The Good Ones

73 5 1
                                    

***Josh

Noon pa man ay naging kakampi na si Josh at ang mga kalahi niyang mga Elves sa kabutihan, hindi ito ang unang beses na nagbuwis siya ng buhay para sa mga tao at para sa kanya gagawin niya ito muli dahil alam niya na ito ang nararapat para makamit ang kapayapaan.

Tinaguriang bilang mandirigma ang mga angkan ni Elivio ng Spirit World, isang immortal na kumakampi sa kabutihan at wala ring ibang hangad kundi ang mabuhay ng tahimik at payapa.

Nung inatake ng mga Fallens ang Spirit World ay kasama sila sa mga naging bihag ng mga ito. Hanggang sa nalaman nila na sila pala ang magiging pagkain ng mga ito. Ang mga Fallens ay dating mga anghel na itinakwil ng langit dahil sa kanilang masamang budhi at hangarin. Isang Celestial being na kumakain ng espiritu para panatilihin ang buhay sa lupang binagsakan.

Nagpapasalamat si Josh at ang kanyang mga kasamahan sa isang extra ordinaryong Prinsipe na ginamit ni Elma para iligtas sila mula sa mga Fallens. Sa kasalukuyan ay nananatili muna ang paubos na lahi ng mga Elvens sa lupain ni Elma kung saan ligtas ang mga bata at ang mga hindi mandirigmang Elvens.

Kaya gagawin ni Josh ang lahat para ipakita kay Elma na hindi ito nagkamali sa pag iligtas ng buhay niya at ng kanyang pamilya.

Kakaibang pana na hindi nauubusan ng arrow ang bitbit ni Josh habang nakasakay sa isang Frost, isang espiritung hayop na kahawig sa leon pero may pakpak ito at nakakalipad.

Gamit din ang mental ability ni Josh ay kaya niyang kontrolin ang tinira niyang arrow. Lumiliko lumalaki, dumadami at minsan nag iiba ng hugis at ang nakakamangha pa ay sumasabog ang kakaibang arrow na ito.

Alam ni Josh na pakonti ng pakonti na lang ang kanilang kalaban kaya mas lalo itong nagiging pursigido na tapusin na ito. Alam ni Josh na hindi siya nag iisang sa pakikipaglaban kaya positibo siya na makakamit niya at ang kasama niya mga Elvens ang tagumpay.

***Aizan and Fenech

Hindi akalain ni Aizan na mula sa kanyang pagiging ordinaryong tao ay isa na siya ngayong Jin. Sa ngayon ay wala pa siya masyadong naalala kung saan siya nanggaling at kung sino ang totoo niyang mga magulang dahil mas naalala niya ang pagiging isang tao kaysa sa pagiging isang Jin.

Bukod sa sa pagpapatupad ng mga kahilingan hindi alam ni Aizan kung paano siya naging experto sa paggamit ng latigo. Sa kanyang isipan siguro kasama ito sa mga hindi niya maalalang nakaraan niya bilang isang Jin.

Kasama si Fenech isa si rin sila sa mga pursigidong iligtas ang bansa mula sa mga kampon ng kadiliman. Ang latigo ni Aizan ay kayang taliin at hamapasin ang isang higanteng halimaw na hindi man lang ginagamitan ng pwersa na parang may sarili itong lakas na ikinagugulat na lang ni Aizan.

"Ang galing mo ah.. " ang paghanga ni Fenech.

"Aba siyempre.. baka nakakalimutan mo Jin ang magtatangol sa yo." ang pag yabang naman ni Aizan na nagpangiti rin sa isang Nephilim na si Fenech.

Hindi nakakalipad si Aizan pero dahil isang Nephilim si Fenech ay mayroon siyang pakpak tulad ng isang anghel. Pinakawalan nito ang kanyang napakagandang pakpak at agad binuhat si Aizan at pinasakay sa kanyang likuran.

Kung dati ay punong puno ng takot ang nararamdaman ni Fenech, ngayon naman ay kabaliktaran ang kanyang mga pinapakita. Hindi niya ito mapaliwanag pero nung nakita niya muli ang kanyang kapatid na si Nikko at ang kanyang matalik niyang kaibigan na si Aizan ay bigla ito nagkaroon ng tapang sa kanyang malambot na puso.

Walang takot na hinarap ni Fenech kasama si Aizan ang mga halimaw at walang takot niyang pinakita ang tunay niyang pagkatao sa harap ng karamihan. Dahil sa kakaibang latigo ni Aizan at tapang na dala ni Fenech ay madali nilang napapatay isa isa ang mga higanteng halimaw.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon