ginawa nila?" tanong ni Vivoree na parang tinatanong niya ang kanyang sarili.

"Pinagsisilbihan nila ang mga fallens at ang mga kaluluwang yan ay ang pagkain nila." Sabi naman ni JC ayon sa kanyang mga naobserbahan at base sa kanyang mga narinig.

Napansin ni JC na parang wala sa sarili ang mga kaluluwa at parang hindi sila nakikita. Sa mga nakikita nila ay parang hindi nila mabilang mga nakakulong at kung ilang talaga ang kulungan sa napakalawak na kulungan na ito.

Habang si Aizan naman ay halos mabali na ang leeg sa kakatingin sa mga nakasabit ding mga kaluluwa at sa galaw ng mga ito ay parang nakikita sila ng mga nakasabit sa taas. Nang tumingin si JC sa taas ay nagulat siya nung nakita niya ang taong familiar sa kanya.

"Master..?" sabi ni JC na parang kahit malayo ay nakilala niya agad ito dahil sa suot nitong maputing robe na ito rin ang suot niya nung huli silang nagkausap.

Nagplano agad ang tatlo kung paano iligtas ang master wizard.

Una ay sinubukan ni Vivoree na magpraktis sa poste gamit ang kanyang pana. Nung nakuha na niya ang tamang tiempo ay nagawa na niya ang tamang technique sa pagtarget.

Nagpraktis na rin si Aizan sa kanyang latigo para sigurado niyang mahuhuli niya ang kaluluwa ng wizard. Sa mundo ng spirito tanging ang mga nagsasanay lang ang may kakayahang lumipad pero sa sitwasyon ng wizard ay parang wala pa siyang idea kung paano gawin ito dahil nung huli silang nagkita ni JC ay buhay pa ito.

Sablay ang unang tira ni Vivoree pero nung talagang nagconcentrate siya sa kanyang pangalawang tira ay natamaan niya ang kadena at bumagsak ang wizard.

Sinalo naman ito ng latigo ni Aizan at umikot ikot ito hanggang sa sinalo naman ni JC.

Nung nakahiga na ang wizard sa sahig ay parang nanginginig ito at hindi nila alam ang gagawin hanggang sa may lumabas na boses sa bibig ng wizard. "tah.. ta.. iita.." sabi ng wizard.

Parang nagkaroon ng larong hulaan ang tatlo dahil hindi nila maiintindihan ang sinasabi ng wizard.

"Tap, tab, tak, tat tart.. taff" halos banggitin na ni Aizan ang lahat ng katunog sa sinabi ng wizard.

Nakita naman ni JC na gumagalaw din ang kanang kamay ng Wizard at agad niyang naalala nung huli silang nagkita ay may hinawak ito.. at agad niya naalala..

"Staff" sabi ni JC, at biglang nagkaroon ng maliit na liwanag sa may dulo ng daanan at nakita na lang nila na may lumilipad na maputing kahoy at umikot ito at sumabog sa harapan nila.

Sa lakas ng pwersa ng pagsabog ay sabay silang lumipad at bumagsak sa sahig.

Narinig ito ng isang fallen at agad lumipad patungo sa malaking kulungan na ito.

Nung nawala na ang usok at alikabok sanhi ng pagsabog ay nakita ni JC na nakatayo na ang kanyang Master.

Gamit ang staff ay pinatay ng wizard ang isang fallen na nagtangkang kalabanin ang siya.

Nagulat si JC dahil parang mas naging makapangyarihan ang wizard kaysa sa una niya itong nakita. Pinakawalan din ng wizard ang lahat ng presong kaluluwa at tuluyang winasak ang gusaling ito.

Lumantad din ang iba pang mga fallen at demons sa liwanag kaya karamihan sa kanila ay nasunog na lang bigla pero yung iba na may sapat na kapangyarihan ay nakatakas.

Hindi makapagsalita ang tatlo, tumayo sila at binalewala kahit punong puno sila ng alikabok na nakatulala at tumitingin lang sa makapangyarihang wizard na ito.

___________

Eddie Gutierez bilang si Wizard Master

JC De Vera bilang si JC


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon