Hellhounds

155 5 0
                                    

Habang masayang nagmamaneho si JC napansin ni Aizan na tinutupi ni Vivoree ang nakuhang niyang black arrow o maitim na pana.

"Oh my goodness, ngayon lang ako nakakita ng tinutuping pana, paano mo nalaman yan?" tanong ni Aizan habang minamasdan niya na binubusisi ni Vivoree ang pana nito.

"Nung nakita ko ito sa basement akala ko simpleng bracelet lang pero nung pinindot ko ang silver button, wallah! Naging pana na siya." Paliwanag ni Vivoree habang malapit na niya makuha kung paano niya ito ibalik sa pagiging bracelet muli.

"Ang pana, nagiging bracelet grabeh bai, iba talaga ang maging isang ghost marami ka talagang makikita na nakaka amaze, tulad ng latigong ito, akala ko disenyo lang para sa cowboy suit ko." Sabi ni Aizan na unti unti nang nakikita at napapansin ang mga kaibahan ng spirit world sa mundo ng mga tao.

"Pero tandaan niyo hindi pa rin tayo ligtas dito." Sabi ni JC dahil anim na buwan na siya sa spirit world at alam niya kung ano ang panganib na nagaabang sa kanila dito.

"Teka sa tingin ko ito na ang tamang oras para magtanong tungkol sa mga nangyayari sa atin dito, gusto kong malaman kung hanggang kalian tayo ganito at bakit wala pa akong nakikitang tao eh umaga naman." Napansin ni Vivoree sa dami ng nakita niyang bahay at building ay wala pa siyang nakikita na kahit isang tao man lang.

"Wala kang makikitang tao kasi wala ka sa mundo ng mga tao." Sabi ni JC na parang hindi ganoon ka seryoso ang dating kay Vivoree.

"Ay tanga." Biglang sabi naman ni Aizan na pabiro at binatukan naman siya ni Vivoree "Baka ngayon magtanong ka rin kung bakit hindi tayo nagugutom." Dagdag na biro ni Aizan.

"Ikaw kanina ka pa ah, wait bakit nga ba..?" parang naging curious lang din si Vivoree, at tumawa na naman si Aizan pero pinaliwanag pa rin niya.

"Ay naku hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin tanggap na isa ka nang ghost, as in walang intestine, walang kahit anong organs para magsasabi sayo na nagugutom ka, ano gets mo nah." Sabi ni Aizan na may kasabay na pang inis.

"Tama na yan, malapit na tayo." Sabi ni JC nung makita niya ang puting gusali na parang kumuha sa kanyang atensyon. Natatandaan ni JC ang payo ng Wizard na dapat parati niya sundin ang kanyang instinct, dahil sa mundo ng mga ispiritu ito ang pinakamabisang kapangyarihan ng mata.

Nung nakarating na sila sa puting gusali na nakita ni JC mula sa malayo ay hininto na ni JC ang kotse at bumaba sila. Hindi alam ni JC kung ano ang makikita niya sa loob ng gusaling iyon pero sigurado siya na meron dahil sa kakaiba nitong itsura. Dahil lahat ng gusaling dinaanan nila ay mukhang luma at ang gusaling ito ay parang bago lang ginawa.

Nung nakapasok na sila napansin nila ang napakalawak na entrance hall at halos lahat ay kulay puti. Parang isang malawak na grocery store na wala ang mga grocery items at mga shelves at counters. Habang lumalakad sila papuntang escalator may nakaramdam si Aizan at Vivoree mula sa kanilang likod na parang may humihinga na isang malaking hayop at nung tumalikod sila, napatunayan naman na totoo ang kanilang hinala kaso hindi nila alam kung anong klaseng hayop ito.

Dahil sa takot ay hindi makapagsalita ang dalawa kaya hinila ni Vivoree ang damit ni JC para tumalikod ito at nung tumalikod ito ay nakita ni JC ang tatlo na mukhang galit na Hellhound. Isa itong malaking uri o evil spirit version ng aso na sobrang pangit at sobrang tapang ng mukha na kumakain din ng kaluluwa. Ngumiti muna si JC at bigla itong tumakbo at sumabay din sina Aizan at Vivoree.

Binaril ni JC ang Hellhound gamit ang kanyang golden pistol pero mukhang napaatras lang ito kaya patuloy silang tumakbo at patuloy pa rin silang hinabol hanggang pinana naman ni Vivoree ang ulo ng isang Hellhound habang paakyat sila ng escalator kayalang napansin ni Vivoree na parang unti unti itong natatanggal na mag-isa ang arrow mula sa ulo ng Hellhound. Kaya tumakbo na naman sila muli at dumadaan na lang sila sa mga maliliit na hallway para mahirapan ang mga Hellhound kayalang napakalas nito at nawawasak ang mga simentong nababangga nito. Kung titingnan lang ang swerte ng tatlo dahil nalulusot at naiilag pa rin nila ang atake ng mga hellhound.

Sa huli ay sinubukan ring gamitin ni Aizan ang kanyang latigo at itinali ang mga leeg ng mga hellhound. Akala ni Aizan ay natanggal ang latigo sa handle na hawak nito nung bitayin niya ang isang hellhound ngunit nagtaka na lang siya buo na ulit ang kanyang latigo. Kaya rin pala nito na maging mahaba at makapal at nadidikit sa katawan ng kalaban kaya madali para kay Aizan ang ihampas ang mga Hellhound. Nagulat si Aizan sa kanyang hawak na latigo ay nagiging napakagaan lang ang napakalaking hellhound.

Hindi makapaniwala sina JC at Vivoree na niligtas ni Aizan ang kanilang buhay. Sa likod ni JC ay may elevator na kanina pa nila hinahanap at bigla na lang ito tumunog at mag-isang nagbukas ng wala man lang ang nagpindot at wala silang kamalay malay kung paano ito nangyari at nagtinginan na lang sila sa isat isa hindi nila alam kung papasok ba sila sa elevator o hinde.

_______________________________________________________________

Starring

Vivoree Esclito bilang si Vivoree

Aizan Perez bilang si Aizan

Also Starring

JC De Vera bilang si JC

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon