The Vision

137 9 0
                                    

Sa tulong ni Evita ay nakabalik na muli si Markus sa underground fight dahil sa naging interesado ito sa pagkatao ng bago niya kakilala na si Heaven. Pinagpatuloy niya ang pakikipaglaban hanggang sa makarating siya sa dulo o sa huling pintuan.

Nung nakarating siya sa brotherhood palace ay agad siya nagsimula sa pagmanman baka sakali makita niya si Heaven na alam niya nagpapanggap ito bilang si Edward.

Sa pagpasok ni Markus sa isang eleganteng kwarto ang unang sumalubong sa kanyang mata ay ang malaking chandelier. Habang tinitingnan niya ang handrails ay alam niya agad na may hagdanan sa dulo nito. Bumaba si Markus at nakita niya na may mga fighters din na kagaya niya sa ibaba ng malawak na sala o parang gallery.

Umupo si Markus sa isang black na sofa sa gilid at medyo may distansya sa babaeng nauna nang nakaupo dito sa kabilang gilid din ng sofa na nagbabasa ng magazine.

"Labing dalawa na tayo., siguro ikaw na ang huli." ang sabi ng babae pero at narinig ito ni Markus pero hindi niya alam kung siya ang kinakausap nito kaya hindi niya ito binigyan ng pansin.

Pagkatapos ng ilang saglit ay nagsalita na naman muli ang babae. "Sa tingin ko wala dito yung hinahanap mo, pero makikita mo rin siya, Yon ay kung magtatagumpay ka sa gagawin nilang pagsubok mamaya."

"Ako ba ang kausap mo?" tanong ni Markus sa babae na parang nagbabasa pa rin ng magazaine.

"May nakikita ka bang ibang tao sa paligid ko?" ang mataray na pagsagot ng babaeng inoobserbahan din si Markus. Sa malaking sala na iyon na parang painting gallery ay halos walang magkadikit na fighters na parang hindi nila pinagkakatiwalaan ang isat isa at kung meron man na konti lang ang distansya ay sina Markus at ang babaeng si Yassi lang ang nakaupo sa iisang sofa.

"At kung meron man ako hinahanap, wala ka na don at tigilan mo na ang pagbasa sa isip ko di mo na kailangan patunayan na isa kang Psychic." ang palaban na sabi ni Markus sa babaeng hindi niya pinagkakatiwalaan.

"Paano kung sabihin ko sayo na alam ko kung saan nila dinala si Heaven." sabi ng babae na mukhang nahuli niya ang weakness ni Markus. Tumingin sa kanya si Markus at parang may gusto itong itanong at klaruhin pero parang binalik ng babae ang inasta niya kanina. "At kung may alam man ako, wala ka na don." ganti naman ng babae at parang nagsisi naman ng konti si Markus sa kanyang mga sinabi.

Umalis ang babae sa kanyang inuupuang sofa at tumungo sa mga nakadisplay na paintings.

"Wrong move.." ani Markus sa kanyang sarili.

***

Sa Germany ay mayroong ding palasyo na pinagmamayari ni Virgo at kasalukuyang pinapatakbo ni Mr Kevin Kenritz ang brotherhood org. Germany Chapter. Ang hindi alam ni Virgo ay unti unti nang kinukuha ni Kevin ang tiwala ng mga extra ordinaryong recruits.

Ang mga recruits na ito ay ang mga nakapasa sa underground fights na hindi lang nagaganap sa pilipinas kundi pati na rin sa australia, italy, canada, japan at germany. Hindi naman makapasok si Virgo sa amerika dahil hawak na nito ni Vincent at kahit ang africa dahil na rin sa mga desert witch at ang iba pang mga bansang hindi pa niya kayang kalabanin.

Sa ngayon alam ni Kevin na masyadong abala si Virgo sa muling pagkabuhay ng ina nito at alam din niya na kapag nagtagumpay ito ay mahihirapan na siyang talunin si Virgo.

Habang tinitingnan ni Kevin ang mga bagong recruits at ang mga naimbento niyang soldier chips na nasa batok ng mga extra ordinayo ay biglang sumulpot sa kanyang likuran si Nikko at agad niya itong tinira ng magical spell at naging sing tigas ng metal ang buong katawan ni Nikko.

Gamit ang wand ni Kevin ay pinalakas niya ang tibok ng puso ni Nikko, si Kevin ang nag iisang witch na marunong magbasa ng konsensya at sa pamamagitan ng pagtibok ng puso ay nalalaman niya ang intensyon ng bawat nilalang. Nung nalaman ni Kevin ang mabuting intensyon ni Nikko ay binalik niya ito sa dati at laking gulat gulat ni Nikko dahil hindi niya akalain na ganoon kalakas ang kapangyarihan ni Kevin.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon