Unforgettable

140 7 2
                                    

 "Aaaaaah..." ang napakalalim na buntong hininga ni Marco nung pumasok ang ang huling carayom o needle sa kanyang spinal cord. Nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan at nag iba ang kanyang kulay na parang nawala ang dugo nito at naging sobrang maputi.

Nung nakita ni Azaki na lumagpas na sa eighty percent of completion ang kanyang experiment ay kinuha na nito ang kanyang mga dapat na kunin ay agad na itong umalis sa kwartong iyon.

Habang hindi naman naaalis ang focus ni Matias sa kanyang bagong alagad na si Marco. Nung nakumpleto na ang proseso ng expriment ay kusang naalis ang mga black wires na may carayom sa dulo sa katawan ni Marco.

Pagpatak ng tatlong segundo ay biglang nagbukas ang mga mata ni Marco at iba na ang kulay nito. Naging maitim ang buong eyeball ni Marco at dahil sa isinagawang experimento ay hindi lang ito ang nabago kundi kasama na ang buo niyang pagkatao.

Blangko na ang utak ni Marco at wala na siyang kilala na kahit na sino ang tanging kinikilala lang ng utak niya ay ang utos ng nagpasimuno ng experimento at iyon ay walang iba kundi ang vampirang si Matias.

***

"Elisse..." patuloy pa rin pinipilit ni Mackoy na gisingin ang wala nang malay na si Elisse dahil ramdam niya na buhay pa ito. Hindi rin alam ni Mackoy kung ano ang dapat niyang gawin at kung paano niya maliligtas ang nanganganib na buhay ng babaeng espesyal sa kanya.

Ilang saglit pa ay may narinig si Mackoy na parang kasing tunog ng mga nagbabanggaan na mga dahon na paparating. Ang akala ni Mackoy ay kalaban ito kaya tumayo siya at hinanda ang sarili.

Sa sobrang naging maliwanag ang paligid ay nasilaw ang mga mata ni Mackoy at nung mawala ang liwanag nakita ni Mackoy ang batang babae na tumitingin sa kanya at sa likod nito ay parang mga dilaw na talang lumulutang.

"Sino ka..?" tanong ni Mackoy kahit ramdam niya na hindi ito kalaban ay nais pa rin niya makilala at malaman ang pakay nito.

"Ako si Rita, kaibigan kami ni Princesa Elisse, nandito kami para ibalik siya sa templo, kailangan namin siyang gamutin at kailangan din namin ang pahintulot mo." sabi ni Rita sabay ng pagyuko kaya mackoy bilang paggalang.

Nung narinig pa lang ni Mackoy ang pangalang Rita ay agad na niyang pinagkatiwalaan ito. Dumikit lahat ang mga dilaw na ilaw sa buong katawan ni Elisse kasama na rin si Rita na biglang naging dilaw na ilaw din at nung natabunan na ng mga fairies ang buong katawan nito ay bigla itong sumabog at biglang nawala.

Nagpatuloy si Mackoy sa kanyang pakikipaglaban at ngayon buo na ang kanyang loob dahil wala na itong inaalala kaya naging madali para kay Mackoy ang malampasan ang bawat palapag papunta sa pinaka ilalim.

Napansin ni Matias ang bilis at lakas ni Mackoy sa pamamagitan ng mga natitirang camera na hindi na nagawang sirain ni Mackoy. Dahil dito alam na ni Matias kung kanino niya gagamitin ang bago niyang alagad na si Marco.

Mas lalong tumatagal ay mas lalong lumalakas ang kapangyrihan ni Mackoy kahit dinaan pa ni Matias ang mga alagad niya sa experimento ay wala pa rin itong binatabat sa spirit wind ni Mackoy na ginagawang alikabok ang mga tinatamaan at nakakabangga nito.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nakahanda na si Marco at hinihintay na lang ang signal o senyas ng kanyang bagong pinuno. Nung nalagpasan na ni Mackoy ang ikatlo sa pinaka huling palapag kung saan nandoon si Matias at na nitong binigyan ng pahintulot si Marco para ipagtanggol siya at patayin si Mackoy.

Sa isang mapiting pader ay may naramdaman si Mackoy na kakaiba, isang uri ng portal energy at inaasahan na niya na may magpapakita sa kanyang harapan at hinda niya agad ang kanyang sarili.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon