The Red-Fire Phoenix

97 7 2
                                    

Kahit si Maymay ay namangha sa kanyang nakita pero hindi na siya nagulat dahil kilala na niya si Kisses at kahit hindi pa niya alam ang tunay na pagkatao nito ang mahalaga sa kanya ay ang pagiging isang mabuting nilalang nang kanyang kaibigan.

Nung nawala na ang tubig na ginamit ni Kisses bilang uri ng komunikasyon para maka usap niya si Maymay ay hindi pa rin nawawala ang pagiging tulala ni Professor Morris at Jackie.

Dahil sa nakita ni Professor Morris ay bigla niya naalala si Isabel ang kabiyak ni Ferdinand na dati nakasama din niya sa digmaan laban sa mga masasamang kapangyarihan.

"Professor, okay lang po kayo?" pag alala ni Jackie na parang alam na niya kung ano ang iniisip nito.

"Naalala mo ba si Isabel?" tanong ni Professor.

"Siya rin ang inisip ko nung nakita ko yung tubig na yon, hindi ko akalain may iba pa palang nakakagawa ng pambihirang istilo na iyon." paliwanag ni Jackie.

"Tama., pero huwag na muna natin pag usapan yan ang importante ngayon ay ang pamangkin mo na si Maymay. Oras na Jackie para malaman na niya ang kanyang tunay na kakayahan." Ani Professor.

***

habang naghihintay si Nikko sa may sala ng malaking palasyo sa Germany ay masaya niyang iniisip na sa wakas ay maliligtas na rin niya ang kanyang kapatid na si Fenech.

Malaki ang compiyansa ni Nikko na magtatagumpay sila dahil sa tulong na rin ng ama ni Edward na si Kevin na sa tingin niya ay malakas ang impluensya sa nabuo nitong mga malalakas na extra ordinaryo.

Alam din ni Nikko na naghahanda na rin si Ferdinand sa naisip nitong plano sa pag atake sa mga kampon ni Virgo. Naniniwala siya na sa mga oras na iyon ay kasama na ni Ferdinand ang kanyang mga kakampi na tutulong para pigilin si Virgo sa plano nito na bigyang buhay muli ang kanyang ina.

Nung lumabas na ang mga kasamahan ni Kevin sa silid kung saan naganap ang kanilang diskusyon tungkol sa pagsalakay sa kanilang master na si Virgo ay agad tumayo si Nikko at hinanap si Kevin para malaman kung anong paghahanda ang kailangan niyang gawin para sa gagawing pag atake.

"Master Kevin, ano po ang naging resulta ng meeting niyo po? Maghahanda na po ba ako para sa gagawing pag atake mamaya?" parang excited na si Nikko dahil gusto na talaga nitong iligtas ang kanyang kapatid.

"Hindi sila pumayag., malamang nanaig ang pagkatakot nila kay Virgo." sagot naman ni Kevin na parang hindi rin gusto sa nangyaring pag uusap sa kanyang mga kasamahan.

"Pero sabi ni Boss Ferdinand, kailangan po nating pigilan si Virgo ngayon dahil kung hindi.." hindi pa tapos magsalita si Nikko ay alam na ni Kevin ang kanyang nais na sabihin.

"Alam ko., kaya maghanda ka na dahil pupunta na tayo sa pilipinas." sabi naman ni Kevin.

Hindi man alam ni Nikko ang buong plano ni Mr Kenvin Kenritz ay natutuwa pa rin ito dahil parang kahit anong mangyari ay tutuloy pa rin sila at maliligtas pa rin niya ang kanyang kapatid na si Fenech.

***

Sa roof top ng palasyo ni Virgo ay biglang lumitaw si Edward gamit ang kanyang kakayahan sa pagteleport sa tulong na rin ng kanyang wand.

Mukhang hindi na niya kailangan hanapin si Heaven dahil sa kaalaman niya sa pagiging isang witch ay parang isang summoning spell lang ang kailangan para makita muli ito.

Nung nag umpisa nang matupad ang spell ay napansin ito agad ni Malik na siya ring kasama ni Heaven sa mga oras na iyon. Isang witch rin si Malik kaya alam niya na may gustong kumuha kay Heaven.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon