Burning Power

72 6 2
                                    

Pagkatapos gamutin ni Elisse ang kanyang ama ay lumabas ito saglit sa templo at nakita niya ang kanyang kababata na parang kapatid na din niya na si Jeric na tumitingin sa kalangitan.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Elisse.

"iniisip ko lang kung kelan kaya sila bababa? Kailan kaya nila tayo matutulungan?" ang sabi ni Jeric na parang umaasang may tutulong sa kanila.

"Sino ang tinutukoy mo?" ang pagtaka naman ni Elisse.

"Ang mga tagalangit, kinuwento kasi sa akin dati ni papa mo na ang mga tagalangit daw ang pinaka makapangyarihan sa lahat."paliwanag naman ni Jeric.

"Siguro malaki ang tiwala sa atin ng mga tagalangit, iniisip siguro nila na hindi na natin kailangan ang tulong nila na kaya natin mabigyan ng solusyon ito." Sabi naman ni Elisse.

"Paano mo nagagawa yan?" tanong ni jeric.

"Ang alin?" ani Elisse?

"Yan!, yung pagiging positibo mo sa lahat ng bagay, kahit nagkakagulo na ang mundo iniisip mo pa rin na kaya lang yan." Paliwanang uli ni Jeric.

"Kailangan eh., kasi kung tayo yung nagpapakita ng kahinaan, sino na lang ang tutulong sa mga mas nangangailangan. Maswerte nga tayo mga extra ordinaryo dahil nakakaya natin ipagtanggol ang sarili natin eh paano yung mga ordinaryong tao? Kailangan nila tayo." sabi pa ni Elisse.

Hindi na ito sinagot ni Jeric dahil alam niyang totoo ang mga sinabi ni Elisse pero nung lumingon ito ay nagulat na lang siya dahil biglang nagka ilaw na kulay dilaw ang mga mata ni Elisse.

"Mackoy.." biglang sambit ni Elisse at hanggang sa bigla na lang ito nawala.

Sa sobrang lakas ng hangin na may kasamang puting apoy at malakoryenteng enerhiya ay walang kahit sinong extra ordinaryo makakalapit sa sobrang galit na natatamasan ngayon ni Mackoy. Gustuhin man nila pero sa sobrang lakas ng kapangyarihan na binubuga ni Mackoy ay maaari nila itong ikamatay.

Lahat ng extra ordinaryo na nandoon ay sobrang namangha sa lakas at kapangyarihan na taglay ni Mackoy kahit ang mga bagong dating na sina Jednah.

Sa mga oras na iyon ay hindi pa rin natitinag ang liwanag na nanggagaling kay Mackoy hanggang sa may kakaibang liwanag ang biglang sumulpot sa harapan ni Mackoy na hindi rin natitinag at ito ay kulay dilaw.

Unti unti itong lumapit kay Mackoy, at kahit na nasasaktan na ito sa malakuryenteng enerhiyang dumadampi sa kanyang balat ay hindi ito tumitigil hanggang sa mahawakan niya ang pisngi ni Mackoy.

"Alam kong mahal na mahal mo ang lola mo.. pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal din kita at magiging ganyan din ako kapag nawala ka.." sabi ni Elisse habang hirap na hirap na sa kanyang pagtitiis pero kinakaya pa rin niya. Hanggang sa na realize na lang ni Mackoy na unti unti nang natatanggal ang balat ni Elisse sa sobrang lakas ng enerhiyang natatanggap nito.

Tumayo si Mackoy at niyakap niya ang babaeng mahal na mahal din niya. Sinara ni Mackoy ang kanyang mga mata at sinubukang kontrolin ang kanyang kapangyarihan habang kayakap si Elisse. Nung nawala ang kanyang kapangyarihan, natuwa ito ng saglit pero hindi niya akalain na grabe pala ang naging epekto nito kay Elisse.

Nasunog ang buong katawan ni Elisse at bumigay na din ang katawan nito at nawalan na ng malay.

"Elisse... tulong.." sigaw ni Mackoy..

Agad tumakbo si Yassi palapit kay Mackoy at sa walang malay na si Elisse.

"Hayaan mong hawakan ko siya.." permiso ni Yassi at pumayag naman si Mackoy.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon