Walang nakakaalam na taga majika na isa si Mr Kevin Kenritz sa nagtayo ng organisasyon na ang tawag nila ay the house of phoenix at kasama niya dito si Meredith. Sa Magic School noong mga panahon na istudyante at nagsisimula pa lang sila ay kakaiba na ang mga kinikilos ng dalawa kung ikukumpara sa iba pang mga istudyante sa iskuwelahan na iyon. Kung titingnan sa edad ay mas lamang sina Meredith at Kevin sa bagong salta na si Virgo pero alam nila na higit na mas makapangyarihan ito kaysa sa kanila.
Dapat kasama si Kevin sa ikaapat at huling bahagi sa pag aaral ng witchery pero binigyan daan niya ang kanyang kaibigan na si Meredith at para na ring tuparin ang plano nilang organisasyon. Bumalik si Kevin sa mundo ng mga tao at dito niya nakilala ang ina ni Edward na si Rose Marie, kung ganda ang pag uusapan ay kahit na sinong lalaki ay mahuhulog agad sa gandang ito kayalang sa sobrang tapang ni Rose Marie para sa isang babae ay natatakot yung iba na lumapit dito pero hindi si Kevin.
Nagkasabay ang kanilang landas nung sinundan nila pareho ang ina ni Virgo na si Rowena na ang tawag nila ay queen witch. Isang kakaibang summoning spell ang ginawa nito at sa mga nakita nina Kevin at Rose Marie ay parang gumagawa na ito ng mga tauhan para sa plano nitong mamuno sa mundo ng mga tao. Sa pamamagitan ng libro ng kapangyarihan ay nagsilitaw ang mga kampon ng kadiliman ang mga black spirits kung saan kapag sumanib ito sa isang tao ay magiging makapangyarihan ito at susunod ito sa kahit na anong utos ng Reyna.
Sumama si Rose Marie kay kevin para magsanib pwersa laban sa queen witch. Tumulong din sa kanila ang isang professor ng magic school na si Professor Morris kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Violet at Jackie at kasamadin ang mag asawang sina Ferdinand at Isabel. Silang pito na ang pinakamalakas sa labing anim na miyembro sa nabuong organisasyon na tinatawag nilang House of Phoenix.
Sa kasalukuyan, tinitingnan ni Jerome ang lumang picture frame ng mga orihinal na miyembro ng HOP o house of Phoenix na nasa office ni Professor Morris. Ang gusaling ito ay hindi makikita ng isang ordinaryong tao pero naka locale ito sa mundo ng mga tao. Nasa maliit na daanan ito sa gitna ng dalawang magkatabing mataas na gusali. Kailangan ng isang witch na magbitiw ng isang spell para idikit ang dalawang gusali at muli itong hiwalayin para magpakita ang gate papuntang HOP.
Lumingon agad si Jerome nung biglang pumasok sa office ang dalawang nag uusap na sina Professor Morris at Jackie.
"Kilala ko si Pamela, ni minsan ay hindi pa pumalpak ang kanyang mga vision lalo na pagdating sa mga bagay napakahalaga tulad nito." Sabi ni Jackie na parang kinokombinsihin niya si Professor Morris na paniwalaan siya.
"Sige puntahan mo ang pamangkin mo, at siguro alam mo na ang gagawin mo." Sabi ni Professor Morris habang yung mga mata niya ay tumitingin sa binatang nasa likod ni Jackie.
"Okay sige." Sabi ni Jackie at agad itong umalis ng opisina sabay ngiti na rink ay Jerome na naghihintay rin ng pagkakataon para kausapin si Professor Morris.
"Kamusta, nasaan ang kaibigan ni Edward? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Professor Morris dahil sa pagkatanda niya ay isa itong matalik na kaibigan ni Edward na nakipagkita dito at hindi ito hahayaan na lang ni Governor Renn na wala man lang nasasagap na impormasyon tungkol kay Edward.
Nung araw na dinakip nila sina Edward at Heaven ay nagkaroon ng pagkakataon si Professor Morris na malaman ang binabalak ng Governor at lalo na sa nadiskubri nito na magkasabwat ang governor at ang masamang witch na si Virgo. Lumalaki at lumalawak na ang brotherhood org na pinamumunuan ni Virgo at hindi nila kayang basta nalang itong kalabanin at sugurin kaya nakasalalay ang kanilang pag asa ngayon kay Edward.
"Professor, hindi ko pwedeng sabihin ang mga detalye sa inyo dahil hindi ko maipaliwanag ito pero pwede ko pong ipakita sa inyo kung mamarapatin nyo po." Sabi ni Jerome na may hula na siya na ikakatuwa ito ng kanyang professor.
Lumabas sila ng opisina at isinama ni Professor Morris si Jerome sa isang lugar na napuntahan na niya dati. Pumasok sila sa isang kwarto na punong puno ng mga magic wands at ibat ibang klase ng potion at sa gitna nito ay may isang malaking square aquarium pero walang isda kundi tubig at bula lang ang makikita ditto. Ang bula ay hindi natural dahil hindi ito pumuputok nananatili ang bilang na labing tatlo ang bula sa loob ng tubig sa aquarium. Gumagalaw din ang mga ito at nagbabago ang hugis, lumalaki at lumiliit na naman muli.
Nilabas ni Professor Morris ang kanyang Elder wand at dinikit ang dulo nito sa noo ni Jerome at nung umilaw na ang dulo ng wand tinanggal niya ito at may lumabas na ilaw na hugis bulate o maliit na tali na umiilaw at pina lipad niya ito papunta sa loob ng aquarium at pumasok ito sa isang bula. Nagsama sama ang mga bula at bawat bula at may bitbit nang impormasyon tungkol sa nakita ni Jerome, mga impormasyon na tungkol kay Mackoy. Sa nakikita ni Jerome tama ang naging hula niya sa reaksyon ng mukha ni Professor Morris ay natutuwa ito sa kanyang mga nakita.
_____________________________________________________________________
Starring
Edward Barber bilang si Edward
Heaven Peralejo bilang si Heaven
Mackoy de leon bilang si Mackoy
Also Starring
Jerome Ponce bilang si Jerome
Arlene Muhlach bilang si Jackie
Michael de Mesa bilang si Professor Morris
Cherry Pie Picache bilang si Meredith
Ian Venerascion bilang si Kevin Kenritz
Carmina Villaroel bilang si Rose Marie
Paulo Avelino bilang si Virgo
Nonie Buencamino bilang si "Ferdinand"
Charlene Gonzales bilang si Isabel
Isabel Granada bilang si Pamela
Amy Austria bilang si Queen Witch Rowena
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...