Nagtaka si Yong kung bakit wala pa rin si Macoy sa apartment kahit alam niyang may regular class na sa kinabukasan. Kaya pumunta na lang ng school Yong ng mag-isa pero nagulat na lang siya ng biglang may kumausap sa kanya mula sa likod. "Kamusta ang tulog natin kagabi?" nakangiting sabi ni Mackoy na parang sinadya talaga niya ang hindi matulog sa apartment.
"Grabeh ka bai., ni hindi ka man lang nagtext.." reklamo ni Yong na tila ay mas gusto niyang kasama si Mackoy imbes na mag-isa.
"Ah, wala pa kasi ako number mo eh.," paliwanag naman ni Mackoy na parang gusto niya rin hingan ng number ni Yong. Natutuwa ngayon si Mackoy dahil parang nag-uumpisa na naman siya na magkaroon ng bagong kaibigan.
"Eh hindi ka naman nag hingi, grabeh bai.. wait lang, hindi ko memorize.." habang kinukuha ni Yong ang kanyang cellphone may parating na babaeng istudyante na tilay hindi tumitingin sa daan habang nagma madaling naglalakad at dahil dito nabangga niya si Yong at natilapon ang cellphone nito. "Nah, Paktay nah.. grabeh naman bai, hindi ka man tumitingin.." sigaw ni Yong na parang galit sa babae at nagmadaling kunin uli ang kanyang cellphone at tiningnan agad kung may sira na ito.
"Ay sori poh talaga hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi ako eh, pasenxa nah.." paliwanag naman ng babae habang pinupulot niya ang mga libro na nagkalat at tinulungan din siya ni Mackoy. "Huwag sir, ako na lang poh, kasalanan ko rin naman." Saad ng babae.
"Okay lang, naiintindihan ko.," sabi ni Mackoy at lumingon siya kay Yong at nagparinig dito. "Yong, sori na daw, anong masasabi mo." At ngumiti siya sa babae.
"Sus, buti na lang hindi nasira bai.. okay na, pero next time tumingin ka ah." Sabi ni Yong na kinuha din ang isa pang libro na malapit sa kanyang paa at binigay niya ito sa babae.
Inisip ni Mackoy na try din niya na magkaroon ng kaibigan na babae,"Siya nga pala ako si Mackoy at ito pala ang room mate ko si Yong. mga freshmen kami." Nag offer siya ng shake hands sa babae at pina shake hands din niya si Yong.
"Ako si Marydale, Maymay for short." Nakangiting sabi ni Maymay at sa may likuran ni Yong nakita niya na dumaan si Kisses at tinawag niya ito.
At dito na nag umpisa ang bagong barkada nina Mackoy na sila mismo ay hindi makapaniwala na magkaklase lang pala sila sa isang subject nila na biology.
Sa loob ng classroom ay sinisimula na ni Yong gawin ang kanyang tungkulin. Una ay inisa isa niya ang mga mukha ng kanyang mga kaklase dahil may hinahanap siyang kakaiba at extra ordinaryong nilalang pero wala siyang nahanap.
Si Mackoy naman ay iniisip yung panaginip niya na parang talagang totoo dahil yung sugat na nakuha niya sa training ay nandoon talaga sa kanyang braso. Pero mas gusto niya munang manahimik patungkol dito kasi baka pagtawanan lang siya ni Yong.
Si Kisses naman ay nag iisip kung paano sabihin kay Maymay ang plano niya na maging personal companion niya na imbes magtrabaho si Maymay sa food chain store ay samahan na lang siya at babayaran na lang niya ito.
At si Maymay naman ay hindi niya malaman kung bakit iba ang kanyang pakiramdam sa babae na naka upo sa harap niya dahil may nakikita si Maymay na kakaibang enerhiya na lumalabas sa babaeng na tilay may binabalak na masama. Pero nawala ang atensyon ni Maymay sa babae nung nakita ni Maymay na nanginginig si Kisses at ang kanyang mga mata ay naging maputi kaya agad niya dinala si Kisses sa girls comfort room at diniskartehan nalang ni Maymay para hindi sila mahalata pero nahalata ito ni Yong at Mackoy.
To be continued...
__________________________________________________________________
Hey Guys i want to say thank you sa lahat, and pasenxa na sa mga typos minsan pero i will try my best na hindi masyadong magkamali and please vote.. Para mas ganahan ako and para mas i update ko pa yung iba pang mga chapters na nakapending pa sa utak ko., hehehe.,
By the ways guys konting info about on the coming events or mga pwedeng mangyari in the future na talagang magugulat at maiiyak kayo promise..
1. Ang pagkikita nina Edward at Maymay at paghulog ng loob ni Heaven kay Edward.
2. Ang pagbabalik ni Vivoree at pagkikita muli nina Kisses at Marco
3. At ang first time meeting nina Mackoy at Elisse..
Pagka aabangan guys..
Thank you and please Vote..
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...