Sacred Treasure

193 8 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap?" tanong ni Maymay sa lalaki na sobrang tagal na niyang hindi nakikita at sobrang naalala pa rin niya ito.

"Magic." Sabi ni Edward na parang lahat ng isasagot niya kay maymay ay may kasamang ngiti, hindi niya maintindihan kung sobrang na miss niya ang babaeng isang beses lang niya nakita sa buong buhay niya.

"Ahm hindi ka pwede dito, its dangerous." Sabi ni Maymay at agad siyang umalis sa harapan ni Edward na halos idikit na ni Edward ang mukha nito sa mukha niya. Pero namangha si Maymay na marunong pala si Edward sa panggaggamot.

"Well, The more you need me maymay." Ang pagbanggit ni Edward sa pangalan niya ay tilay isang napakagandang melody na naiiwan sa pandinig ni Maymay kaya tuwing magsalita si Edward ay parang napipikit siya at natataranta at nakakalimutan ang mga dapat niyang sabihin. Naalala ni Maymay na hindi pala ito purong Filipino kaya sinubukan niya mag ingles.

"Ahm, there is a dangerous ahm matter is going on today,ahm as important agency, ahm emergency, skrengge and all that.." habang nagsasalita si Maymay ay parang pinipilit ni Edward na maintindihan ito at parang binabasa niya rin ang mga ginagawa at galaw ng mga kamay ni Maymay na parang nagsasalita rin, pero nakukunot na ang noo ni Edward at mas naguguluhan na ito kaya hinawakan niya ang mga kamay ni Maymay para matigil na ang paghihirap nito sa ingles.

"You can speak in tagalog maymay, I can understand, pangako." Sabi ni Edward na talaga naman nakakaintindi siya pero nahihirapan pa rin siya magsalita dahil kahit alam niya ang salita ay hindi niya ito makuhang bigkasin ng tama.

"Edward, kapag kailangan ko ang tulong mo, tatawagan kita marunong ako ng summoning spell. Kayalang ngayon may pag uusapan kami ng tita ko na hindi mo pwedeng marinig." Sabi ni Maymay at naintindihan naman agad ito ni Edward.

"When you do summoning spell, you will need something from me right?" sabi ni Edward at sumang ayon naman si maymay dito dahil isa ito sa pinaka kailangan sa spell. Inikot ni Edward ang kanyang isang kamay sa hangin at sinara niya ito at nung binuksan niya muli ang kanyang kamay nakita ni Maymay ang heart loket na necklace. "Here, I want you to have this, my mom gave that to me." At kinuha ni Edward ang kamay ni Maymay at nilagay niya ang necklace at sabay niya isinara ang malamig na kamay ni Maymay.

"No, Edward, kahit ano lang, kahit hindi ganon ka importante sayo." Na parang gusto niya isauli muli ang necklace na iyon. Sa sandaling iyon ay narinig ni Maymay ang boses ng kanyang tita Jckie na parang hinahanap na siya at parang ntaranta na naman siya.

"Teka," tinanggal din ni maymay ang kanyang bracelate na gawa sa malambot na bato na may pinaghalong kulay na ginto at silver at wala ito sa mundo ng mga tao. "Galing din yan sa mama ko, ingatan mo yan ha, that's important to me." Sabi ni Maymay na parang mismong sarili niya ay hindi siya makapaniwala na ganoon na lang ang pagtitiwala niya kay Edward.

"Wow, I don't know what to say.,ahm Maymay., there is something I wanted to ask you..." hindi pa tapos magsalita si Edward ay bigla itong nawala at hindi niya inaasahan na isasummon siya ni Heaven sa mga oras na iyon.

"Yes." Reaksyon ni Maymay nung nawala na lang sa kanyang harapan si Edward.

"Hay naku bata ka, kanina pa kita tinatawag." Sabi ni Jackie na may konting inis ang mukha. Nakita ni Jackieang bakas ng isang witch sa pader na parang ginamitan ito ng hindi ordinaryong kapangyarihan. "Ikaw ang gumawa nito?" ang pagtataka ni Jackie.

"Ah tita sino bang mga witch na yan bat nila tayo gustong patayin?" hindi sinagot ni Maymay ang tanong ng kanyang tita kaya ang ginawa niya dumiretso siya sa mas importanteng bagay na dapat nilang pag usapan at dapat niyang malaman.

"Makinig ka sa akin." Hindi pa tapos magsalita si Jackie ay may naramdaman silang yugyog o parang earthquake at nagsihulog ang mga figurines at mga iba pang gamit sa bahay. Agad pumunta si Jackie sa maliit na vent o bintana at sumilip sa labas ng bahay at tama ang kanyang hinala na may pupunta at sisiraan ang shield na ginawa niya para lang makuha nila ang matagal na nilang hinahanap. Pumunta si Jackie sa kwarto at kinuha niya ang brief case sa ilalim ng kama at agad niyang binuksan ito. "Pumasok ka diyan, hanapin mo ang kaibigan mo at kapag nahanap mo na siya, gumawa ka ng summoning spell at tawagan mo ako. Sige na." Sabi ni Jackie at ginawa naman ito ni Maymay at pagkatapos noon sinara ni Jackie ang briefcase at binitbit niya ito sabay tapon sa traveling potion at bigla din siya nawala.

Nung nakapasok na si Dyno kasama ang tatlo pang ibang witch ay hindi na nila naabutan sina Jackie at Maymay at dahil dito ay sobrang nagalit si Dyno at pinasabog niya ang buong apartment na parang isang napakalakas na bomba.

_________________________________________________________________________

Starring

Maymay Entrata bilang si Maymay

Edward Barber bilang si Edward

Heaven Peralejo bilang si Heaven

Also Starring

Arlene Muhlach bilang si Jackie

Josh Ivan Morales bilang si Dyno


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon