Parang slowmo sa isang pelikula ang pagpasok ni Marco sa palasyo ni Alracko. Hinarang siya ng mga makapangyarihang demons pero balewala ito sa kompiyansang bitbit ni Marco sa kanyang sarili. Sa kanyang mga pinagdaanan ay parang normal na lang sa kanya ang pakikipaglaban.
Hindi man lang napansin ng mga demons na naglabas siya ng kanyang kapangyarihan na napapalibutan na ngayon sa bawat sulok sa lugar na iyon. Ang sa bawat pag atake ng mga demons ay bigla na lang silang napupugutan ng ulo o di kaya nahahatian ng katawan na hindi man lang nila nalalaman kung paano nangyari ito.
Isa itong invisible na sandata na tanging si Marco lang ang nakakakita. Walong napakatulis na espada ang pinakawalan ni Marco na kayang putulin ang kahit na ano kahit sing tigas pa ito ng bakal. Isa isa pinatumba ni Marco ang mga kalaban sa pamamagitan lang ng pagsipol.
Hindi na nahirapan si Marco sa pakikipaglaban dahil wala na sa palasyo ang mga makapangyarihan na nilalang tulad ni Alracko.
Sa kanyang patuloy na paglakad ay may narinig siyang kakaibang pintig ng puso at dahil dito nalaman agad ni Marco kung nasaan ang kanyang ama.
Pumasok siya sa isang malawak na silid at sa bawat kanto ay may napansin siyang mga puting bato na hugis butil ng bigas pero sin laki naman ito ng pinaka malaking tao. Habang palapit siya ng palapit sa puting bato lalong lumalakas ang pintig na parang may buhay sa loob ng puting bato.
Sa pagiging kuryoso ni Marco ay hindi niya namamalayan na unti unti nang dumidikit ang kanyang kamay sa puting bato. Nang biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.
"Huwag mong hawakan yan.. kakainin ka niyan ng buo.. at makukulong ka rin dyan kagaya namin ng mga kasama ko." Sabi ni Yong.
Tumalikod si Marco at nakita niya ang pamilyar na mukha ni Yong.
"Parang nakita na kita dati.. sino ka?" tanong ni Marco.
"Ako si Yong., ginawa ako bilang isa sa mga Porters ng uncle Korden mo at sa totoo lang sa sommers camp ako lumaki, inalaga ako ni Dr Eric Ross at doon din kita nakita noon kung matatandaan mo." paliwanag naman ni Yong.
"Kaya pala.. pero teka lang.. sabi mo makukulong ako dito kagaya nyo.. ibig sabihin nakulong ka na din dito?" ang pagtaka ni Marco.
"Sa totoo lang dalawang beses na.." sagot naman ni Yong.
"Pero paano ka nakatakas, paano ka nakalabas?" tanong uli ni Marco.
"Dahil siguro sa kakaiba kong kakayahan kaya nagawa ko siyang wasakin mula sa loob." Sabi naman ni Yong.
"Kung nagawa mo ito mula sa loob sa tingin ko magagawa mo rin ito mula sa labas." Sabi naman ni Marco.
"Hindi ako sigurado pero susubukan ko." ani Yong.
Sinara ni Yong ang kanyang mga mata at nagconcentrate ito at nung binuksan niya muli ang kanyang mga mata, nakita ni Marco na nag ilaw ito ng kulay berde. Tinutukan ni Yong isa isa ang mga puting bato. Ilang saglit pa ang nakalipas ay isa isa nang nag crack ang mga ito at sumabog kaya dahil dito ay nakalaya na rin sa wakas ang mga naging bihag ni Parkins.
Natuwa naman si Yoing dahil hindi niya akalain na magagawa niya ito. Binigyan naman siya ng isang ngiti ni Marco na tilay nahusayan sa kanyang ginawa.
Agad nilapitan ni Marco ang kanyang ama na si Gasparre. "Papa.." ang bati ni Marco.
Hindi sumagot si Gasparre pero ginalaw nito ang kanyang ulo na nagpapahiwatig na nakikilala siya nito. Hindi rin napigilan ni Marco ang kanyang sarili dahil sobra itong nasabik sa kanyang ama kaya agad niya itong niyakap.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...