Memories

276 8 0
                                    

Tulad ng dati ay hindi pa rin nagsasawa si Kisses sa lugar na kanyang parating tambayan na kahawig sa Besplace nila ni Marco at tulad ng dati tinitingnan na naman niya ang slambook habang nagsi snacks.

Mula sa malayo ay tinitingnan siya ni Mackoy at nagdadalawang isip si Mackoy dahil iniisip niya na baka gusto ni Kisses ang mag isa. At hindi alam ni Mackoy na mayroon ding isang lalaki na nagmamanman sa kanya mula sa malayo at isa ito sa mga secret bodyguard ni Kisses. Ayaw kasi ni Kisses ng mga bodyguards pero siyempre gusto siyang protektahan ng kanyang ama at dahil dito may mga bodyguards pa rin siya kaya nga lang manatili silang sikreto kay Kisses.

"Hi Mackoy." Pagbati ni Maymay habang palapit siya dito at mukhang hirap sa pagbitbit ng mga libro at sa pag ayos sa kanyang malaking bag.

"Bakit ang daming mong gamit, May? Iniwan mo na lang sana sa locker mo." Suggest ni Mackoy na parang ayaw makita na nahihirapan ang kanyang bagong kaibigan.

"Okay lang po, kakailanganin ko kasi ito sa susunod kong subject mamaya . ahm matanong lang ah nakita mo ba si Kisses?" tanong ni Maymay na parang balisa kasi medyo na late sa pagmeet nila ng bestfriend niya at boss na din.

"Ayun oh, parang hinihintay ka." Tinuro ni Mackoy na gamit ang kanyang bibig.

"Tara, sama ka, may klase ka ba ngayon?" ani maymay habang nagsisimula nang lumakad papunta kay kisses at sumama na rin si Mackoy.

Nakita ng bodyguard ni Kisses na kasama pala ito ni Maymay kaya hinayaan nalang niya ito tulad ng bilin sa kanila ng boss nila na ama ni Kisses.

"Hello Mackoy. Wala ka bang klase?" sabi ni Kisses sabay handwave nito kay Mackoy.

"Ah wala, vacant ako ngayon." At napansin agad ni Mackoy ang slambook na hawak ni Kisses at si Maymay naman ay parang masayang inaayos ang mga snacks na nandon.

"Ah thank you ah, sinamahan mo kame, kain ka." Sa ngiti ni Kisses ay sobrang lumalabas ang kanyang pagiging sweet at napaka gandang puso.

Tinanong ni Mackoy ang tungkol sa slambook at tumingin na rin siya dito dahil parang kanina pa ito binabasa ni Kisses. Hindi inasahan ni Mackoy ang kanyang mga nakita at dahil dito nagkaroon siya ng pag-asa at kompiyansa para ipagpatuloy ang paghahanap sa kanyang matalik na kaibigan na si Marco.

Nasurpresa rin si Kisses sa kanyang nalaman mula kay Mackoy at dahil matalino si Mackoy at kilala niya si Marco may nakita siya sa slambook na hindi nakita ni Kisses.

"Ah Mackoy may tanong pala ako, may ginawa siyang drawing dito hindi ko lang maintindihan kung ano ito, may alam ka ba?" at pinakita ni Kisses ang drawing na ginawa ni Marco.

Ngumiti si Mackoy dahil muling bumalik ang kulitan nila sa kanyang isipan. "Ang drawing na ito ay isang tv character na idol namin, yung power ranger at siya si black at ako si red at yung isa ko pang bestfriend si green naman ang gusto niya." Sabi ni Mackoy na tilay natutuwa sa dinrawing ng Marco.

"Isa pang bestfriend? Sino?" naki sabat si Maymay na mukhang busy sa pagkain ng mga chichiria.

"Edward, yun ang pangalan ng isa ko pang bestfriend." Habang kinukwento ni Mackoy ang pagkakaibigan nila ni Marco at Edward si Maymay ay tila natahimik dahil sa kanyang narinig na pangalan hindi na siya nagtanong uli dahil alam niya na hindi naman iisang tao lang ang may ganyang pangalan.

Pero hindi maiwasan ni Maymay na isipin ang Edward na kanyang nakilala dati nung sampung taon pa lang siya, ang kauna unahang taong niligtas niya at kauna unahang tao na hindi natakot sa kakayahan niya. Alam ni Maymay na isang beses lang sila nagkita ni Edward at halos tatlong oras lang sila magkasama non pero parang napakatagal at napakarami na niyang nalaman at parang kilalla na niya agad si Edward.

"May.. Maymay." Sabi ni Kisses Sabay hawak sa braso nito, na parang ginigising niya ang isang taong natutulog. "Okay ka lang?" ani Kisses at parang nag-alala din si Mackoy ng konti.

Ilang saglit pa ay umalis na rin sila at nalinawan na rin si Kisses kahit papaano at lumakas ang loob niya nang malaman niya na hahanapin ni Mackoy si Marco, dahil sa ngayon ay wala na siyang ibang hiling kundi ang makita ang matalik niyang kaibigan na nagpasaya sa kanya noon na si Marco.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na makilala ni Mackoy si Kisses dati dahil hindi siya pinakilala ni Marco pero naalala niya na nabanggit pala ni Marco ang pangalang Kisses nung tanungin siya kung may isang taong pwede niya ituring na espesyal sa kanya. "bukod sa inyo, espesyal para sa akin ang tao kapag kasama ko, parati ako masaya, Si Kisses." Sabi ni Marco sabay tingin sa mga ulap.

Habang naglalakad papunta sa kanyang classroom, mukhang nagkaroon si Mackoy ng late reaction nung maalala naman niya ang sinabi ni Edward.

Sa parehong panahon at oras na naguusap ang tatlong magbestfriends, sa mga sandaling iyon ikinuwento rin ni Edward ang espesyal na babae rin sa buhay niya na ayon sa kanya ay sandali lang niya nakilala. "I will never forget a very simple name, her name is Maymay."

Gusto pa sana ni Mackoy na tanungin si Maymay pero umalis na siya kasama si Kisses.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon