CHAPTER SIXTY-EIGHT - OH NO!

6K 117 3
                                        

Kana's POV

Matigas.

Bakit ang tigas?

Pinalitan ba nila tong unan ko at sobra naman ang tigas?

Bakal ba to?

Masakit sa leeg ha. Sino ba nagpalit nito at makakatikim talaga sa akin, sobrang sakit ng leeg ko at hindi ko ata kayang gumalaw. Kinapa ko kung ano tong pinampalit nila sa unan ko at matigas nga na mahaba, pinagpatuloy ang pag kapa hanggang sa may mabalahibo. Panginoong maykapal ano tong nahahawakan ng aking kamay, kung ano man to ay patawarin niyo ako at hindi ko talaga alam kung ano to at paano ito napunta dito sa higaan ko.

Gumalaw!

Gumagalaw ang mabalahibong bagay o hayop na nakakapa ko. May hangin, bumuga ng hangin, humihinga! Gusto ko mang ibugas ang mga mata ko ay tinatalo ako ng kaba at baka lion itong nasa tabi ko at kapag dumilat ako ay lalapain na ako o di kaya ahas at naghihintay nalang para tuklawin ako.

Ahas? Wala naman atang balahibo ang ahas diba? Tanga tanga naman Kana. Kailan pa nagkabalahibo ang ahas?

"Hmmmmm." hindi ito ahas dahil hindi umuungol ang ahas, hindi din lion dahil napaka hot na ungol naman yun kumpara sa ungol ng lion.

"Ouch!" nagsasalita! Hindi talaga to hayop dahil sa television lang may hayop na nagsasalita.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos lumuwa ang eyeballs ko nang makita ang nasa tabi ko. Nakangiwi dahil sa pagkakahawak ko sa kanyang panga na may mahabang balbas. Nakapikit ang kanyang mga mata, kaya pala matigas ang unan ko dahil braso niya ang ginawa kong unan, habang ang isa niyang braso ay nakayakap sa beywang ko.

"Masakit." pikit mata niyang saad, agad ko namang binitiwan ang pagkakahawak sa panga niya.

Hindi ako gumalaw at pinagmasdan ko lang siyang mabuti. Gwapu parin siya kahit pinabayaan na niyang humaba ang balbas niya, kung pwedeng ibenta ang eyebags ay malaki ang kikitain ko kapag ibinenta ko ang eyebags niya sa magkabilang mata. May lines na ang noo niya na DPWH lang ata ang pwedeng umayos para mawala. Medyo pumayat siya at kahit tulog siya ay halatang pagod ang kanyang mukha.

Nasaktan niya ako, nandito parin sa puso ko ang sugat na hindi pa naghihilum. Peru ito naman kasing si pag-ibig hindi perpekto at hinding hindi ito magiging perpekto,  kambal nga ata sila ni sakit at pagsubok kasi hindi sila naghihiwalay. Kapag umibig ka, asahan mong maraming pagsubok ang dadating para saktan ka, paiyakin ka, pasukuin ka at sukatin kung gaano mo ka mahal ang taong iniibig mo. Lucas and I failed sa pagsubok na ibinigay sa amin, sumuko siya, sinukuan ko siya dahil sa sakit na naramdaman ko.

Inuna niya ang negosyo kaysa sa akin, inuna ko ang mga kaibigan ko kaysa sa kanya. Pareho kaming nagkulang at ngayun ay pareho naman kaming walang lakas ng loob na harapin ang isa't-isa. Well hindi na ngayun dahil nandito na siya sa harap ko, sa tabi ko, yakap yakap ako at nilalanghap ang iisang hangin na nilalanghap ko din. Nagkalakas na siya ng loob na pumunta dito na nagpapa isip naman sa akin kung ano o sino ang nagtulak sa kanya para pumunta dito.

"What the hell is he doing here?" parang biglang may sumabog at bigla nalang nawala sa harap ko si Lucas.

"Aray." nasa sahig na siya at hindi ko alam kung paano siya napunto doon.

"What is he doing here Kana?" galit na saad ni Elliot.

"I don't know, I was asleep and when i woke up he's already here." saad ko.

"How dare you come here like you've done nothing to my sister!" susugod na sana si Elliot kay Lucas peru biglang bumukas ang pinto.

"Leo!" dumagundong ang boses ng Daddy ko sa buong kwarto.

Daddy ko. Hindi pa sanay masyado ang dila ko na banggitin ang daddy na word peru masasanay din ako. Nahirapan akong tanggapin sila noong una peru kahit anong tanggi ko ay magulang ko parin sila, dahil sa kanila nandito ako sa mundong to. Blessing narin siguro ang pagkawala ko dahil naging matibay ako at nakilala ko ang mga taong mahalaga para sa akin ngayun.

"What's this Kana?" ngayun lang ako natakot sa tingin palang buong buhay ko.

"Dad." tatlong letra, yan lang ang nakayanan ng isip at bibig ko na banggitin.

"Dad, let me explain." saad ni Elliot.

"Zip your mouth Leo and let your sister talk." ma awtoridad na saad ng daddy namin.

"If you'll excuse me sir. Let me explain everything." at nagkalakas din ng loob magsalita si Lucas.

"Oh yeah, you explain to me what's going on Lucas." saad ni Dad na dinaig pa ako sa pagtaas ng kilay kay Lucas.

"I came here to talk to your daughter, I messed everything up and I want to apologize to her. I want to make things right, I want to make things the  way it used to be." hindi siya umiyak, pinipilit niyang hindi magpakita ng emosyon peru kitang kita ko sa mga mata niya na seryoso siya, na lumalaban siya at na gusto niyang ayusin ang gulong nangyari sa pagitan naming dalawa.

"I am her father, i wasn't given the chance to protect her all her life. I wasn't given the chance to guide her, teach her, take good care of her and love her Lucas and now that I am here, I won't let anybody hurt her or even lay a finger on her." kung kanina sobrang galit ang dad ko, ngayun naman ay puno ng sakit, panghihinayang at determinasyon ang mukha niya.

"I am sorry sir, I am so sorry." nabigla ako nang lumuho si Lucas sa harap ng dad ko.

Si Lucas na sobrang tigas at sobrang taas ng tingin sa kanyang sarili ay nakaluho ngayun sa harap ng aking ama at humihingi ng tawad sa kanyang mga nagawa.

"That won't change anything Lucas. So stand up there, talk to my daughter and fix everything up before i kick you out of here." kung nabigla ako sa pagluhod ni Lucas ay mas nabigla ako sa ginawa ng Daddy ko.

Totoo ba to?

The Billionaire's GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon