My Father's Heart

177 6 0
                                    

Si Draco ay hindi lamang isang makapngyarihang Vampira dahil bukod sa matalino ito ay marunong din itong makisalamuha sa mga tao kaya hindi nahahalata ang kanyang tunay na pagkatao. Wala siyang intension na mamuno o angkinin ang mundo ng mga tao ang tanging gusto lang nito ay ang mabuhay ng normal at payapa.

Pero nagbago ang lahat nung may nakakita sa kanya na umiinom ng dugo at dito nag umpisa na kailangan na niyang lumaban at protektahan ang kanyang sarili at kahit hindi niya gusto maraming inosente ang nadadamay. Sa kanyang paglalakbay sa ibat ibang bahagi ng mundo ay may nakilala siyang mga kagaya at ka-uri niya na Vampira din na tinuri siyang pamilya.

Nagsimula magbago ang kanyang kultura at paniniwala sa buhay, wala siyang magagawa kundi sundin ang mga batas at alituntunin ng mga Vampira lalo na nung nagpakasal siya sa anak ng hari. Marami rin siyang napatunayan sa hari pagdating sa pakikipaglaban at lalo na nung nakita ng hari ang kanyang kakaibang kapangyarihan.

Nagkaroon ng tatlong anak si Draco sa kanyang asawa na anak ng hari na si Baleria at dahil sa ikinatuwa ito ng hari ay nagdesisyon ito na ipasa na kay Draco ang kanyang kapangyarihan bilang isang hari at ngayon ay nagpapahinga na ito sa isang nakatago at sagradong tomb. Si Draco na ngayon ang namumuno sa kanilang lahi sa buong mundo at makikita ang napakalaki at napakalawak na mansyon ng mga Royal Vampires sa France at hindi bastang basta makikita ng isang ordinaryong tao.

Si Vincent ang panganay na anak ni Draco na kasalukuyan ay nasa America ngayon at nagpaparami ng kanilang lahi. Ang pinakamatapang at walang kaluluwa na handang patayin ang kahit na sino panatilihin lamang ang kanyang paniniwala at pamumuno. Sunod naman si Amara, ang babaeng tuso at walang paki alam basta makuha lang ang kahit na ano na pwedeng magpasaya sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa London at mukhang nagkaroon ito ng interest sa pag aaral sa ibat ibang uri ng majika. Ang huling anak ni Draco, ang kanyang bunso na si Gasparre, sa lahat ng kanyang anak kay Gasparre niya nakita ang klase ng karakter na mayroon siya at umaasa siya na si Gasparre ang magpapatuloy sa mga gusto niyang gawin na hindi niya nagawa noon.

Sa tree house biglang nagising si Marco ng wala sa oras, bumaba siya mula sa mataas na puno at agad niya hinanap ang kanyang ama at nagulat siya nung nakita niya ito. "Ama?" sabi ni Marco nung Makita niya ang kanyang ama na sumisipsip ng dugo ng usa. Lumaki ang pulang mata ni Gasparre nung marinig niya ang boses ni Marco na nasa kanyang likuran. Binitawan ni Gasparre ang usa at tumayo ito at bumalik sa normal na kulay ang mga mata nito.

"Marco." Kahit matapang at makapangyarihan si Gasparre ay nakaramdam pa rin siya ng nerbyos dahil ayaw niya mag iba ang tingin sa kanya ng kanyang anak.

"Wala kasi akong ganang matulog eh pwede bang ituloy na lang natin ang nahinto nating pagsasanay?" sabi ni Marco na parang binalewala ang kanyang mga nakita. Natuwa naman si Gasparre dahil naramdaman nito na tanggap siya ni Marco kahit alam niya na hindi normal ang kanyang mga nakita.

Sa kanilang pagpapatuloy napansin ni Gasparre na hindi isang daang porsyento ang namanang kapangyarihan ni Marco mula sa kanya dahil magkaiba ang kanilang ginagamit na elemento. Pareho silang may kakayahan sa pagteleport pero magkaiba ang kanilang istilo. Si Gasparre at nawawala sa gitna ng anino samantala si Marco naman ay parang pumuutok na usok at nawawala. Nakokontrol ni Gasparre ang kahit na anong bagay sa kanyang paligid kagaya ng kaya niyang patigasin ang malambot na dahon at gawing kasing tigas ng isang metal.

Ang pinakanamangha si Marco ay nung pinakita ni Gasparre ang kakaibang klase ng kapangyarihan na hindi niya makuha kuha at kahit man lang maunawaan kung paano ito tinupad. Parang kakaibang klase ng likido na may maitim na kulay na bigla na lang sumulpot sa may paanan ng kanyang ama. Umusbong ito at hinabol siya na parang ahas na may napakatulis na dulo. Wala siyang ibang ginawa kundi ang iwasan ito at hanggang sa napagod siya.

Hindi pa rin tumitigil si Gasparre sa pagkontrol sa kanyang kapangyarihan hanggang sa nakaapak si Marco sa bulok na sanga ng puno na nahulog ito. Sa kanyang paghulog ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para umilag sa maitim na parang napakalaking tinik kaya sa di malamang dahilan ay ginamit niya ang kanyang kanang kamay bilang panangga.

Nagulat na lang si Gasparre nung nawasak ang kanyang maitim na elemento at agad siyang lumapit kay Marco at wala siyang nakita kaya ginamit ni Gasparreang kanyang pulang mata at tulad ng kanyang inaasahan ay taglay din ni Marco ang isa sa kapangyarihan ng kanyang ina na si Josephine. Ang Earthal Force, isang uri ng kapangyarihan na hindi nakikita ng ordinaryong mata ng kalaban pero kasing solido ng isang totoo at pinakamatibay na metal.

"Ngayon alam mo na ang kapangyarihan mo, sa tingin ko oras na para gamitin yan sa tunay na labanan." Alam ni Gasparre na naghahasik na ng lagim ang kanyang pinsan sa china at alam niya na kailangan makita ni Marco ang mga karahasan na dulot ng mga gutom na Vampira sa mga inosenteng tao. Dahil tulad niya ramdam ni Gasparre na nasa dugo rin ni Marco ang pagiging isang mabuti na nilalang.

_____________________________________________________________

Starring

Marco Gallo bilang si Marco

Also Starring

Albert Martinez bilang si Gasparre

Ben Medina bilang si Draco

Gabby Concepcion bilang si Vincent

Solen Heusaff bilang si Amara

Ruffa Guttierez bilang si Josephine

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon