Walang nakakaalam na nasa mundo pala ng mga tao ang libro ng kapangyarihan maliban kay Virgo na palihim pala itong hinahanap. Ito rin ang dahilan kung bakit niya nilisan ang mundong majika dahil naniniwala siya sa pamamagitan ng librong ito ay wala nang makakatalo pa sa kanya at pwede na siyang mamuno sa buong lupain ng Majika.
Hindi sinasadya na makita ni Kisses ang libro ng kapangyarihan at hindi rin niya sinasadya na pakawalan ang queen witch at wala siyang idea kung ano at sino ito at kung ano ang pwedeng magawa nito sa mundo ng mga tao. Binigay naman ni Kisses ang librong ito kay Maymay at mukhang naalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang ina na hanapin ang libro at ngayon ay nasa kanya na ito. Hindi rin niya alam kung anong gagawin niya dito kaya sinabi niya sa kanyang tita Jackie.
Umalis agad si Maymay sa bahay nina Kisses sa pamamagitan ng pag teleport gamit ang pag ikot ng kanyang dalawang daliri. Sa kanilang maliit na apartment agad hinanap ni Maymay ang kanyang kapatid at sobra itong nag alala nung hindi niya ito nakita at biglang sumulpot naman ang kanyang tita Jackie.
"Tita nasaan ang kapatid ko?" tanong ni Maymay na parang isang nanay na nawala ang anak.
"Over acting ka, nandoon kay tito Wilfred mo. Doon muna siya ngayon dahil may paparating na hindi maganda." Sabi ni Jackie na nag aalala rin.
"Bakit po? Anong mangyayari?" tanong ni Maymay na parang agad nawala ang pag alala niya sa kanyang kapatid. Si Wilfred ay kapatid ni Jackie na isang wizard at kilala ito ni MayMay dahil ito rin ang nag alaga sa kanya dati nung maliit pa siya tuwing hindi umuuwi ang kanyang ina at ito rin ang naging guro niya sa paggamit ng ibat ibang klase ng kapangyarihan.
"Kilala mo si Pamela di ba, nagkita kame at sinabi niya sa akin na ikaw daw ang makakakita sa libro ng kapangyarihan. Naniniwala ako sa kanya dahil lahat ng sinasabi niya ay nagiging totoo." Sabi ni Jackie na tilay bumubulong at nag aalala.
"Nakita ko na po, pero tinago ko muna. Teka tita ano na bang nangyayari?" saad ni Maymay na parang hindi pa rin niya naiintindihan ang kanyang tita Jackie.
"Sabihin mo sa akin na hindi mo ito binuksan." Sabi ni Jackie na naninigurado dahil alam niya kung ano ang mangyayari kapag binuksan ito ni Maymay.
"Hindi po sinasadya ng kaibigan ko, at may lumabas na maiitim na hindi ko maintindian kung ano." Paliwanag ni Maymay na pinipilit maintindihan ang mga nangyayari.
"Puntahan mo ang kaibigan mo, nanganganib ang buhay niya." Sabi ni Jackie nang biglang may umatake sa kanila at buti na lang naka ilag agad sila. Dalawang lalaking witch ang biglang sumulpot sa kanilang apartment at nagpakawala ng maitim na puwersa gamit ang kanilang wand. Ang puwersa na lumalabas sa wand ay katumbas sa pwersa ng isang shotgun at kung matamaan ito sa kahit na ano ay siguradong wawasak at mabubutas.
Bukod sa dalawang daliri ni MayMay ay marunong din siya gumamit ng wand at binigyan siya ng kanyang tita Jackie para protektahan ang kanyang sarili. Agad gumawa ng spell si Jackie para protektahan ang buong apartment sa pamamagitan ng golden shield. Kahit may dumating pa na ibang kalaban ay siguradong hindi sila makakapasok o makakalampas sa shield na napapalibutan ang buong gusali.
Nagkahiwalay ng direksyon si Jackie at si Maymay kaya hindi na muna nila maasahan ang tulong ng isat isa tanging sarili na lang nila ang kanilang pag-asa. Dalawang kalabang witch ang nakapasok sa apartment, ang isa ay nakikipaglaban kay Jackie at yung isa ay hinahanap si MayMay.
Hindi pa masyadong experto si Maymay sa paggamit ng wand at wala rin siyang kapangyarihan sa pagwasak kaya ang kanyang hawak na wand lang ang kanyang pag asa na medyo malapit nang masira dahil sa maling paggamit dito. Gusto niyang magteleport pero alam niyang mas masusundan siya nito kaya inisip niya magtago sa gagamitin niyang shield pero bago niya ito ginawa ay nakita na siya ng kalaban.
"Katastrefo!" sambit ng kalaban at muntik na matamaan si Maymay nung may sumulpot na isang binatang witch at nagcounter strike ito sa kalaban. "Ekrixi!" sambit ng binata na walang ginagamit na wand kundi ang kanyang dalawang daliri tulad ni Maymay. Sa sobrang lakas ng kapangyarihan na pinakawalan ng binata ay nawasak ang kalaban na parang sumabog na usok.
Hindi pinansin ni Maymay ang kalaban dahil ang kanyang mata ay hindi na maalis sa binatang nagligtas sa kanya. Likod at batok ang nakikita ni MayMay pero unti unti itong tumatalikod at humaharap sa kanya na tilay slow motion sa pelikula at nung nakita na niya ang mukha nito agad niya ito naalala.
"Edward?" ang hindi makapaniwalang sabi ni Maymay. Lumapit sa kanya si Edward at kinuha ang kanyang nasirang wand at itinapon ito. Hinawakan ni Edward ang kamay ni maymay na nagkaroon ng sugat sa maling paggamit ng wand. Bukod sa magaling mag dipensa si Edward ay may kaalaman din ito sa paggamit ng kapangyarihan niya sa paggamot sa anumang uri ng sugat.
"I can't believe you still remember me.. Maymay." Ngumiti si Edward na tilay first time niya ito ginawa sa napakahabang panahon. Hindi rin alam ni Maymay kung ano ang sasabihin kaya parang natulala na lang ito.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasiSi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...