Memory Lost

86 6 1
                                    

Gamit ang kanyang kapangyarihan dinala ni Edward si Heaven sa House of Phoenix sa pamamagitang ng isang traveling spell. Bago sila pumasok sa isang teleportation spell ay nakita at narinig ni Edward ang sigaw ng isang lalaking nagsasabing na hindi si Heaven ang kanyang kasama pero isinang tabi muna ito ni Edward.

Sa isang parang kwarto ay may napansin si Heaven na parang kakaiba kaya binitawan nito si Edward. Unti unti naman lumayo at dumistansya si Edward at hindi ito napansin ni Heaven dahil mas pinansin nito ang lugar kung saan sila lumitaw at hanggang sa nakita niya ang hugis bilog sa sahig ng kwartong ito at nung tiningnan niya muli si Edward ay ngumiti ito sa kanya.

Bago gumawa ng hakbang si Heaven biglang may red laser na sumulpot sa bilog na napapalibot sa kanya at huli na ang lahat nung nalaman niya na isa pala itong kulungan. Kahit anong klaseng kapangyarihan mayroon si Heaven ay hindi niya masisira ang spell proof laser na ito.

"You think you can lock me here forever, Edward please dont be stupid., you dont know what our master is capable of." Sabi ni Heaven na may pagka arogante at yabang.

"Really.." sagot naman ni Edward.

"Oh yeah really.. in fact i know that i can stay here as long as i can but you., and the poison that i inject in your mouth, i dont think you can even last an hour.." sabi naman ni Heaven na nakangiti.

Pagkatapos pa lang banggitin ni Heaven ang tungkol sa lason ay agad nang naramdaman ni Edward ang impeksyon na nangyayari na sa loob ng kanyang katawan. Unti unti nang umaalsa ang mga ugat ni Edward at naninigas na rin ang kanyang katawan. Pagkatapos ay naramdaman niya rin ang lamig na dala ng lason na ito at dahil sa matinding bisa nito ay napaluhod si Edward sa sobrang paninikip ng kanyang dibdib na halos hindi na siya makahinga.

Tuwang tuwa naman si Heaven sa kanyang nakikita at ang akala niya ay nanalo na siya pero nagulat na lang siya nung binuksan ni Edward ang kanyang mga mata at nakita ni Heaven na naging kulay asul ito. Ang katawan naman ni Edward ay parang naglabas din ng nagbabagang apoy na kulay asul rin. Tumayo si Edward at binuksan ang kanyang bibig at unti unting lumabas ang likidong kulay itim na isang uri ng makamandag na lason.

Gamit ang wand ni Edward ay sinuri niya ang lason na ito at nalaman niya na isa pala itong dream root na may hinalong nanomite virus na tumutulong para maging mabilis ang pagkalat.

"The elements within this dream root chemical is really for real, it can bring your real senses, feelings, thinking and even your real personality to another world, and that world is just somewhere within your brain that may not be easy to find but sad news for you because, Heaven, i'm sorry but it is cureable." Ang paliwanag ni Edward nung nalaman niya ang klase ng chemical na ginagamit para maging masama ang mga mabubuti.

"Oh really, you think you're that smart? I dont think so.." ang sabi ng naiinis na si Heaven.

"Don't worry i can cure you but i wont do that now, because someone called my name and he know something about you too. I'll be back Heaven, I'll save you like i promise." Kahit ganoon si Heaven ngayon alam ni Edward na isang mabuting extraordinaryo ang tunay na Heaven at gagawa siya ng paraan para maibalik ito sa dati.

Kailangan muna malaman ni Edward ang buong detalye para malaman niya kung paano ito gamutin at kung paano ito maibalik sa dati.

***

Sa roof top ay parang hindi pa rin makatayo si Yassi dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ulo pero napakalinaw naman sa kanya ang mga detalye na nasasagap niya mula sa utak ni Malik at ngayon may nasasagap na naman siya na kakaibang kapangyarihan.

"Yassi.. ano bang nangyayari sa yo?" tanong ni Markus na walang idea sa mga nangyayari at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa sitwasyon ngayon ni Yassi.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon