Ang nakaraan..
"Anong pinaplano mo?" tanong ni Markus habang buhat pa rin niya si Edward.
"Kailangan kong bumalik don at kailangan kong tapusin ang mission ni Edward, Gusto kong hanapin mo si Professor Morris, sabihin mo sa kanya kung ano ang nangyari kay Edward at huwag kang mag-alala sa pagkikita natin muli itutupad ko yung pangako ko." sabi ni heaven at hindi na niya narinig ang sasabihin pa sana ni Markus nung hinampas niya sa sahig ang traveling potion.
Bumalik si Heaven sa kwarto ni Edward at gamit ang kanyang experto sa panggagaya ay nagkunwari si Heaven bilang si Edward.
***
Pagkalipas ng isang oras ay may kumatok na sa kwarto ni Edward.
"Pasok.." sabi ni Heaven na nagkukunwaring si Edward.
"Congratulations sir! You are the newest member of the brotherhood org. and we will be transporting you to your new residence at the brotherhood org. palace." Sabi ng isang mukhang agent na lalaki.
"What time do we leave?" tanong ni Heaven na ginagamit ang mukha, katawan at boses ni Edward.
"Whenever you're ready sir." Sabi naman ng agent.
"Lets go.." buong tapang naman na sumama si Heaven sa mga agents.
Sa loob ng lemocin car ay nag-aalala pa rin si Heaven kay Edward na parang mas iniisip pa niya ito kaysa sarili niya. Alam niya ang sinabi ni Markus sa kanya at alam niya na maaaring maging delikado rin ang buhay niya pero tulad ni Edward gusto rin ni Heaven na makita ang kanyang ama.
Naalala ni Heaven nung sampung taon gulang pa lang siya nung huli niyang nakita ang kanyang ama nung sumama ito kay Virgo. Alam ni Heaven na may dahilan ang kanyang ama kung bakit niya ginawa iyon at alam niya na yun lang din ang paraan para hindi mapatay ni Virgo ang kanyang ina.
Alam ni Heaven na buhay pa ang kanyang ina pero hindi niya alam kung nasaan ito pero umaasa pa rin si Heaven sa sinabi ng kanyang tita Jackie na magkikita na sila ng kanyang ina sa susunod na buwan.
Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ni Heaven at parang nakakalimutan na niya na nasa piligro na din ang kanyang buhay at hanggang sa huminto na ang sasakyan at narinig na lang niya na nagsalita ang driver ng lemocin.. "We're here sir.."
Bumaba si Heaven ng kotse at pumasok sa isang napakalaking mansion na wala man lang sumalubong sa kanyang pagdating. Ang sabi ng driver ay dumiretso lang siya at iyon din ang kanyang ginawa.
Habang lumalakad papasok sa mansyon ay biglang may parang kumagat na lamok sa kanyang leeg pero hindi niya ito nakita. Tinuloy na ang kanyang paglakad hanggang sa parang naiiba ang kanyang nararamdaman lalo na ang kanyang ulo na parang bumibigat. Lumalabo na rin ang kanyang mga mata at parang namamanhid na ang kanyang katawan hanggang sa natumba at nahimatay na lang si Heaven.
***
Nagteleport si Virgo papasok sa kanyang palasyo kasama si Fenech at agad siya tumawag ng serbisyo. Walang inutosna kahit ano si Virgo pero sa tingin lang ng kanyang mga mata ay parang alam na ng alagad ang kanyang gustong mangyari.
Iniwan ni Virgo si Fenech sa kanyang isang alagad at sinabi ng alagad na dadalhin niya ito sa pinangakong surpresa ni Virgo pero isa pala itong kasinungalingan.
Binalik ng alagad ni Virgo na si Bimbo si Fenech sa dati nitong kulungan at kahit gustong lumaban ni Fenech alam niya na mahuhuli pa rin siya dahil hindi niya rin alam kung saan pupunta. Umiyak na lang ito at umasa muli na ililigtas siya ng kanyang kapatid na si Nikko.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...