Xylem

192 6 8
                                    

Naging maayos ang pagpapahinga ni Yong na parang nabawi niya ang kanyang nawalang lakas. Binuksan niya ang kanyang mata at nakita niya na nasa loob siya ng kanyang kwarto sa sommers camp. Kinabitan din siya ng dextrose para sa kailangan nitong nutrisyon.

Unang pumasok sa kanyang kwarto ang huling taong inaasahan niyang makita at ito ay si Kristine na dala dala ang kanyang unang kakainin pagkatapos niyang makulong sa bitag ni Parkins.

"Okay ka na?" tanong ni Kristine habang nilalagay niya ang pagkain sa may maliit na mesa.

"Its a miracle. Totoo ba ito? Si Kristine may concern na sa akin?" sabi ni Yong na parang hindi siya makapaniwala na ang babaeng madalas niya mainkwentro ay parang mabait na sa kanya ngayon.

"Yong galit ka ba sa akin?" parang naging malungkot ang tono ng boses ni Kristine at napansin ito ni Yong.

"Hindi, baka ikaw?" binalik ni Yong ang tanong at kumuha si Kristine ng bangko na parang gusto nitong makipag-usap.

"Kahit kailan wala akong nararamdamang galit sa'yo, naiinis oo kasi parati mo ako binabara.." sabi ni Kristine at agad naman dinipensahan ni Yong ang kanyang sarili.

"Ikaw kaya ang nambabara. Lalo na pag mag-isip ako ng plano, lahat na lang hindi tama at yung plano mo ang laging nasusunod." Sabi ni Yong na parang hindi niya alam kung tama bang sabihin iyon.

"kung ganon patawarin mo ako.. hindi ko sinasadya.. ayoko lang kasi mapahamak ka." sabi ni Kristine at napansin ni Yong na parang naluluha na ito.

Hindi makapaniwala si Yong na iyon ang maririnig niya kay Kristine na parang lahat ng inis niya dito ay biglang nawala. "Uy okay lang yon.. ngayon alam ko na., at sorry din dahil.. ikaw kasi parati kang masungit ni hindi ka nga marunong ngumiti."

"Ngumingiti kaya ako." sabi ni Kristine pero nakakunot pa rin ang noo.

"Kailan? Ni minsan hindi ko pa nga nakita. Sige nga.. pakita mo daw.." hamon ni Yong na hindi naman tinanggihan ni Kristine.

Ngumiti si Kristine pero yung ngiti nito ay parang napipilitan at halatang pinapakita lang yung ngipin at ang mukha ay mukhang masungit pa rin.

"Ngiti ba yan? Para kang manganganak nyan.." at tumawa na lang bigla si Yong sa nakitang reaksyon sa mukha ni kristine.

"Sobra ka.. Hindi kaya.." at hindi namalayan ni Kristine na lumabas na lang ng kusa sa kanya ang natural at totoong ngiti na hinahanap ni Yong at naging masaya na si Yong nung nakita niya ito.

"Siya nga pala, saan na yung boyfriend mong si Enrique?" tanong ni Yong na parang may halong inis sa sinabi niya.

"Excuse me. hindi ko boyfriend yon gusto ko lang mas makilala siya pero tama sila hindi pala dapat ako nagtitiwala agad. Alagad pala siya ni General Alvarez o ni Parkins, kalaban natin siya yong." sabi ni Kristine na parang disappointed sa kanyang sarili.

Sa sandaling iyon ay may naalala si Yong nung nasa kulungan pa siya, isang sandali ng kanyang buhay na halos mamatay na ito sa paghihirap at pagtitiis sa sobrang sakit at panghihina ng kanyang katawan dala ng hindi niya maintindihan na dulot sa kanya ng puting bato.

Sa kanyang pagdudurusa sa loob ng kulungan ay bigla siyang sumigla nung akala niya ay susunduin na siya ng isang lalaking agad niyang nakilala.

"Yong. Nandyan ka ba?" tanong ni Enrique.

"Enrique... oo nandito ako tulungan mo ako.." ang nagmamakaawang sabi ni Yong na sobrang gusto na niya talagang makalaya.

"Kahit gusto ko man, Yong walang kahit na sino ang pwedeng magbukas ng kulungan na yan, dahil galing yan sa ibang mundo at may taglay na kapangyarihan ang puting bato na yan at kahit na sino ay pwedeng makulong kapag lumapit dyan." paliwanag ni Enrique na binubulong lang niya sa layo ng dalawang pung metro mula sa puting bato.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon