Greatest Moments

207 8 1
                                    

Si Kisses ay parang kabaliktaran ni Marco kahit nalaman niya na hindi siya ordinaryong tao ay parang no big deal sa kanya ito ang mahalaga ay kontento na siya sa kanyang tahimik at masayang buhay. Lalo na ngayon dahil may nakilala na siya na nagbibigay saya sa kanya ito ay ang matalik niyang kaibigan na si Maymay. Sa sobrang nakakatuwa si Maymay ay parang walang araw na hindi ito masaya at nagpapasalamat din siya sa kanyang ama dahil pumayag itong maging personal companion niya si Maymay.

Sobrang natuwa din si Ferdinand nung nalaman niya ang background ni Maymay na anak pala ito ng kaibigan niya na si Meredith ang babaeng nagligtas sa buhay niya pero ito ay nananatiling sikreto at wala na kahit sinong miyembro ng brotherhood org ang nakakaalam namay koeksyon siya kay Meredith na tinuturing ni Virgo na isang mortal niyang kalaban.

Si Nikko ang lihim na agent ni Ferdinand ang nagsabi sa kanya tungkol dito at dahil din kay Nikko nalaman ni Ferdinand na hindi lang si Maymay ang kaibigan ni Kisses na extra ordinanryo bukod dito kaibigan din ni Kisses si Mackoy at Yong. Sa ngayon hindi pa matukoy ni Nikko kung klaseng nilalang ang mga ito pero sigurado siyang mabuti ang mga ito.

Sa di inaasahang pagkakataon ay nagkita sina Kisses at Marco at gusto pa niya sana ipakilala si Maymay kay Marco pero bigla nawala ang kanyang matalik na kaibigan. Pero hindi ito naging hadlang sa mga sandaling iyon. Ang napakaganda at napakasaya sa pakiramdam na muli mong makikita ang taong kay tagal mo nang hinihintay na makakwentuhan muli.

Nagkakilala sina Kisses at Marco noong freshmen highschool pa lang si Kisses sa isang private school sa tagaytay. Tuwing hindi kasama ni Marco ang dalawa niyang makulit at matalik na kaibigan na sina Mackoy at Edward ay hinahanap niya si Kisses. Para kay Marco na eenjoy niya talaga ang mga araw tuwing kasama niya si Kisses at hindi niya ito maipaliwanag kung bakit. Sobrang dami nilang memorable moments na magkasama at isa na dito ang tinatawag nilang best place. Ang best place ay isang lugar sa school na walang nagtatambay kundi sina Kisses at Marco lang, may isang malaking puno at sa ibaba nito ay may round bench kung saan sila nagkukwentuhan at nagkukulitan at sobrang saya nilang dalawa.

Hindi sila nagkaroon ng relasyon dahil hindi ito niligawan ni Marco hindi dahil wala siyang gusto dito kundi ayaw niya mawala at masira yung maganda nilang samahan at dahil na rin napakabata pa nila para mag seryoso sa buhay at naintindihan naman ito ni Kisses. Dahil dito mas lalong lumaki ang respeto ni Kisses kay Marco at mas lalo tumibay ang kanilang pagsasama.

Pagkalipas ng tatlong taon ay muli na naman sila nagkita sa hindi makapaniwalang pagkakataon. Noon pa man ay sobrang tapat na si Marco kay Kisses at kahit minsan hindi pa ito nagsinungaling sa kanya at kung may mga tanong na ayaw sagutin ni Marco ay pinapalitan agad ni Kisses ang kanyang mga tanong.

Hindi inaasahan ni Marco na okay lang kay Kisses nung nalaman nito na hindi siya ordinaryo at sabay ding sinabi ni Kisses na ganoon din siya na may mga abilidad din siya na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao. SI Marco pa tuloy ngayon ang nagulat sa mga nakita niya kay kisses, at hindi pa rin nawala ang pinakagusto at ang pinakanamiss niya sa kanyang espesyal na kaibigan.

"Hanggang ngayon ang ganda parin ng ngiti mo." Sabi ni Marco na ngumingiti rin habang nakaupo sa kama ni Kisses at pinapanood si Kisses na nagiging invisible.

"Hanggang ngayon bolero ka pa din." Sabi naman ni Kisses na namumula ang mga pisngi halatang tuwang tuwa ito dahil nakita na niya ang taong espesyal din sa kanya.

Pagkatapos ng ilang saglit ay tumayo si Marco at lumapit ito kay Kisses, dahan dahan ito hinawakan ang isang kamay ng dalaga at nagtanong. "Ano yung pinapangarap mong lugar na gusto mong puntahan, yung nakita mo sat v or sa picture na sobrang maganda para sayo." Malambing na tanong ni Marco.

Kinikilig si Kisses pero ayaw niya itong ipahalata dahil ayaw niya isipin ni Marco na tulad siya ng ibang babae na konting bola lang ay nahuhulog na agad. Inisip mabuti ni Kisses at naisip niya ang kanyang favorite na movie na Harry Potter. "London, yung tower na pinuntahan nina Harry potter." Sabi ni Kisses na parang may idea na siya kung ano ang gagawin ni Marco.

"Okay ipikit mo ang mga mata mo, tapos yung dalawang kamay mo i-lock mo sa leeg ko tas ako hahawak sa bewang mo., okay lang ba?" tanong ni Marco na parang gusto niyang ipahiwatig ang kanyang pagiging gentlemen. Sumang ayon naman si Kisses at agad sila nagtelepot at nung binuksan ni Kisses ang kanayang mga mata ay sobra siyang natuwa at namangha at nasilaw sa sobrang ganda ng London.

Sila ay nasa roof top ng isang napakataas na gusali sa London at natatanaw nila ang lugar kung saan ginawa ang favorite movie ni Kisses ang Harry Potter. Pagkatapos noon nakita ni Marco na parang nag concentrate din si Kisses, yung mga kamay nito ay parang may humihingi sa hangin at nagulat na lang si Marco nung makita niya na hawak na ni Kisses ang dalawang bagong pitas na mansanas at pareho silang natuwa dito.

"Sarap." Sabi ni Marco na talagang namangha din sa ginawa ni Kisses. Kinuha ni Marco ang mansanas na hawak ni Kisses at tumakbo ito at hinabol naman siya ni Kisses sabay sigaw ng "Hoy Marco akin yan." Na parang bata na naagawan ng lollipop. Parang bumalik na ang dating pagsasama ng dalawa na tilay walang pagbabago pareho parin nilang na eenjoy ang isat isa.


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon