Destiny of Darkness

75 5 2
                                    

Nung umalis na si Cora napansin ni Marco na hindi naaalis ang tingin sa kanya ng Banshee na si Kristine na parang nakakita ito ng artista.

"Ahh.. may dumi ba sa mukha ko?" tanong ni Marco kay Kristine.

"Ayy wala po.. hindi ko lang po kasi akalain na nasa harapan ko at nakakausap ko pa ngayon ang isa sa tatlong nakatadhana.." paliwanag naman ni Kristine.

"Anong ibig mong sabihin..?" tanong uli ni Marco.

"Nakatadhana.. ahmm kayong tatlo ng kasama mo ang pag-asa namin lahat sa darating na araw ng kadiliman." Sabi naman ni Kristine na parang mas lalong naguluhan si Marco at ang kanyang mga kasama.

"Kristine..?" tinawag naman ni Eric ang atensyon nito dahil may napapansin na ito na kakaiba sa mga sinasabi ng Banshee.

"Ah Marco maraming salamat sa pagdalaw mo dito." Sabi naman ni Eric habang naka akbay sa medyo naging tahimik na si Kristine.

"Its okay po.. ahm hindi na rin po ako magtatagal pero dont worry babalik po ako at pag-usapan natin ang mga dapat pag-usapan at gusto kong malaman nyo na kamasa nyo ako sa laban na ito." Sabi naman ni Marco na ikanasaya ni Eric at ng mga kasama nito.

Pagkatapos non ay nagteleport na si Marco at bigla itong nawala..

***

Sa China bago umalis si Yassi kasama si Markus ay may sinabi siya kay Mackoy na ikinagulat naman nito dahil siya mismo ay hindi alam ang balitang ito.

"Si Rowena ay ina ni Virgo at dalawa sila sa pinaka makapangyarihan na alagad ng kadiliman na magdadala ng kasamaan dito sa mundo ng mga tao pero nung araw na pinatay nyo si Virgo ay baka hindi na ito mangyayari lalo nat wala na rin ngayon si Rowena." Sabi ni Yassi.

"Hindi kita naiintindihan.." sagot naman ni Mackoy.

"Isa ka sa mga itinadhana para ipagtanggol ang mundo na ito mula sa darating na kadiliman pero ngayon gusto ko sundin mo ang puso mo., gawin mo ang lahat ng nagpapasaya sayo dahil maniwala ka makakatulong ito para mas maging panatag at malakas ka sa darating ng panahong kakailanganin ka ng mga tao." Paliwanag naman ni Yassi.

"Alam mo., hindi ko talaga nauunawaan ang mga sinasabi mo pero salamat sa mga idea na makakatulong sa akin sa darating na panahon pero sa ngayon ay walang mas importante sa akin maliban sa lola ko at ang paggaling ni Elisse." Paliwanag naman ni Mackoy.

"Gagaling siya.. maniwala ka lang.." sabi ni Yassi.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay agad gumawa ng portal si Markus at nung nagsara ang portal na ito ay kasamag nawala sina Yassi at markus.

Naka-usap na din ni Mackoy si Master Tokiro tungkol sa nangyari at naintindihan naman ito ni Master Tokiro at naniniwala ito sa Seer Hunter na si Yassi at ang lahat ng kanyang mga sinabi.

Narinig lahat ni Master Tokiro ang lahat ng pinag-usapan nina Mackoy at Yassi kaya positibo ito na gagaling ang kanyang anak pero gusto niyang malaman kung sino ang gagamot sa kanyang anak, sino ang Thrones na ito?

Kung tutuusin ay may konting alam si Master Tokiro tungkol sa mga Thrones pero hindi sila nag-eexist sa mundo ng mga tao pero may narinig ito dati na may nagpakitang isang throne sa Mundo ng Majika sa Kontinente ng mga Sortress.

***

Sa House of phoenix ay nagkaroon ng meeting sina Jackie, Evita, Professor Morris, Ferdinand, Kevin at Rose Marie tungkol sa pagkamatay ng Queen Witch na si Rowena.

Nagulat at namangha silang lahat sa ikinuwento ni Rose Marie na sina Kisses at Maymay ang pumatay sa pinakamakapangyarihang nilalang na ito.

"Pero nasaan ang anak nito na si Virgo?" tanong naman ni Ferdinand.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon