Bago gumawa ng aksyon si Yong patungkol sa kanyang planong ligpitin ang isang delikado at kakaibang uri ng extra ordinaryo sa kanilang campus ay nagteleport muna siya sa sommers camp para makausap si Korden at para na rin malaman kung anong klaseng nilalang ang kanyang makakalaban. Naghintay siya ng ilang minuto bago dumating si Korden na tilay wala sa mood at mukhang malungkot.
"Okay lang kayo Boss? Pwede ako bumalik bukas kung gusto niyo." Sabi ni Yong na may pag-alala sa kanyang boss na si Korden.
"Okay lang ako, huwag kang mag-alala mas importante ang report mo." Sabi ni Korden habang pinapasok niya ang usb sa labtop na binigay ni Yong.
"Yan si Enrique, isa siyang werewolve pero wala pa siyang record na may pinatay o pinahamak. Hindi ko siya classmate pero kalaban ko siya sa basketball team namin. Yan naman ang blue shining eyes na si Mike at meron na siyang pinatay. Boss gusto ko sanang unahin yan pero hindi ko alam kung anong klaseng nilalang yan." Sambit ni Yong habang patuloy niyang inoobserbahan si Korden.
Nung Makita ni Korden ang blue glow eyed na binata at kung paano ito nagtransform sa nakuhang video ni Yong na galing naman sa cctv camera ng school ay nalaman niya agad kung ano ito.
"Isa itong Chimera, isang 2nd class na shapeshifter." Sabi ni Korden habang chinicheck pa niya ang iba pang mga video.
"2nd class, so may 1st class? Ilang class bay yan?" pagtataka ni Yong na akala niya parepareho lang ang mga shapeshifter.
"Ang mga Werewolves, mga lycans, Cayote at iba pang mga peligrosong angkan ng hayop na nagkaroon ng hindi pa maipaliwanag na dahilan kung paano sila nagsimula o nag-exist, sila ang mga 1st class na shapeshifter. Ang Chimera ay ang mga halimaw na may pinaghalong kakayahan na galing sa ibat ibang klase ng hayop depende sa anong itsura nito. Sa situasyon ni Mike ay isa siyang pinaghalong ahas, buaya at kakaibang lizard. Kailangan natin siyang ikulong para hindi na siya makapinsala pa." sabi ni Korden habang tinitingnan niya na may babaeng nakatago sa may poste.
"Okay boss, ngayon din mismo." Sabi ni Yong at tumayo na siya at nung paalis na sana siya..
"Yong, gusto kong iligtas mo ang babaeng ito na hindi niya nalalaman ang kahit na anong tungkol sa iyo." Sabin i Korden na may napansin habang tinitingnan ang video.
Lumapit si Yong sa labtop at tiningnan niya ang nakikita ni Korden at nagulat siya na ang babaeng nasa video ay ang classmate niya sa isang subject na si Kisses. Pero hindi niya sinabi sa boss niya na kakilala niya ang babaeng nagtatago. Inisip ni Yong na parang unti unti nang lumilinaw sa kanyang pag iisip na si Kisses ay parang isang extra ordinaryo din at gusto niya muna makilala ito.
"SIge poh, walang problema." At agad nag teleport si Yong, ang pagteteleport ni Yong ay hindi niya totoong kapangyarihan dahil galing ito sa chemical na ininject ni Dr Rick Ross sa kanya nung pumayag siyang magtrabaho sa sommers camp at magsilbi sa bayan at tulad niya ganun din ang ginawa sa kasamahan niya na si Christian.
Sa pagbalik ni Yong ay nagsulpot siya sa loob ng c.r na walang tao, kailangan ni Yong na panatilihing lihim ang kanyang trabaho at kanyang pagkatao sa mga ordinaryong tao.
Hindi na pumasok si Yong sa kanyang susunod na klase at dumiretso siya sa kanyang apartment at tulad ng gusto niyang mangyari ay hindi niya nakita si Mackoy sa apartment. Binuksan niya ang kanyang desktop at nag review muli sa mga video ng school at tulad ng inaasahan niya ay may nakita siyang kakaiba.
Nung araw pala nung nag-excuse si Maymay sa biology class dahil ani nya ay masama ang pakiramdam ni Kisses ay yun din ang araw na nasa video kung saan nagtatago si Kisses. Pero wala sa video si Maymay kaya sinubukan niya hanapin gamit ang mga iba pang cctv pero wala nakita si Yong.
Nag ring ang cellphone ni Yong at nakita niya na tumatawag si Mackoy at sinagot naman niya ito. "Hello, bai wazzup?" sabi ni Yong.
"Bai, saan ka? Bakit hindi ka nag attend sa math subject natin?" tanong ni Mackoy habang tinitingnan niya na parang may gulo na nangyayari na tumatakbo ang mga istudyante patungo sa basketball court na nasa loob ng isang saradong building.
"Medyo sumama ang pakiramdam ko eh, teka bakit parang maingay dyan." Tanong ni Yong habang binuksan niya agad ang mga cctv ng school na konektado sa program ng kanyang sariling software at nakita niya dito ang nakasabit na katawan ng isang lalaki na nakatusok sa malaking metal na nasa poste.
"Kasi bai parang may pinatay dito, at sinabit ang katawan sa poste dito sa may basketball court, sabi nila ang pangalan daw ng istudyanteng ito, ay si Mike. Hindi ko siya kilala pero mukhang parati ko siya nakikita." Sinusubukan naman ni Mackoy na maalala ang lalaking ito pero wala naman siyang maalala na kakaiba dito.
__________________________________________________________________
Jon Lucas bilang si "Enrique"
Isa siyang werewolf pero hindi siya pumapatay ng tao dahil ginagamit niya ang kanyang pagiging werewolf upang ipagtanggol ang mga nangangailangan ng tulong.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasíaSi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...