Sa loob ng bahay ni Ferdinand ay nagpapatuloy pa rin ang laban nila sa dalawang alagad ni Virgo.
"Nikko, ilipad mo na yan sa ibang lugar at tapusin mo na agad." utos ni Ferdinand sa kanyang pinagkakatiwalaan na bodyguard.
"Pero.." tinanggihan pa sana ni nikko dahil ayaw niya iwan ang kanyang boss dahil baka mas kailangan siya nito.
"Gawin mo na.. Balikan mo na lang ako dito pagkatapos." sabi ni Ferdinand habang ayaw niya tanggalin ang kanyang tingin kay Dyno na nakangiting tinitingnan din siya.
Biglang nawala si nikko at sumulpot sa likod ni Malik sabay hila sa kanya at lumipad na parang nagteleport sa bilis.
Si Nikko ay isang Nephilim, kalahating tao at kalahating anghel. Pero ang ama nito na dating anghel ay isa na ngayong Fallen.
Makapangyarihan ang isang Nephilim ngunit hindi sila kinikilala sa langit dahil tinuturi sila bilang isang abomination o pinagbabawal.
Hindi lahat ng Nephilim ay dapat pagkatiwalaan pero si Ferdinand ay tinuturing na siya bilang sarili niyang anak kaya napamahal na rin si Nikko sa taong ito.
Dinala ni Nikko si Malik sa isang desert sa Africa at dito nila itinuloy ang laban. Bilang WitchVampire maaaring makapangyarihan din si Malik pero hindi siya ganoon ka experiensyado at hindi rin siya dumaan sa kahit na anong training kaya hindi natatakot si Nikko na kalabanin ito.
Agad ipinakita ni Malik ang kanyang kakayahan at napansin ni Nikko na gumagamit ito ng spell kaya medyo mabagal ang pagganap ng kanyang kapangyarihan.
Nagkaroon ng mga buhawi pero binalewala lang ito ni Nikko dahil isa rin ito sa kapangyarihang taglay niya pero hindi niya akalain na susundan ito ng mga nakakalason na paniki at muntik na siya makagat ng nakakatakot nitong mga pangil.
***
Nagsimula na rin umatake si Dyno, napansin ni Ferdinand na tumatakbo lang ito at tumatalon sa ibat ibang sulok ng lugar at napansin ni Ferdinand na may ginagawa na itong kakaiba.
Gamit ang kanyang singsing ay nagbuga siya ng usok at tumigil si Dyno. Dahil sa usok na ito ay lumantad ang mga nilagay na bomba ni Dyno at halos mapuno na ang paligid ng mga wbombang ito na parang segundo na lang ay sasabog na.
Agad naman ito pinuno ng yelo sa loob ni Ferdinand para hindi ito sumabog pero diskarte lang pala ito ni Dyno para malihis ang atensyon ni Ferdinand at nung nagkaroon ng pagkakataon ay agad umatake si Dyno.
Mabilis naman ito nailag ni Ferdinand pero isa pala itong decoy dahil ang tunay na Dyno ay nasa kanyang likod na pala. Natanim na agad ni Dyno ang bomba at huli na nung maprotektahan niya ang kanyang sarili nang sumabog na ito.
Bumagsak si Ferdinand pero may pinakawalan siya na hindi napansin ni Dyno ang parang plastik na yelo na invisible sa mga mata ni Dyno. Nung gumawa ng isang hakbang si Dyno papunta kay Ferdinand ay agad nanigas ang kanyang buong katawan at naging yelo si Dyno.
Nawala na ng malay si Ferdinand at hindi na siya makatayo dahil namanhid na ang kanyang buong katawan at hanggang sa pumikit na ang kanyang mga mata pero hindi niya maintindihan kung bakit naririnig niya na tinatawag siya ng kanyang pinakamamahal na anak. "Papa....." isang sigaw na hindi niya alam kung saan ito nanggagaling.
"Kisses.. Anak ko.." bulong ni Ferdinand.
***
Sa sigaw ni Kisses ay wala siyang kaalam alam na nakarating ang kanyang boses maging sa napakalawak na mundo ng karagatan at narinig ito ng ina ng kanyang ina.
Si Dayanara ang Reyna ng karagatan na dati ay pinagkatiwalaan si Ferdinand sa kanyang anak pero nung araw na namatay si Isabel ay naputol na rin ang relasyon at komunikasyon niya sa mga tagalupa at lalo na kay Ferdinand.
Sa galit ng reyna ay kaya niyang patayin din si Ferdinand pero alam niya na mahal ito ng kanyang anak kaya hinayaan niya itong mabuhay pero ang hindi alam ng Reyna ay nagkaroon pala siya ng apo sa lupa.
Nung narinig ng Reyna ang boses ni Kisses ay parang naririnig niya ang boses at tawag ng kanyang anak na si Isabel. Hindi siya makapaniwala dito pero naging sobrang interesado siya sa misteryosong sigaw na iyon.
Alam ng Reyna na wala na ang kanyang anak pero imposibleng magkaroon ng kahit na anong pagkapareho ng kahit na sinong tagalupa sa mahal niyang prinsesa.
Naghanda ang reyna at agad siya nag-atas ng isang magiting na pinuno para pansamantalang mamuno sa karagatan habang wala siya. Hindi niya sinabi ang dahilan sa kanyang pag-alis sa kahit na sino at wala ring makakapigil sa kanya.
Sa mismong araw na iyon ay sumulpot ang reyna sa isang bahay ng tagalupa kung saan nanggaling ang boses ng katulad ng kanyang anak.
Sa loob ng bahay nakita ng reyna ang tatlong katawan ng babae na nakahiga sa sahig at nakilala niya agad ang isa dito dahil nakita na niya ito dati, ang matalik na kaibigan ng kanyang anak na si Pamela.
Pinalitaw ng Reyna ang kanyang staff at dinikit niya ito sa noo ni Pamela, umilaw ito at biglang nagising si Pamela. Tumayo ito agad at nagulat dahil sa nakita niyang mga nawasak at nasirang kagamitan sa kanyang basement.
Pero mas ikinagulat niya nung makita niya si Reyna Dayanara.
Diretso itong tumingin sa kanya at nagsalita..
"Sabihin mo sa akin ang totoo., nagbunga ba ang pagsasama ng anak ko at ng tagalupang si Ferdinand?"
Kakaiba ang tingin ng reyna dahil talagang natakot si Pamela kahit alam niya na isa ito sa mga mabubuting nilalang na nakilala niya.
"Opo mahal na reyna., at siya po si Kisses." sabi ni Pamela sabay tingin kay kisses na nakahiga sa sahig.
"Si Ferdinand nasaan siya ngayon?" tanong ng Reyna habang pinalutang niya ang katawan ni kisses sa kanyang harapan.
"Nakikipaglaban pa rin po, at patuloy na gumagawa ng paraan para mabigyan ng kapayapaan ang mundong ito." paliwanag ni Pamela na parang pinapahiwatig niya sa Reyna na isang mabuting tao at ama si Ferdinand.
"Kailangan kong isama ang apo ko sa lugar na mas ligtas siya, sa mundo kung saan siya nararapat." sabi ng Reyna at alam ni Pamela na hindi niya kayang pigilan ito. Tinaas na ng Reyna ang kanyang staff at kapag natamaan ito sa sahig alam ni Pamela na mawawala na ito at hindi niya alam kung mapapatawad siya ni Ferdinand.
Pero may dumating sa kanyang vision na may masamang mangyayari kapag dinala ng Reyna si Kisses sa mundo ng karagatan.
"Bago niyo kunin si Kisses gusto kong makita niyo kung ano ang mangyayari sa kanya kapag dinala niyo siya sa mundo niyo." sabi ni Pamela at hinawakan niya ang kamay ng Reyna at nakita ni Dayanara ang vision ni Pamela.
Dahil sa vision ni Pamela ay pumayag ang Reyna na manatili sa mundo ng mga tao si Kisses pero may isang condition, gusto ng Reyna na manatili sa tabi ni Kisses hanggang sa dumating na ang tamang panahon na kailangan na niyang bumalik sa mundo ng karagatan kasama si Kisses.
***
Bumalik si Nikko sa bahay nina Ferdinand at dahil nabigo siya sa pagpatay kay Malik ay nilabas na lang niya ang kanyang galit sa naging yelo na si Dyno.
Nilabas niya ang lahat ng enerhiya sa kanyang kamao at sinuntok ng napakalakas si Dyno at naging pira praso ang katawan nito.
Naririnig pa rin ni Nikko ang tibok ng puso ni Ferdinand at masaya ito dahil buhay pa ang kanyang boss. Dinala niya ang kanyang boss sa mas ligtas na lugar. Isang malaking bahay na binili ni Ferdinand para sa kanya at para sa kanyang kapatid na bihag pa rin ni Virgo hanggang ngayon.
Walang araw na hindi niya inaalala ang kanyang kapatid, ang kanyang nag-iisang kadugo na si Fenech.
___________
Also Starring
Dawn Zulueta bilang ang Reyna na si Dayanara
Isabel Granada bilang si Pamela
Nonie Buencamino bilang si "Ferdinand"
Nikko Natividad bilang si Nikko
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasíaSi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...