The Final Round

153 8 1
                                    

Nalaman na ni Edward mula kay Professor Morris ang tungkol kina Virgo at sa natagpuan nitong parang salamin na gawa sa ginto ang Golden Moonlight. Hindi alam ni Professor na nasa mundo pala ito ng mga tao at lalo na at ikinagulat nito na paano nalaman ni Virgo ang tungkol dito, dahil sa pagkaka alam ni Professor Morris siya lang at ang kilala niyang wizard ang nakakaalam nito.

Marami pa sana na gustong itanong ni Edward pero nawala na ng bisa ang ginamit niyang majika para manatili ang shield detector kaya muli itong gumalaw at nadetect ang shield na ginamit ni Edward. Sinira agad ni Edward ang sortress stone para maputol ang komunikasyon nila ng professor.

Ang sortress stone ay binigay sa kanya ni Professor Morris nung araw na nadakip sila. Isa itong kakaibang klase ng bato na kulay ng langit sa umaga at matatagpuan lang ito sa mundo ng majika.

Narinig ng tagabantay na banshee ang shield detector at agad nitong nalaman kung saang kwarto ito naggagaling. Agad naman sumugod ang mga detectives ng paligsahan para arestohin ang lumabag sa patakaran.

Hindi nagteleport si Edward pero may iba siyang technique para hindi siya hulihin ng kalaban. Nung dumating na ang detective sa kanyang kwarto ay agad siyang dumaan sa naging parang tubig na pader sa likod ng nabuksan na pintuan. Eksakto ring pumasok lahat ng detectives para hanapin ang witch na gumamit ng shield pero wala silang nakita.

Nagkunwari si Edward na bagong dating ito at pinakita niya na parang nagulat siya dahil may mga detectives sa kanyang kwarto.

"Whats going on? Who are you?" sabi ng best actor na si Edward.

"Where did you came from? Did you teleport?" tanong ng isang detective.

"No, i just walk, the party is just right over there." Paliwanag ni Edward na parang naniwala naman agad ang detective na kausap niya.

"Impossible, i see no trace of teleportation but how can the shield detector detect something magical." Paliwanag din ng isa pang detective.

"Unless somebody use my room to do that." Sabi ni Edward sabay niya tinuro ang dalawang dice na nasa sahig. "I beieve thats not mine."

Agad naman ito kinuha ng mga detectives at dinala sa investigating office at sa wakas ay umalis na sila at nakaligtas o nakalusod na rin si Edward. Umupo ng pabagsak si Edward sa malambot na sofa na parang isang napakalaking relief. Ilang saglit pa may naramdaman na naman siya na pumasok sa kanyang kwarto. "What do you want now." Akala niya isa na naman sa mga detective ang pumaok.

"I just wanna say hi to my friend."

Ngumiti si Edward dahil agad niya nakilala ang boses ng nagsalita mula sa kanyang likod. Tumayo agad si Edward sabay sabing "Heaven.." at sinalubong niya ito ng yakap.

"Wait its not Heaven anymore, its Moira.." sabi ni heaven na may kasamang ngiti. Gumagamit si heaven ng isang majikang tela para balutin ang kanyang mukha at agad nagmumukha siyang matanda para hindi siya makilala at natutuwa naman si Edward dahil okay ang kanyang kaibigan.

"Tomorrow is our 3rd day right? We have to finish everything tomorrow." Sabi ni Edward na parang may tumatakbong idea na naman sa utak nito.

"May i know why? 'coz as far as i remember the governor gave us a week to do this."sabi naman ni Heaven na parang gusto niya rin malaman kung ano ang pinaplano ni Edward.

"The Auction, it will happen tomorrow night and i dont want to miss it. Dad will be there." Seryosong pagkasabi ni Edward at parang naintindihan naman ito agad ni Heaven kaya sinunod na lang niya ang gustong mangyari ni Edward. Hindi sinabi ni Edward ang lahat nasa kanyang isipan lalo na ang tungkol sa mga importangteng bagay na ibebenta sa auction tulad ng Ring of Fire at ang Golden Moonlight na sa tingin ni Edward ay napakahalaga para kay Virgo at siguradong may masamang mangyayari kapag napunta ito sa iba.

Hindi pa sumisikat ang araw ay sinimula na ni Edward ang kanyang laban para makaabot siya sa tinakda niyang oras. Habang lumalaban si Edward ay biglang napatingin siya sa audience dahil may nakakuha sa kanyang atensyon at iyon ay ang governor na nanonood pala sa kanya.

Eksaktong alas sais ng gabi nagsimula ang kanyang huling laban sa room 75. Inaamin ni Edward na talagang hindi madali ang kanyang mga naging laban dahil dumating sa punto na muntik na siyang mamatay pero dahil sa kanyang healing power ay agad siyang bumabangon. Kung sugat ang pag uusapan ay hindi na din niya mabilang kung ilan ang kanyang natamo mula sa ibat ibang kalaban ngunit napakataas ang kanyang lamang dahil may abilidad siyang maghilom sa mga sugat.

Pero sa pagkakataon na ito ay kailangan na talaga niyang mag ingat dahil isang extra ordinaryong witch hunter ang kanyang makakalaban. Sa mga sandaling iyon ay bumalik sa isipan ni Edward ang turo at payo sa kanya ng kanyang professor lalo na ang tungkol sa nilalang na makakalaban niya ngayon. Ayon kay Professor Morris nung inaaral pa ni Edward ang mga bagay tungkol sa pagdipensa, "Hindi lahat ng pagkakataon ay pwede mong gamitin ang healing power na meron ka, dahil may isang nilalang na alam ko ay taglay niya ang sandata na hindi kayang gamutin ng kahit na anong healing power. May nadiskubri silang elemento na nakakalason sa kahit na anong uri ng witch at kung matamaan ka ng sandatang ito maaaring ikamamatay mo ito at isa sa mga sandatang ito ay ang black dagger ng isang Witchhunter."

Kahit may konting nerbyos si Edward ay hindi niya ito pinahalata at hanggang sa tumunog na nga ang horn na isang tanda na nagsasabing magsisimula na ang laban.

________________

OMG!! makakalaban ni Edward ang tunay at totoong kalaban ng mga witches! ang Witch Hunter pero don't worry guys, Edward is like superman you know!! haha..

Thank you guys for voting..

more to come...

abangans..



The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon