First and Last Date

366 11 0
                                    

Naghanda si Marco ng isang napakagandang set up para sa isang dinner kasama ang kanyang napaka espesyal na panauhin ang babaeng tinuturing niyang higit pa sa kaibigan. Sa tingin ni Marco sa mga panahon na nagkakasama sila ay natutunan na niyang mahalin si Vivoree.

Aminado rin si Vivoree na nagkakaroon na rin siya ng kakaibang nararamdaman para kay Marco dahil tuwing kasama niya ito ay nakakaramdam siya ng kakaibang saya at kilig. Napansin rin ng mga magulang ni Vivoree na parang naging bibo at masayahin ang kanilang anak at nangyari ang pagbabagong ito nung nakilala niya si Marco.

Nakita naman ng mga magulang ni Vivoree kung gaano kabait si Marco na sobrang maaasahan nila lalo na pagdating sa pagtanim ng strawberry sa kanilang farm. Nagging sobrang maganda ang harvest at kita nila sa kanilang farm nung dumating si Marco na para sa kanila hulog daw ito ng langit.

Nagpaalam si Marco sa mga magulang ni Vivoree na kung pwede samahan siya ng kanilang anak sa Hillside kung saang may inihanda siyang surpresa ditto. Mukhang alam na ng mga magulang ni Vivoree kung ano ang intension ni Marco kaya pumayag na rin sila dahil gusto rin nila si Marco para sa kanilang anak.

Habang naglalakad silang dalawa papuntang Hillside may narinig si Marco na parang may tumakbo sa kanilang likuran pero nung lumingon siya wala siyang nakita. Kahit alas kwatro pa lang ng hapon ay medyo madilim na sa lugar na yon kaya sa bahay nila Vivoree parang napa isip bigla ang nanay ni Vivoree.

Agad tumayo at lumabas ng bahay ang mga magulang ni Vivoree at dinala ang kanilang silver spear dahil alam nila kung ano ang maaaring mangyari lalo na nung narinig nila ang howl na galing sa Hillside. Pero nung dumating na sila doon nakita na lang nila ang werewolve na wala ng ulo at si Marco na umiiyak habang karga karga ang katawan ni Vivoree.

"Tita.., patawad.." halos hindi humihinto ang pagluha ni Marco sa di inaasahang pangyayari, Nanginginig ang lahat ng parte sa kanyang katawan na kung may paraan lang para buhayin uli si Vivoree ay ginawa na niya. Pero alam niya na hindi na pwede at yun ang pinaka masakit.

"Vivoree.. mahal na kita.." tumulo na naman ang kanyang luha at hindi niya napigilan ang sumigaw..

"Vaaaaaaay..... voree..aaahh " at lumuhod si Marco at niyakap ang bangkay ng babaeng natutunan na niyang mahalin.

To be continued...

____________________________________________________________

Ang hindi alam ni Marco at ang mga magulang ni Vivoree ay mayroong extra ordinaryong teen na nagmamanman sa kanila na tilay nag oobserve sa mga nangyayari.

Ang hindi alam ni Marco sa mga pangyayaring naganap ay ang katotohanan na nangyari na pala ito dati at hindi lang isang beses kundi maraming beses na kayalang huli na nung maalala ng mga magulang ni Vivoree ang tungkol dito.


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon