The Extra Ordinary Three

107 4 3
                                    

Pagkatapos lisanin ni Virgo ang house of the phoenix habang bitbit si Maymay ay nagsimula ng umapaw ang mga luha sa mukha ng mga nabigong professor habang tinitingnan nila ang katawan ni Edward na may butas sa dibdib na parang imposibleng mabuhay pa ito.

Ilang saglit pa ay nagsimula nang magkaroon ng hangin ang paligid at unti unti nang nagkakaroon ng enerhiya sa bawat espasyo sa silid na ito. Biglang nagkaroon ng liwanag ang paligid isang nakakasilaw na liwanag. Nung tinanggal na ni Professor Morris ang kanyang kamay mula sa kanyang mukha ay nakita niya ang dalawang lalaki na nakatayo malapit sa katawan ni Edward.

Pareho silang lumuluha at pareho silang nagbubuga ng napakatinding kapangyarihan. Hindi alam ng professor kung anong klaseng kapangyarihan ito pero isa itong nakakapasong kapangyarihan. Isang pulang enerhiya na lumalabas sa isa at sobrang maputi naman sa isa. Kagaya ni edward ay mukhang mga teenager lang din ang dalawa.

Dahan dahang lumuhod sina Marco at Mackoy at hindi pa rin makapaniwala sa kanilang nakikita.

"Mackoy.. si Edward.." hindi makapagsalita ng maayos si Marco dahil labis siyang nasasaktan sa kanyang nakikita ngayon.

At ganoon din si Mackoy pero hindi ito papayag na basta na lang mawawala si Edward. Sinara ni Mackoy ang kanyang mga mata at pinatong niya ang kanyang kamay sa noo ni Edward. Ang kanyang kanang kamay na may suot na singsing.

Bigla na lang nagulat si Marco dahil nawala ang katawan ni Mackoy pero naiwan pa rin ang kanyang maliwanag na espiritu. Hindi pa alam ni marco kung anong klaseng extra ordinaryo ang kanyang kaibigan pero naniniwala siya na maliligtas nito si Edward tulad ng dati nung elementary palang sila na si Mackoy parati ang tumutulong na parang ito ang panganay ng grupo.

Ilang saglit pa ay may narinig si Marco na parang bulong sa hangin..

"Marco tulungan mo kami.." boses ni Mackoy.

Ginaya ni Marco ang ginawa ni Mackoy at pinatong rin nito ang kanyang kamay sa noo ni Edward at biglang sumulpot ito sa lugar na sobrang maliwanag at maputi. Nakita niya agad si Mackoy na parang may hininila mula sa malaking butas na parang black hole pero kulay puti ito. Tinulungan ni Marco si Mackoy at sabay nila hinila ang higantenteng espiritu ni edward na isang asul na phoenix.

"Pareng Ed.. Is that you? Youre a bird?" sabi ng natatawang si Marco.

"Shut up .. we need to get away from here.." sagot naman ng asul na phoenix.

"Si Pareng Ed nga.." ani Marco.

"Come on.. ride on me.." sabi ng asul na phoenix at sumakay naman ang dalawa. lumipad ito habang ang dalawa ay nakasakay sa may likuran sa gitna ng dalawang higanteng pakpak. Kagaya ng parang black hole ay may nakikita na naman sila na kulay asul na parang tubig at sabi ni Edward ito yung daan pabalik sa mundo ng mga tao.

"How did you know that? And what do you call this place.." tanong ni Mackoy.

"We are in a Purgatory., and a stranger name Ezekiel told me.." sabi ni Edward.

"Ezekiel.. where is he?" sabi ni Mackoy.

"You know him? He told me to run while he is trying to stop those three creatures trying to grab me. He help me, he told me that someone gave him a signal to rescue me." paliwanag ng blue phoenix at naging tahimik na si Mackoy.

Hindi malaman ni Mackoy kung bakit parang bigla siyang nag-alala kay Ezekiel.

"Pareng Ed, parang ang galing mo pa rin mag enghlish ah.." pabiro ni Marco.

"Marco., where in the middle of life and death.. quit joking.." sagot naman ng espiritu ni Edward.

At ngumiti na lang si Marco habang si Mackoy naman ay mukhang inaalala pa rin si Ezekiel kahit na pumasok na sila sa malaking portal ay nakatingin pa rin siya sa purgatory.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon