Failed Attack

90 3 3
                                    

Ang huling pumasok na kakampi sa Brotherhood org palace ay ang mga kinausap ni Kristine na Hunters. Pagdating sa pakikipaglaban ay hindi pwedeng maliitin ang mga ito dahil dumaan ang mga ito sa matinding training bago sila nagkaroon ng Hunters ID mula sa Hunters Association. Hindi basta basta ang mga Hunters na ito dahil may sarili din silang mga kakaibang kakayahan na nagpapatunay na isa ring silang ganap na extraordinaryo.

Sa pagkakataong ito ay dalawang pintuan na ang binuksan ng palasyo at lumabas ang mahigit na sampung libong mga troops na hindi naisip ni Virgo na mas madali palang paslangin ang marami kaysa sa paisa-isa at ito ang pinatunayan ng isang Banshee na si Kristine.

Isang mala alon na sigaw na parang nagbubuga ng alikabok sa paligid ang nagiging resulta sa pakikipaglaban ng Banshee na si Kristine dahil sa bawat troops na natatamaan ng kakaibang soundwave na ito ay literal na nagiging abo agad.

Hindi rin patatalo ang Bender na si Christian dahil ang kakaiba nitong kapangyarihan na parang pinagsamang hangin at kidlat ay nakokontrol niya ang pagtama nito sa bawat troops at sinisiguro niya na sa bawat strike ng kidlat ay sunog at wala ng buhay ang kalaban.

Kasama din ni Enrique ang mga kapwa niya werewolves sa walang tigil sa pakikipaglaban sa mga hindi nauubusang troops. Hindi rin pahuhuli si Yong na mas lalong tumatagal ay mas lalong lumalakas at hindi lang ito napansin ng kanyang mga kasama kundi pati na rin ng mga Hunters na first time siyang makita.

Bukod sa kakayahan nitong gawing parang tubig ang kahit na anong matigas na bagay ay kaya rin nitong patigasin ang kahit na anong malambot na bagay tulad ng tela, papel o dahon na nagagawa niyang paibahin ang anyo at gawing sing tulis ng patalim. Pero ang pinaka nagpahanga sa mga hunters ay ang parang lazer na apoy na lumalabas sa mga kamay nito tuwing nagiging pula ang kanyang mga mata at kahit si Yong ay hindi mapaliwanag kung saan nanggagaling ito.

***

Muli na naman nakaharap ng Master Wizard ang mga pinalayang troops na hindi niya mabilang kung ilan ang kanyang dapat patumbahin para makadaan pero sa pagkakataong ito ay tilay naging madali na para sa kanya dahil sa tulong na rin ng isang hunter na di siya kayang iwan at ito ay walang iba kundi si JC.

Gamit ang kanyang Golden Pistol na tilay hindi rin nauubusan ng bala at sa pagkakataong ito ay napansin ni JC na parang may kakaiba sa hawakan ng pistol na ito kaya sa pagiging mabusisi ni JC ay sinubukan nitong ikutin ang dulo ng baril at muling nagbaril. Laking gulat ni Master Wizard at pati na rin si JC ang mala alon na asul na enerhiyang lumabas na parang asidong sinunog ang mahigit na isang libong troops.

Sa kakatira ni JC ay may biglang maputing enerhiya na parang isang shield ang sumalubong dito. Muli sanang tumira si JC ngunit pinigilan siya ni Master Wizard dahil parang kilala niya ang enerhyang ito at hindi nga siya nagkakamali dahil ang puting enerhiya na ito ay nanggagaling sa isang guardian na si Vivoree.

"Master mukhang wala dito ang hinahanap mo.." sabi ni Vivoree at tumingin ito sa may kisame at gamit ang kanyang kamay ay binutasan niya ito para bigyang daan ang Master Wizard. Samantala ang akala nila na naubos na ang troops ay hindi pa pala dahil biglang nagsisulputan na naman ang mga ito at inatake sila pero agad namang nakaakyat si Master Wizard at mabilis itong sinara muli ni Vivoree at ngayon nakangiti at kompiansa na si JC na matatalo niya lahat ng mga troops dahil sa kanyang bagong nadiskubri sa kanyang bagong mahal ang bagong Golden Pistol.

***

Sa wakas ay makakaharap na ni Ferdinand at Kevin si Virgo na hindi nila alam ay mas nadoble na ang kapangyarihan nito kumpara sa dati. Nung nabuksan na ang pintuan ng silid kung saan naroon naghihintay si Virgo ay agad sumalubong sa mga mata ni Violet ang katawan ng kanyang asawa na nakadikit sa kisame.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon