Nagpaalam muna si Master Tokiro kay Elma dahil hindi niya pwedeng palampasin ang pagdalo ng mga ibat ibang extra ordinaryo sa gaganapin na Auction Event sa Royale Palace dahil gusto niya rin makita at makilala ang pinaka mayaman na extraordinaryo ngayon sa buong mundo na si Alracko.
Napansin ni Tokiro ang lawak ng malapalasyong lugar na ito na sinlaki ng pinaka malaking mall sa Pilipinas. Magarbo at napaka elegante na talagang pinagkagastusan ang event, inalalay si Master Tokiro ng mga service officials patungo sa kanyang magarbong silid at pinili niya na dito na lang maghihintay at lalabas na lang siya kapag magsisimula na ang event.
Sa brotherhood palace naman ay naghahanda na si Virgo at sinusuot na siya ng kanyang mga alalay ang kanyang eleganteng black suit. Pero bago ito umalis sinundo naman niya ang kanyang makakasama sa event na iyon na binihisan din ng napakagandang damit.
Sabay silang lumakad ng kanyang kasama patungo sa helicopter na siyang sasakyan nila papunta sa event.
"Handa ka na?" tanong ni Virgo sa fifteen year old na babaeng kasama niya.
"Opo.." sabi naman ng teenage na babae.
"Kapag maging matagumpay tayo, may regalo ako sayo.. Promise ko yan sayo Fenech.." sabi ni Virgo at nagsimula nang umikot ang pala-pala ng helicopter at lumipad na ito.
Kasama naman ni Gen. Ernesto Alvarez ang representative ng presidente ng pilipinas para ma-witness ang event na ito at ayon sa representative ay ito na ata ang pinaka magarbong event na dinaluhan ng napakaraming mayayaman na taga ibang bansa. Walang kamalay malay ang representative na ito ang totoong magaganap sa event na ito.
Bukod sa representative dinala rin ni Ernesto ang isang miyembro rin ng kanyang pack na si Danny, isang extra ordinaryong werewolf na marunong din magbasa ng mga ibat ibang klaseng kapangyarihan at may konting alam din ito tungkol sa mga ibat ibang uri ng nilalang.
Dinala nila ang representative sa isang venue sa mismong palace kung saan may nagaganap na concert at nakita ni Ernesto mukhang nag eenjoy naman ito at dahil sa sobrang enjoy nito hindi nito nahalata na umalis na sina Ernesto at Danny.
"Isang oras na lang ay magsisimula na ang event" sabi ng radio announcer sa speaker sa loob ng silid ni Master Tokiro. Gamit ang staff nalaman ni Tokiro na halos nobenta porciento na dumalo sa event na ito ay extra ordinaryo at hindi makapaniwala si Tokiro sa lakas ng mga kapangyarihan na kanyang nasasagap at mayroon ding na higit pa sa kapangyarihang taglay niya.
Ang Auction na ito ay first time nagawa sa Pilipinas pero pangatlong beses na ito nangyari sa buong mundo. Ang makapangyarihan na si Alracko ang nag-isip nito dahil ito lang ang paraan para makilala niya ang mga ibat ibang extraordinaryo sa mundo ng mga tao dahil na ring may hinahanap ito.
Sa opening ng event ay lumabas na nga si Alracko at nagpakilala ito bilang isang extra-ordinaryo at alam niya rin na ang lahat na nasa loob ng silid na iyon ay kapwa niya ding extra-ordinaryo. Nasa may harapan si Virgo kasama ang dinala niyang assistant na si Fenech. Pinapakinggang ang mga salita ng misteryosong nilalang na ri Alracko.
Hindi pera ang magiging basehan sa Auction kundi ang mga dala din nilang mga Sacred Treasures.
Ang kanilang dala kapalit ang Sacred Treasure ng iba. Nasa taas na ng stage nakaupo ang reresentative ng brotherhood org na si Kevin Kenritz at hawak na niya ang singsing ng elementong apoy.
Kasama din ni Kevin ang siyam pang mga representative ng ibat ibang grupo ng extra-ordinaryo at tulad ni Kevin ay hawak din nila ang kani-kanyang mga treasures.
The ten sacred treasures
1. Amulet de Portes
2. Crown of the ocean
3. The ring of fire
4. The sword of the first fallen
5. Avatars Stones
6. Golden Moonlight
7. Time travelers watch
8. Enchantress Robe
9. Farland Dust
10. The Darkness Candle
Nung nag-umpisa na ang Auction unang tinawagan ng host ng event ang pinuno ng desert witch na si Luna, tumayo ito at pinatayo niya rin ang representative ng kanyang grupo na si Jasmin at hawak nito ang dala nilang sacred treasure ang Sword of the first Fallen o ang Espada ni Lucifer.
Marami ang na shock dito at ang iba ay hindi makapaniwala pero siyempre kailangan nila itong mapatunayan.
"Kilala natin si Lucifer bilang isang dating anghel at tinapon siya sa spirit world ng kataas taasan at dahil sa kanyang kasalangan sa langit ay kailangan siyang ikulong. Pero dahil sa kanyang katigasan kahit ang Darkness ay sinubukan niyang patayin. Dala niya ang espadang pwedeng patayin ang Darkness pero siyempre hindi siya nagtagumpay. Gusto kong patayin niyo ang ilaw sa bandang iyon." Request ni Luna para mapatunayan niya na totoo ang kanyang sinasabi.
Pinatay naman nila ang ilaw tulad ng sinabi ni Luna. Dahil dito ay madilim ang bahaging ito ng venue.
"Jasmin.." tawag ni Luna bilang senyales na dapat na niyang i-execute.
Kahit nasa malayo si Jasmin ay matatamaan pa rin niya ang kadiliman. Pinutol niya ang kadilimang ito at nagkaroon ng liwanang ang bahaging iyon kahit walang nakasinding ilaw. Sinubukan nilang magpatay sindi sa ilaw at hindi na dumidilim ang bahaging ito.
Nung tinanong si Luna kung anong sacred treasure ang gusto niyang maging kapalit dito.
"Ang gustong kong treasure na mapupunta sa amin ay ang Golden Moonlight." Sabi ni Luna at nagulat si Virgo na may iba palang interesado sa treasure na ito maliban sa kanya.
Agad ding nagbigay ng senyales si Virgo sa kanyang kasama na si Fenech.
"Ngayon na.." utos ni Virgo at agad naman tinupad ni Fenech ang kanyang dapat na gawin.
Gamit ang pagsnap ng kanyang dalawang kamay ay huminto ang lahat kasama ang oras sa loob ng buong gusali ng Royale Palace. Agad din kinuha ni Virgo ang Golden Moonlight na salamin gamit ang kanyang telepathic ability at pinahawak niya ito kay Fenech.
Hinawak ito ni Fenech ng ilang sigundo at pagkatapos non ay naging dalawa na ito, kinuha ni Virgo ang original na golden moonlight at gamit ng sinambit niyang spell ay lumiit ito at nilagay niya sa maliit na purse sa loob ng kanyang kakaibang wallet na walang kahit na anong bagay na masisiraan.
Nilagay naman niya ang clone o pekeng Golden Moonlight sa kamay ng tagabantay nito na representative ng Du-sang empire na parang walang nangyari.
Kung ang akala ni Virgo ay walang nakapansin sa kanya ay nagkakamali siya.
Dahil nung nahinto ang lahat ay hindi kasali sina Tokiro nagkunwaring naka freeze at ang pinuno ng event na iyon na si Alracko na kitang kita ang ginawa ni Virgo pero hinayaan niya lang ito dahil may plano si Alracko kay Virgo noon pa man.
Tatlo ang namili para sa Golden Moonlight ang Desert witch na si Luna si Virgo ng Brotherhood org at ang nagmamay-ari ng Time Travelers Watch na isang mexicano na si Julio pero ang pinili naman ng may-ari ng Golden Moonlight na si Vincent Du-Sang ay ang Sword of the First Fallen dahil sa matagal na rin niya itong hinahanap.
Pero ang akala nilang payapa na Auction ay biglang nagambala ng tatlong benders, Mga monks na bigla na lang sumulpot at nagbuga ng matinding enerhiyang apoy. Tumakbo ang mahihinang mga extraordinaryo na natakot sa pangyayari. Nagkaroon din ng pagkakataon na tumakas si Virgo kasama si Fenech at kahit napansin ito ni Alracko ay hinayaan na lang muna ito.
Hinintay naman ng tamang pagkakataon si Ernesto para masungkit ang Amulet gamit ang kanyang abilidad sa pagkontrol at ginamit niya ang sahig at nagtaka ang representative na biglang nawala ang Amulet. Nung nakuha na ni Ernesto ay agad din silang umalis gamit ang pagbutas sa sahig at pagbaba dito na wala namang nakahalata.
_________________
Paulo Avelino bilang si Virgo
Angelica Panganiban bilang si Luna
Maja Salvador bilang si Jasmin
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...