Sa Tagaytay naninirahan si Mackoy pero sa manila siya nag-aaral kaya kumuha siya ng apartment na malapit lang sa school para hindi siya mahirapan sa travel. Kung financial status ang pag uusapan wala siyang problema pagdating dito pero sabi nga nila walang perpekto sa mundo. Kahit may kaya sila ng lola niya hindi pa rin sila ganun ka saya.
Nung natapos na ang klase ay dumiretso na si Mackoy sa kanyang apartment. Since bagong lipat siya dito kailangan pa niya ayusin ang kanyang mga gamit at yung iba ay hindi pa niya inalis sa nakatape na karton.
Habang inaayos niya ang mga figurines at mga picture frames sa divider may nakita siya maliit na papel sa ilalim ng alarm clock. Kinuha niya ito at nung binuksan niya agad niya nakilala ang pagkasulat nito.
Isang sulat na galing sa kanyang isang bestfriend na si Edward at naka sulat dito na gusto nitong makipagkita. Nakasulat din sa papel na iyon ang address kung saan dapat pupunta si Mackoy para magkita na sila muli.
Sa likod ng Grand Memorial Park, kung saan ipinagbabawal ang kahit na sino na pumasok dito pero walang magawa si Mackoy kailangan niya makita ang kanyang kaibigan na matagal na niyang hinahanap.
Nung nakarating na si Mackoy, may narinig siyang boses na galing sa taas ng puno.
"Dude, up here." sabi ng inglisero na si Edward.
"Anong ginagawa mo diyan?" nagtaka si Mackoy pero excited pa rin na malaman kung ano ang ikukuwento ng kanyang matalik na kaibigan.
"Basta, just climb up here." kahit hindi masyadong marunong managalog si Edward ay napakalinaw naman ng kanyang pagkakaintindi tuwing kinakausap siya sa tagalog.
"You are so weird, you know.." sabi ni Mackoy nung kaharap na niya ito.
"Yeah, I know." pareho silang tumawa at niyakap ni Mackoy ang kanyang kaibigan hindi lang dahil namiss niya ito kundi dahil sobra siyang nag-alala dito.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...