Ngayon ay gumaan na ang kalooban ni Nikko dahil nalaman nito na buhay nga ang kapatid nito. Gusto niyang hanapin agad ito pero inisip din niya ang kanyang boss Ferdinand na hindi niya pwedeng iwan na lang ito. Nagdisisyon siyang ituloy muna ang pakikipaglaban kasama sina Markus at Yassi.
Nung nakaalis na sila sa dungeon biglang napansin nila ang hallway na kanilang dinadaanan na parang wala na silang nakakasalubong na troops ngayon. At ang lugar ay parang nakapagtatakang naging tahimik at wala na silang naririnig na kahit na isang pagsabog.
"Wait guys.. i have an idea, what if we destroy first ang mga walang malay na troops sa kanilang mga respective cells? At least para mabawasan ang kalaban ng boss mo o natin." ang suggestion ni Yassi na sumang ayon naman ang dalawa.
Nung nasa loob na sila ng isa sa mga natitirang cells na may mga walang malay na troops ay gumawa si Nikko na parang isang shield para kina Yassi at Markus para maprotektahan ang mga ito sa gagawin niyang matinding pagsabog. Ilang saglit pa ay sumabog ang buong cell sa nilikhang bomba ni Nikko at parang nagkaroon ng lindol ang buong palasyo.
Naramdaman din ng mga bagong dating na sina Elma ang matinding pagsabog na ito lalo na ng kapatid ni Nikko na si Fenech na mukhang kabisado ang taglay na kapangyarihan ng kanyang kapatid.
"Kuya Nikko.. andito po ang kapatid ko.." sabi ni Fenech at bigla itong lumipad na parang bigla na lang nawala at walang nagawa si Aizan at hinayaan na lang muna ito.
Sa tindi ng pagsabog ay nabalutan ang buong lugar ng usok na halos wala na silang makita at hanggang sa unti unti itong nawala at naging malinaw na ang lugar.
"Markus,Yassi.. okay lang kayo?" tanong ni Nikko pero wala itong narinig na sagot dahil natulala pala ang dalawa nung biglang nagsulpot ang isang babae na may pakpak ng isang anghel.
Lumingon si Nikko at hindi niya inaasahan ang kanyang nakita.
"Kuya.." sabi ni Fenech at agad itong tumakbo at niyakap ang kanyang sobrang namimiss na kapatid. Halos maluha naman si Nikko dahil sa sobrang tagal na panahon ang kanilang pagkawalay ay hindi niya inaasahan na magkikita pa rin sila muli.
Pinakilala ni Nikko ang kanyang kapatid kina Markus at Yassi. Kinuwento naman ni Fenech ang ginawang pagligtas sa kanya ng kanyang kaibigan na Jin na si Aizan.
Dinala ni Fenech ang tatlo sa may sala para ipakilala din sila sa isang mabuting Elder na si Elma. Nakita na naman muli ni Nikko ang parati niyang pinagagalitan at sinusuway na si Aizan pero ngayon ay nagpasalamat siya dito.
Ito rin ang unang pagkakataon ni Markus na makakita ng isang mabuting lahi, ang mga Elves. Halos hindi naman matanggal ang mga mata ni Josh, ang leader ng mga Elves nung nakita nito si Yassi na tilay namangha sa kagandahan ng isang Seer Hunter.
Agad nalaman ni Elma ang kakayahan ni Yassi sa unang pagkita pa lang niya dito. Kaya tinanong niya agad ito para malabas nito ang totoo nitong kapangyarihan.
"Yassi ipakita mo sa akin ang mangyayari sa mga susunod na panahon at kung dapat bang matuloy ito." ani Elma at lumapit si Yassi sabay hawak sa kamay ng Elder.
Pinakita ni Yassi kung saan dinala ang mga nakakulong na mga kakampi din nila na sina Master Wizard, Vivoree at JC at ganoon din sa iba pa. Hindi nakita ni Elma kung saan napunta ang biglang nawala na si Rowena at ang anak nito na si Virgo.
Sa vision ng Seer Hunter ay nakita nito ang magaganap na matinding digmaan sa mundo ng mga tao. Marami ang mawawalan ng buhay pero sa kabila nito ay may nakita pa rin siyang pag-asa na maaaring mahinto ang digmaan na ito. Nakita rin ni Elma sa vision na ito ang kanyang apo na si Mackoy na kasama sa mga lumalaban para puksain ang maitim na kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...