Sa wakas ay nakaharap na rin ni Mackoy ang leader ng mga kakaibang vampira na naghahasik ng lagim sa isang lungsod sa China. Dahil sa nangyari kay Elisse ay hindi na masukat ang galit ni Mackoy sa nilalang na ito. Hindi na niya inisip kung ano ang maaaring taglay na kapangyarihan ng nilalang na ito at ng dahil sa galit ay parang nakalimutan na niya ang mga tinuro sa kanya ni Master Tokiro ang mga rules o ang mga dapat isaisip bago makipag laban.
Hindi pa alam ni Matias kung anong klaseng nilalang si Mackoy kaya matiaga niya itong sinusuri dahil sa kanyang mga naobserbahan bago ito humantong sa kanyang harapan ay nakitaan niya ito ng kakaiba at pambihirang lakas. Kaya sinimulan ito ni Matias sa pamamagitan ng mga tanong pero parang nagsasayang lang siya ng laway dahil ni isa sa kanyang mga tanong ay hindi man lang pinansin ni Mackoy.
Nung nagkaroon na si Mackoy ng pagkakataon para sugurin si Matias ay hindi na ito nag aksaya pa ng oras at agad nakipaglaban.
Hangin ang nagpapalakas sa kakaibang enerhiyang taglay ni Mackoy ngunit dahil mas sanay na sa pakikipaglaban si Matias ay agad niya naiiwasan ang mga sugod nito. Dahil dito nalaman agad ni Matias na baguhan ito sa pakikipaglaban at ito ang naging kahinaan ni Mackoy.
Pero kahit papaano ay aminado pa rin si Matias na may kakaibang lakas na hindi basta basta sa isang extra ordinaryo ang dala at pinapakita ni Mackoy. Kaya hindi ito naging compyansa agad sa kanyang mga planong pag atake.
Una ay ginamit ni Matias ang kanyang pambihirang galing sa pag likha ng mga ilusyon gamit ang takot na nasa utak ng kanyang mga nakakalaban. Takot si Mackoy sa mga gumagapang na hayop tulad ng mga uod o di kaya mga centipete at lalong lalo na sa ahas. Kaya ito agad ang pinalabas ni Matias. Nagpanik si Mackoy kaya nawala siya ng focus sa laban na ito at lalong nawala na ang kanyang mga diskarte at dumating sa punto na hindi na niya alam kung ano ang dapat na gawin.
Pangalawa sa pinakitang kapangyarihan ni Matias ay ang pagkontrol sa mga bagay na nasa kanyang paligid. Isang istilo sa pakikipaglaban na natutunan pa niya sa mga benders, kayang palitan ang natural na elemento sa tunay nitong kalagayan. Tulad ng mga simento metal at kahoy na ginawang parang tubig ni Matias para mahuli si Mackoy at nahuli nga niya ito.
Isang napakalupit na parusa ang nakaharap ni Mackoy sa mga oras na iyon, ni hindi man lang siya makaganti dahil hindi rin siya makagalaw dahil sa metal at simento na bumabalot sa kanyang kamay at paa at nakadikit na rin ang kanyang likuran sa pader. Dumating ang oras na hindi na matiis ni Matias ang pagiging tahimik ni Mackoy at papatayin na niya ito pero dumating ang isang nilalang na hindi niya inaasahan sa mga oras na iyon at niligtas nito si Mackoy.
Ang isang nilalang na nakalaban na niya dati ang nilalang na lubos din ang galit sa kanya at ito ay walang iba kundi ang natitirang lahi mula sa angkan na kanyang pinaslang at parang hindi na niya ito maalala. Pero nung nagsalita si Sarmiento tungkol dito at nung inisa isa niya ang mga pangalan at lugar kung sino at kung saan niya ito pinatay ay muling bumalik sa kanyang alaala ang binatang iniwan niya ng buhay at ngayon ay bumabalik tulad ng pinangako nito sa kanya dati.
Dumating rin sina Jeric at Jerome at inutusan sila ni Sarmiento na iuwi ang sugatan na si Mackoy at ginawa naman ito ng dalawa at iniwan na si Sarmiento at pinaubaya na sa kanya ang malupit at masamang nilalang na si Matias.
Hindi na nila pinanood ang pakikipaglaban ng isang extra ordinaryong vampira na si Matias at ang isang extra ordinaryong Werewolf na si Sarmiento. Nung nakalabas na ang tatlo mula sa wasak na pader ay parang agad nagkaroon ng lindol at walang tigil na pagsabog ng mga kapangyarihan dahil agad naglaban ang dalawang lahi na sadyang mortal na magkaaway.
Gamit ang wand ni Jerome ay nagpatupad ito ng traveling spell para madala nila agad sa templo itong si Mackoy na kahit wala ng malay ay pangalan pa rin ni Elisse ang binabanggit. Agad naman siya ginamot ni Master Tokiro nung lumitaw ito sa may altar kung saan naabutan pa nila si Master Tokiro na parang nagdadasal.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...