Woke up in China

341 9 0
                                    

Sa atik ng kanilang tatlong palalpag na bahay ay mukhang malalim ang pag-iisip ni Elma dahil kahit alam niyang makakabuti ang kanyang napagdisisyonan ay hindi pa rin niyang maiwasan ang mag-alala sa kanyang nag-iisang apo. Habang tinitingnan niya ang mga tala sa langit mula sa bintana iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang apo kung sakaling nalaman nito ang totoo.

Ilang saglit pa ay biglang sumulpot sa kanyang likuran ang taong makakatulong sa kanya upang maisakatuparan ang nais na mangyari ng nasa taas. "Handa ka na?" sabi ni Mr. Tokiro, na malapit na kaibigan ni Elma simula nung sila'y kabataan pa at magpahanggang ngayon.

"Tara na." at sa wakas ay buo na ang loob ni Elma para gawin ang nararapat.

Pumasok sila sa kwarto ni Mackoy at nakita ni Elma na napakahimbing ang tulog nito at pinaka saktong situasyon kung saan magagampanan nila ng maayos ang majika. Pareho nilang nilabas ang kanilang staff pero hindi ito magkatulad dahil magkaibang klase ng Elder sina Elma at Yanma Tokiro.

Elder – ang tawag sa mga tagapamahala ng staff (isang uri ng magic extension na kailangan ng isang makapangyarihang extraordinaryo para sa pagtupad ng ikinaukolang majika. Gawa ito sa magkakaibang uri ng elemento at may 5-feet ang taas.) Mayroong pitong staff sa buong universe at dalawa lang ang nasa mundo ng mga tao.

Tinaas nila ng sabay ang kanilang kanang kamay at inikot ng counter clockwise para ilabas ang staff. Kulang puti ang kay Elma at kulay silver naman ang kay Tokiro, at hinampas nila ito sa sahig at nagkaroon ng enerhiya ang paligid at nabuo ang majika sa bawat sulok ng silid at unti unting nagbago ang buong kwarto at hanggang sa nawala na parang anino sina Elma at Tokiro.

Nagising si Mackoy sa kwartong ikinagulat niya dahil alam niya na hindi ganoon ang itsura ng kwartong tinulugan niya. Tumayo siya agad at lumabas ito ng kwarto at nakita niya na wala na siya sa bahay nila. Naghanap siya ng pwdeng makausap at nakita niya ang kanyang uncle Tokiro na nagsisindi ng chinese incense stick sa may altar.

"Uncle? Bakit ako nandito?" sobrang shock si Mackoy nung makita niya ang kanyang uncle Tokiro dahil alam niya na nasa china ito at sa kanyang isip marahil nasa china din siya.

"Nandito ka para magtraining, ihanda mo na ang sarili mo." Striktong pagsabi ni Yanma, "Simula ngayon gusto kong tawagin mo akong Master." At tumingin siya ng seryoso sa mga mata ni Mackoy.

"Opo, Master." Hindi niya alam kung matatawa siya o maniniwala siya pero bilang respeto dahil matanda na ito sumunod na lang si Mackoy.

Binuksan ni Master Yanma Tokiro ang main door ng temple para makita ni Mackoy ang nasa labas nito at nakita nga ni Mackoy na may mga nagsasanay ng pakikipaglaban, ang isang klaseng uri ng martial arts na ang tawag sa chinese ay Kung-fu.

"Oh My god.. anong nangyayari." Ang napakalaking gulat ni Mackoy na parang hindi na siya makagalaw sa tinatayuan niya.

To be continued..

______________________________________________________________

Also Starring:

Monsour del Rosario bilang si "Master Yanma Tokiro"

Ang kaibigan ni Elma na magtuturo kay Mackoy ang paraan ng pakikipaglaban isang uri ng martial arts na tinatawag nilang Kung-fu.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon