CHAPTER FIVE - YSA

8K 189 1
                                        


Nakatingin lang kami ni Bubwit sa babaeng nasa loob ng sasakyan, parang takot na takot siya at kung anong ginagawa sa cellphone niya na parang wala namang buhay.

"Baliw ata ang babaeng to Bubwit, madumi nga tayo peru hindi naman ata tayo sobrang nakakatakot, kung makareact naman wagas." Tumingala lang sakin ang bata na parang naguguluhan. "Tara na nga, hayaan natin siya baka matakot lalo." Nauna akong naglakad pabalik peru napansin kong hindi nakasunod sa akin si Bubwit. Paglingun ko nakatitig parin ito sa babae sa loob ng sasakyan na nakatingin din sa bata.

"Bubwit! Halika na!" Sigaw ko peru hindi ito nagpatinag kaya binalikan ko nalang siya. "Halika na, ilibot mo ako dun sa maraming tao."

"Peru kailangan niya ng tulong mo."

"Eh takot nga sa atin." Paano ko naman siya tutulungan eh takot nga.

"Akala siguro snatcher o holdaper tayo ate Kana." Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Baka nga dahil sa ayos namin eh akala niya pagnanakawan namin siya. Lumingon ako sa paligid at sakto pang wala masyadong tao dito sa kalyeng to.

"Oo nga no?" Nilapitan ko ang sasakyan at kinatok ang bintana. Peru parang mas lalo lang siyang natakot. Kumatok ako uli at sumenyas na hindi kami magnanakaw at wala kaming ano mang patalim. Bumukas ng napakaliit ang bintana, sakto lang para marinig niya ang sasabihin ko.

"Kailangan niyo po ng tulong?" agad kong tanong sa babae.

"No thanks, hihintayin ko nalang na may ibang dumaan." Tanggi niya.

"Baka po ang susunod na dadaan eh totoong magnanakaw na. Kayo din, nagmamagandang loob lang sana." Tinalikuran ko siya at hinawakan ang kamay ni Bubwit. "Tara na Bubwit, ayaw daw niya ng tulong natin."

Diretso kaming naglakad pabalik sa business city kung tawagin ni bubwit, peru hindi paman kami nakakalayo ay may tumawag na sa amin.

"Hey you two!" Kami ba tinatawag nun? Two daw eh dalawa kami, baka kami nga. Paglingun namin ay lumabas na pala siya ng sasakyan, tumakbo naman pabalik sa babae si Bubwit kaya sumunod nalang din ako. "Do you know something abour cars?"

"Eh walang galang na miss, easy lang sa english hah! Medyo hindi kami magaling diyan." Nakakahiya man peru mas mainam nang alam niya nang magkaintindihan kami.

"Oh sorry, marunong kaba mag-ayos ng sasakyan?" Medyo iba ang tono ng tagalog niya, parang hindi ata sanay mag tagalog.

"Hindi naman sa pagmamayabang peru nagtatrabaho po ako sa isa sa pinakamagaling na talyer sa skwaters area." medyo hindi naman siya kumbinsido sa sinabi ko peru tumango lang siya.

"So matutulungan mo ako sa sasakyan ko?" Sarap din pilosopohin ng babaeng to, ang ganda at sexy peru mukhang tanga. Alangan namang hindi ko siya matutulungan eh nagtatrabaho nga ako sa talyer.

"Titingnan ko po, ano po ba ang nangyari?" Itinuro niya ang hood ng sasakyan.

"Something was smoking there." tinaasan ko siya ng kilay, saka niya naalala ang sinabi ko kanina."May biglang umusok diyan kanina."

Binuksan ko ang hood at tiningnan ang mga parts doon, okay naman wala naman hindi nakakabit o nasunog.

"Mukhang nag over heat lang po ang kotse niyo." Sinara ko ang hood at hiningi ang susi niya na medyo nag alangan pa siyang ibigay, akala siguro niya itatakbo ko ang sasakyan niya tapos iiwan ko si Bubwit sa kanya, ang tanga lang diba?

Pumasok ako sa loob at inistart ang sasakyan at agad naman iyung umandar. Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang pag andar ng kotse niya, parang mabunutan ng tinik.

"Ayan na miss umaandar na, nag over heat lang talaga." Hindi ko inaasahan nang bigla nalang niya akong yakapin.

"Thank you so much, you're my angel." halos hindi ako makahinga sa yakap niya kaya nagsumikap akong makawala.

"Hindi po siya makahinga ate." Saad ni Bubwit sa babae, saka pa niya ako binitawan.

"Oh sorry, ako nga pala si Ysa." Inilahad niya ang kamay sa akin.

"Kana po." Nag-atubili akong makipagkamay sa kanya peru kusa niyang inabot ang kamay ko.

"Thank you so much Kana, you saved my day. Wait kukuha lang ako ng pera, babayaran kita." Papasok na sana ulit siya sa kotse peru agad ko siyang pinigilan.

"Wag na po, hindi na kailangan at wala naman talaga akong ginawa sa kotse niyo, nag over heat lang talaga."

"Hindi, i need to give you something kapalit ng kabutihan mo." Pagpipilit niya.

"Wag na po, hindi na kailangan." Hindi naman kasi lahat ng bagay nababayaran.

"Okay if you insist peru ganito nalang, ibibigay ko sayo ang number ko tapos if ever kailangan mo ng tulong tatawagan mo ako okay? Kahit anong problema tawagan mo ako." Tinanggap ko ang card niya saka siya umalis.

"Ang slow mo ate Kana, nanghingi ka sana ng jollibee para makakain tayo." Reklamo ni Bubwit.

"Ano kaba! Nakakahiya kaya! Tsaka kahit naman may pera tayo, sa suot ba naman natin eh hindi parin tayo papapasukin dun." Kasi nga madumi at aakalaing pulubi.

"Peru ang ganda nung babae ate no? Gusto ko siya maging girlfriend." Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya.

"Parang anak ka na nun bata ka, at sobrang yaman siguro nun kaya hindi yun bagay sa atin." Sinimangutan lang ako ni Bubwit.

"Wala namang mahirap at mayaman sa pag-ibig ateh eh." Reklamo niya.

"Naku, sa totoong pag-ibig siguro wala peru iba na ngayun bubwit. Mas mahalaga na ang estado mo sa mundo kaysa sa itinitibok ng puso mo."

"Basta paglaki ko gusto ko siya maging girlfriend."

"Paglaki mo, sigurado may mga apo na yun kaya habang bata kapa maghanap ka nalang ng ka edad mo." Mga bata talaga sa panahon ngayun.

Bumalik kami sa maraming tao at nag-ikot, lakad takbo ang ginawa namin ni Bubwit at ngayun lang ako nakaramdam ng saya buong buhay ko. Parang bumalik ako sa pagkabata habang hinahabol si Bubwit. Sana naging bata nalang ako ulit, walang iniisip na problema, hindi iniisip kung ano ang ipapasok sa tiyan kinabukasan.

Sana naging bata nalang ako uli.

The Billionaire's GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon