Ezekiel

88 5 0
                                    

Halos tahimik lahat at nagluluksa ang mga fairies na naging kaibigan ni Elisse sa mismong kagubatan na iyon na bahagi sa malaking templo ni Master Yanma Tokiro. Nung nahinto ang pagtibok ng puso ni Elisse ay parang nahinto rin ang oras ng bawat isa na parang hindi makapaniwala na possibleng mangyari ito sa isang tulad ni Elisse. Parang naging slow motion ang lahat pati ang pagbagsak ng mga dahon at bulaklak mula sa mga Elm Trees o ang mga puno na tulad ni Kiko na nagsasalita at may sariling buhay.

Pagkatapos kausapin si Archanghel Mikael naisipan ng dalawa na sina Yanma at Elma na puntahan muli si Elisse at kausapin si Mackoy tungkol sa kanilang mga nalaman kayalang nung nagteleport na sila ay hindi nila namalayan at walang nakakaalam na biglang huminto ang oras.

Si Mackoy ang tanging nilalang sa lugar na iyon ang patuloy na humihinga at hindi pa rin mapigil ang kanyang sakit sa lungkot na nararamdaman. Isang halik ang hindi niya maiwasan na gawin sa babaeng nagpatibok sa kanyang puso at hinalikan niya si Elisse sa noo habang nakasara ang kanyang mga mata at hindi namamalayan ang umiilaw na luha na dahan dahan ding nahuhulog at bumagsak sa mismong mata rin ni Elisse.

Hind alam ni Mackoy kung ano ang nangyari at kung bakit sa pagbukas ng kanyang mga mata ay wala na si Elisse sa kanyang harapan. Sumigaw na lang si Mackoy nung nakita niyang nasa taas na siya ng alapaap. Nawala siya ng kontrol kaya nagsimula itong mahulog mula sa mahigit na fifty thousand feet na layo o taas mula sa lupa.

Nakita ng isang Seraphim na si Ezekiel ang inosente at hindi marunong lumipad na si Mackoy kaya hindi ito nagdalawang isip na tulungan ito. Bigla na lang humito ang paghulog at pagsigaw ni Mackoy nung sumulpot sa kanyang harapan si Ezekiel.

"Sino ka?" tanong ni Ezekiel na parang hindi niya maintindihan na kung bakit may Seraphim na hindi marunong lumipad.

"Di ba ako ang dapat na magtanong sa yo niyan?" sagot naman ni Mackoy.

Tiningnan ni Ezekiel ang paligid kung saan sila naroon, "Kasi ang pagkakaalam ko teritoryo ko ito at ikaw ang biglang sumulpot dito?" paliwanag naman ni Ezekiel.

"Ganon po ba.. aah pasensya na po., Ako si Mackoy hindi ko alam kung bakit nandito ako pero., patay na po ba ako? Nasa langit po ba ako?" ang pagtataka ni Mackoy at parang hindi pa rin niya lubusan maintindihan ang mga nangyayari.

Nagtataka rin si Ezekiel na parang hindi alam ni Mackoy klung sino ito at parang wala itong alam kung anong mundo ang kanyang napasukan. Kaya inalis ni Ezekiel ang makapal na ulap na patuloy na bumabalot sa kanilang katawan sa pamamagitan ng paghipan dito.

Biglang nagulat si Mackoy nung makita niya ang pakpak ni Ezekiel at naka parang ito sa ere at lalo na nung nakita niya na ganoon din siya.

"Talaga bang wala tayo sa langit? Bakit kausap kita.. bakit kausap ko ang isang Anghel..?" tanong ni Mackoy na parang kombinsido na nasa langit nga siya.

"Hindi ako Anghel dahil isa akong Seraphim na kagaya mo at tulad ko may pakpak ka rin.." sabi ni Ezekiel na mas lalong pinagulat si Mackoy. Ngayon ay parang naniniwala na si Ezekiel na inosente at walang kaalam alam itong si Mackoy sa mga nangyayari kaya nagdesisyon siyang dalhin sa isang lugar kung saan pwede niya itong kausapin ng mabuti at mas kilalanin.

Hindi namamalayan ni Mackoy na ginagamit na niya ang kanyang mga pakpak at tilay nakalimutan na nito ang kanyang takot na baka siya ay mahulog. Masaya ang kalahati ng kanyang pag-iisip dahil sa mga bagong nadidiskubri nito tulad na lang ng paglipad at sino ba naman ang hindi sasaya dito ngunit mas matimbang pa rin ang kalungkutan na nararamdaman niya ngayon.

Dumapo sila sa isang lumulutang na isla na may mga kakaibang puno na wala namang dahon, mga gumagalaw na halaman at maitim na lupa. Habang naglalakad sila napansin ni Mackoy mula sa likod ni Ezekiel na parang nawala ang pakpak nito kaya nagtanong na naman ito.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon