Pure Blooded Guardian

92 5 1
                                    


Hello Guys sorry kung ngayon lang uli ako nag update sensya na., busy kasi sa bagong work at nasa ibang city na naman ako kaya lipad dito lipad doon ang peg., Pero dont worry i will never stop hanggang sa matapos ko ang story na ito. Kayalang hindi na ganoon kabilis ang update pero abang abang lang hehe.. i love you guys thanks for reading talaga.. okay here nah.. hihi..

***

Ang Elf na si Josh ay may kakayahan na maintindihan ang kahit na anong wika na kanyang maririnig at kaya niya rin itong isalin sa kahit na anong lenguahe kabilang na rin ang wika ng mga hayop o kahit na anong nilalang na kayang magsalita ay kaya niya rin itong kausapin.

Kakaiba ang orihinal na wika ng mga Elf pero dahil sa kakayahan ni Josh ay wikang tagalog ang naririnig at nasasagap ni Master Wizard kayalang hindi sumasabay ang bibig ni Josh sa mga salita na kanyang binibigkas at mukhang nalilito si Aizan sa kanyang nakikita.

"Nasa library po ang mahiwang libro at hayaan nyo pong ihatid ko po kayo." Sabi ni Josh na may paggalang sa kanyang pananalita.

Kung malaking tingnan ang lumang bahay ni Elma mula sa labas ay triple naman ang laki nito sa loob. Dalawang taong gulang pa lang si Mackoy nung lumipat si Elma sa Tagaytay para sa mas payapa at tahimik na buhay at kahit kailan ay hindi pa ito naikwento ni Elma sa sarili niyang apo at lalo ang mga hiwaga na na nababalot sa bahay na ito.

Kasama pa rin ni Master Wizard sina Aizan, Vivoree at JC na tilay hindi pa rin makapaniwalang na nakatakas na siya sa mundo ng mga espiritu pagkalipas ng ilang buwan na pakikipaglaban at hindi niya akalain na nakaligtas siya mula sa mga makapangyarihang mga Fallens.

Ngayon nakabalik na si JC sa kanyang mundo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang mga mahahalagang bagay na dapat niyang bigyan ng pansin at isa na dito ang babaeng iniwan niya ng pansamantala at ngayon gusto niya itong makita at makasama muli at itoy walang iba kundi ang kanyang kasintahan na si Jasmin na hindi niya alam na kabilang na ito sa tatlong makapangyarihang witches sa buong mundo, Ang Desert Witch.

Nais sanang kausapin ni JC ang kanyang Master ang tungkol sa kanyang balak na hanapin ang kanyang kasintahan na si Jasmine pero nagulat na lang siya na naunahan siya ni Aizan.

"Aah, mawalang galang na po Master Wizard eh yamang nagamit nyo na ang inyong mga kahilingan, nais ko po sanang hanapin ang aking kaibigan, gusto ko lang po masiguro na maayos siya at mabuti ang kanyang kalagayan. Sabi ni Aizan na bigla na lang nagsalita mula sa likod ni JC.

Huminto sina Josh at Master Wizard at sabay tiningnan si Aizan. "At paano mo naman magagwa iyon? Alam mo ba ang daan palabas sa lugar na ito?" tanong ni Master Wizard.

"Aah kung mararapatin niyo po eh sa pamamagitan ng isang kahilingan at magagawa niyo lang po yun kung ibabalik nyo ako sa lampara at papakawalan muli at kung humiling kayo ito lang ang sasabihin nyo.. sana makita mo ang hinahanap mo. Ganon lang po." Ang nakangiting sabi ni Aizan.

Binigay ni JC ang lampara kay Master Wizard at pinagbigyan naman ng Master ang kahilingan ni Aizan. Muling pumasok si Aizan sa lampara at pinalabas muli ito ni Master Wizard. "Hinihiling ko na sana makita mo na ang iyong hinahanap at kapag nakita mo na ito ay kusa kang babalik dito." Sabi ni Master Wizard na hindi akalain ni Aizan na may idadagdag ito at ngumiti naman ang Master dahil sa kapangyarihan ng isang Jin ay kakailanganin niya ito sa darating na panahon.

"Your wish is my command." Ang masayang pagpapatupad ni Aizan, sabay hawak sa kanyang magkabilang siko at pagyuko at bigla ito nawala sa malabuhawing usok.

Nung nakaalis na si Aizan, muli sila nagpatuloy sa pag akyat sa hagdanan patungo sa ikatlong palapag ng bahay kung saan makikita ang napakalawak na aklatan. Wala pang nakakaalam kung gaano ito kalawak kahit ang nagmamay-ari nito na si Elma dahil mismo ang lola ni Mackoy ay hindi pa sinubukang marating ang dulo nito.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon