Arch Angel Rafael

97 4 0
                                    

Hindi pa rin matanggal ni Elisse ang kanyang pagiging malungkot dahil alam nito na magiging mapanganib ang haharapin ng kanyang kasintahan na si Mackoy. Sa may ilog kung saan naalala niya ang paghulog nilang dalawa ni Mackoy ay hindi niya mapigilan ngumiti ng mag-isa kung iba pa ang nakakita nito malamang ang iisipin nila ay nasisiraan na ng bait si Elisse pero para kay Master Tokiro ay naiintindihan niya ito.

Naramdaman ni Elisse na may lumalapit at papunta sa kanya kaya napalingon ito. "Pa, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Elisse habang sinalubong niya ito at binigyan ng yakap.

"Bakit si Mackoy lang ba ang may karapatang samahan ka..?" ang palabirong lambing ng kanyang ama na nakakahalatang malungkot ito.

"Papa naman eh.." saad ni Elisse.

"Alam mo naman na kailangan umalis si Mackoy di ba? Hindi lang para sa atin kundi pati na rin sa lahat ng tinutulungan natin." Paliwanag ng kanyang ama na si Yanma Tokiro.

"Alam ko naman po yun, kaya nga pumayag ako di ba? At saka wag kayong mag-alala okay lang ako at malaki ang tiwala ko kay Mackoy sigurado ako na hindi niya tayo bibiguin." ani Elisse.

Ilang saglit pa ay dumating sa lugar na iyon ang kababata ni Elisse na si Jeric na parang anak na din ang turing ni Master Tokiro dito. "Master nakahanda na po lahat." ani Jeric.

"Papa.. anong sinaabi niya?" tanong ni Elisse na tilay wala siyang alam sa plano ng kanyang ama.

"Kailangan namin ni Elma protektahan ang mga lugar na maaaring puntahan ng masamang witch at kailangan namin siguraduhin na hindi siya makakapasok sa mga lugar na ito." Paliwanag ni Master Tokiro. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa harap ng templo kung saan gagawin ang pagpapatupad sa spell para sa pinakamatibay na shield na kahit ang pinakamakapangyarihan ay hindi maaaring makapasok sa pader na gawa sa kakaiba at invisible na enerhiya.

***

Nung nakabalik na si Elma sa kanyang lumang tahanan ay ito agad ang kanyang inatupag at pinatupad. Sa paglabas ng liwanag sa kanyang kamay ay sabay ding lumabas ang staff ng isang pinakamakapangyarihan na Elder sa lahat. Ang staff na ito ay simbolo ng kanyang kapangyarihan na ginagamit lamang niya kung sadyang kinakailangan.

Binuhat niya ito pataas at biglang hinampas sa lupa at nagkaroon ng kakaibang pagsabog na talagang ikinagulat nina Fenech at Aizan na nasa loob ng bahay at pati na rin ng mga Elves na mukhang kakarating lang din. Sa China ay ganito rin ang ginawa ni Master Tokiro gamit din ang kanyang makapangyarihang staff.

Nagtaka si Elma kung bakit nagdala si Josh ng mga sundalo at mandirigma na parang pupunta sila sa isang digmaan.

"Josh.. Bakit ka may kasamang batalyon?" tanong ni Elma.

"Dahil ito po ang hiling ng Master Wizard.. pagkatapos makita ng guardian ang muling pagkabuhay ng masamang witch na si Rowena." Paliwanag ni Josh.

"Isang guardian.. na may vision?" ang pagtataka ni Elma dahil ang pagkaka alam niya tungkol sa mga guardians ay wala silang kapangyarihan na makakita ang hinaharap.

"Opo, nakita po niya ito pagkatapos niyang hawakan ang pulang libro ng pitong mundo?" Pagkatapos sabihin ni Josh ang tungkol dito ay hindi na nagsalita si Elma at dumiretso sa kanyang tahanan at naabutan niya dito sina Aizan at Fenech.

"Sino kayo?" tanong ni Elma sa dalawa na parang naging statua nung makita siya.

"Ahm ako po si Aizan, isa po akong Jin, at siya naman si Fenech na isang extra ordinaryo din po.. ahm mga kaibigan po kame ni Master Wizard." Sabi ni Aizan.

"Nasaan siya?" tanong ni Elma.

"Ang pagakakaalam ko po ay sumugod po sila sa palasyo ni Virgo kung saan ginagawa ang orasyon para sa muling pagkabuhay ng Reyna., alam niyo bang galing din ako don at don ko niligtas si Fenech, dahil kinulong siya ni Virgo at sabi sakin nito nasa kanya daw ang huling sangkap na kailangan para sa gagawing orasyon ang balahibo ng huling Nephilim, Ang Nephilim daw po sabi niya ay isang.." ang nakangiti at walang hintong pananalita ni Aizan pero parang kusa na lang itong huminto nung nagsalita na si Elma.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon