The Bodyguard

195 4 1
                                    


Ito na siguro ang pinaka magandang gising ni Kisses sa buong buhay niya ni hindi man lang siya maka bangon sa kanyang higaan sa kaka isip sa kakaibang pagkikita nila muli ni Marco. Naalala pa rin niya ang mga sinabi nito sa kanya at hindi lang basta malinaw tilay naririnig pa rin niyaang boses ni Marco kahit wala na ito sa tabi niya.

"Gusto ko lang malaman mo na espesyal ka sa akin, sa ngayon gusto ko lang malaman mo na ikaw ang pinaka importanteng babae sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng nangyari sa akin nagawa mo pa rin ako pasayahin at masaya ako Kisses." Sabin ni Marco habang inienjoy nila ang tanawin sa roof top ng isa sa pinaka mataas na gusali sa london.

"Masaya din ako Marco, kung alam mo lang.. pero sa nakikita ko sayo ngayon parang gusto mo na naman magpaalam." Hindi man masabi ni Kisses ay sobra din siya nag alala kay marco kahit hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan nito basta lang niya nararamdaman.

"Pansamantala lang naman, hahanapin ko lang ang lolo ko, siya lang kasi ang pwedeng magpaliwanag sa akin tungkol sa tunay kong pagkatao. Talagang naguguluhan ang isip ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa buhay ko kung hindi ko alam kung sino ako." Sabi ni Marco ng walang pagaalinlangan at tulad ng dati si Kisses pa rin at tanging si Kisses lang ang kaya niyang kausapin tungkol sa mga nararamdaman niya at mga iniisip niya tungkol sa kanyang pribadong buhay.

"Ako nga hindi ko alam kung ano talaga ako, basta iniisip ko lang na masaya kami ng papa ko at peaceful yung buhay naming. Minsan may mga bagay na sadyang ayaw ipa intindi sa atin at darating na lang ang panahon na kusa itong magpapaliwanag. Pero alam mo malakas ang kutob ko na makikita mo na ang lolo mo at malalaman mo na rin ang tunay mong pagkatao at gusto ko rin sabihin sayo na kahit sino ka pa o kahit ano ka pa, ikaw pa rin si Marco na bestfriend ko na mukhang italiano." Sabay tawa ni Kisses habang hawak hawak niya ang mga kamay ni Marco. Tumawa din si Marco at mukhang napaisip ito tungkol sa sinabi ni Kisses.

"Talaga, mukha akong italiano? mahilig lang sa pasta italiano agad." Sabi ni Marco na hindi niya namamalayan na sumasabay na siya sa tawa ni Kisses.

Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin si Kisses habang iniisip niya ang mga pinag usapan nila ni Marco. Bumangon si Kisses at hinanap nito ang kanyang notebook na may maliit na kalendaryo. Binilog ni Kisses ang petsang tatlong put araw na pagitan sa kasalukuyang araw at sinulat niya dito ang pangalang Marco.

Sa school campus ay hinahanap ni Maymay si Kisses at buti na lang nakita ni Maymay ang isa sa mga guro ni Kisses kaya nagtanong siyadito at nalaman niya na kalahating oras pa bago magsimula ang klase nito kaya pumunta si Maymay sa girls comfort room at dito siya nagteleport papunta sa bahay nila Kisses.

Sa library naman ng school campus ay matiyagang inoobserbahan ni Nikko ang tatlong lalaki na naka amarikana na parang may hinahanap. Lumapit ang librarian sa kanila at nagtanong kung ano ang hinahanap nila at diniscribe nila ang itsura ng dalawang babaeng hinahanap nila at tugma ito sa itsura nina Kisses at Maymay. Pero bago ito sagutin ng librarian agad nagpakita si Nikko sinabing.

"Bakit nyo sila hinahanap?" matapang na sabi ni Nikko at sinenyas niya ang librarian na umalis na doon at ginawa naman ito ng librarian.

"At bakit mo alam kung sino ang hinahanap namin?" ngumiti ang witchvampire na si Malik, isa rin sa mga tauhan ni Virgo na inutusang hanapin sina Maymay at Kisses. Nung hahawakan na sana ni malik ang ulo ni Nikko bigla itong nawala at sumulpot sa likod ni Malik at agad siya hinampas sa mga shelves.

Tanging si Ferdinand lang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Nikko ang personal na bodyguard ni Kisses. Si Nikko ay isang Nephilim anak siya ng isang mabuting Fallen pero dahil isa siyang abomination kailangan siyang patayin pero dahil kay Ferdinand naging invisible siya sa mga nilalang na matagal na siyang hinahanap.

Nilipad ni Nikko ang dalawang ordinaryong witch sa disyerto na nasa kabilang parte ng mundo at nilibing sila ng buhay sa ilalim ng lupa pero pagkatapos ng ilang sigundo nung binalikan niya si Malik ay wala na ito. At agad siyang lumipad sa bahay nina Kisses para bigyan ito ng proteksyon pero natakot at nagalala si Nikko dahil wala sa bahay si Kisses.

Sobrang galit naman ang witchvampire na si Malik na nasa roof top ng isang napakataas na gusali sa manila hindi niya akalain na may tatalo sa kanyang lakas at kapangyarihan at lalong ikinainis niya nung hindi niya malaman kung anong klaseng nilalang ang nakabangga niya. Kung gaano siya kamalas sa pakikipaglaban kay Nikko ay ganon rin siya ka swerte sa kanyang misyon dahil mula sa roof top na iyon ay nakita niya si Kisses sa loob ng puting sasakyan na bumabyahe papuntang school campus.

Starring

Kisses Delavin bilang si Kisses

Marco Gallo bilang si Marco

Maymay Entrata bilang si Maymay

Also Starring

Nikko Natividad bilang si Nikko

Arjo Atayde bilang si Malik - the man on the photo

Nonie Buencamino bilang si "Ferdinand"


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon