Thankful

475 21 0
                                    

Ako si Marco, 17 years old, siguro yan lang ang alam ko tungkol sa sarili ko at yan lang ang pwede kong sabihin sa mga kakilala ko. Hindi ko pwedeng sabihin na anak ako ng isang hunter scientist na pinatay ng mga werewolves, Na yung nanay ko ay naging isang Banchee bago siya namatay at yung uncle ko ay leader ng mga extraordinaryo. Siguro walang ibang iisipin ang taong makakarinig niyan kundi pagisipan ako'y nasisiraan na ng bait o' baliw.

Tumakas ako sa bahay namin two years ago pagkatapos nangyari ang mga bagay na hindi ko pwedeng ikuwento dahil mapapahiya lang ako. Ngayon nandito ako sa baguio kasama ang babaeng napamahal sa akin. Alam kong napakabata ko pa para umibig pero hindi ko alam kung anong meron sa kanya at biglang nahulog ang loob ko sa kanya.

Siya si Vivoree, 16 pa lang siya pero kung mag isip parang mas matanda pa sa akin. Siya ang tumulong sa akin nung ako'y naligaw ng landas. Wala akong matuluyan noon at siya ang naghanap ng pwede kong matuluyan. Kinausap niya din ang kanyang uncle para bigyan ako ng trabaho at dahil sa kanya natuto ako magtrabaho na hindi ko nagawa noon.

Ang saya ng pakiramdam nung natanggap ko ang una kong sahod na galing sa sarili kong pawis. Nung una mahirap magtanim at mag harvest ng strawberries pero habang tumatagal nasasanay na rin ako at na eenjoy ko na ang gawaing ito. Sobrang nagpapasalamat ako kay Vivoree na kung hindi dahil sa kanya hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon.

Kaya may hinanda ako sa kanya na sana matutuwa siya. Sa lahat ng nagawa niya para sa akin hindi ko alam kung paano gantihan yon pero isang bagay lang ang naiisip ko ngayon. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maramdaman niya na yung taong tinulungan niya ay ang mismong taong magpapasaya sa kanya.

_________________________________________________________________

Starring:

Vivoree Esclito bilang si "Vivoree"

Pinanganak at lumaki si Vivoree sa baguio ngayon ay 16 years old na siya pero mukha pa rin siyang baby kasi maliit na babae si Vivoree. Masiyahin at parating positibo sa buhay si Vivoree kahit hindi siya nakapag highschool makikita na matalino si Vivoree at madikarte sa buhay.

Parehong farmers ang mga magulang ni Vivoree at kahit mga uncle niya ay nagtatanim din ng strawberry. Hindi mahirap si Vivoree pero sobrang kontento na siya sa buhay at hindi na siya nangangarap pang yumaman.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon