Kana's POVPaika-ika akong naglalakad papasok sa building ng companya ni Lucas, kailangan ko siyang kausapin para tigilan na niya ang pananakot kay Brandon para lang hindi ako makalabas ng condo. Isang linggo na niya akong ikinukulong doon para daw gumaling ako kaagad at tinatakot niya si Brandon na kapag nakalabas daw ako ng condo ay may paglalagyan si Brandon. Akala siguro niya hindi ko narinig ang sinabi niya kanina.
Hindi na masyadong masakit ang paa ko peru hindi ko pa maiapak ng maayos. Nakakalakad naman na ako peru paika-ika at dahan dahan lang, pahirapan peru kakayanin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na ako sa elevator at agad kong pinindot ang floor ng opisina ng hudlom. Paglabas ko ng elevator ay kakalabas lang din ni Anna mula sa opisina ni Lucas at nanlaki ang mata niya nang makita ako.
"Oh my god Kana! What are you doing here?" saad niya habang agad akong sinalubong at tinulungan.
"Nandiyan ba si Lucas?" tipid kong tanong.
"Yes, kakatapos lang ng meeting namin at medyo mainit ang ulo." nang nasa harap na kami ng pinto ng opisina ni Lucas ay pinigilan ko na si Anna sa pagtulong sa akin.
"Kaya ko na to Anna, salamat ha. Kakausapin ko lang siya tapos babalik din ako agad sa condo." tumango lang siya at tumungo sa opisina niya di kalayuan ng kay Lucas.
Hindi na ako kumatok at dumiretso lang ako ng pasok. Ayun nakaupo ang hudlom habang may ginagawa sa laptop niya, nang mapansin siguro niya na hindi ako si Anna at paika-ika akong naglalakad palapit sa table niya saka siya nag angat ng tingin.
"What the hell are you doing here? I clearly told you to stay in your condo right?" tumayo siya agad at nilapitan ako para alalayang maka-upo.
"Yun nga kasi ang pinunta ko dito." akala ko babalik siya sa kinauupuan niya kanina peru hindi, habang nakaupo ako ay lumuhod naman siya sa harap ko. Kinuha ang injured kong paa at menasahe iyun. Naka tsinelas lang ako dahil hindi pa kayang magsuot ng sapatos.
"What about it?" saad niya habang nasa paa ko ang atensyon.
"Tigilan mo na ang pananakot mo kay Brandon at higit sa lahat wag mo kaming pigilang lumabas.
"Hindi ko ginagawa yun para pahirapan ka. I'm doing it para gumaling agad tong paa mo." hindi parin siya nakatingin sa akin at kunti nalang talaga ay tatadyakan ko na siya.
"Kahit naman lumabas kami ay gagaling larin yan." kontra ko sa kanya.
"Hindi nga kasi, if you won't put force on it mas madali siyang gagaling. Peru as usual matigas ang ulo mo, mas tatagal ka pang makukulong sa condo mo at maglalagay ako ng totoong security dun para hindi kana talaga makalabas." natadyakan ko na talaga siya peru mahina lang.
"Baliw ka ba? Ang OA OA mo na Lucas ah, para namang may butong nabali sa paa ko." inilayo ko ang paa ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata habang nakaluhod siya. Nakipagtitigan siya sa akin at papatalo ba ako? Ano akala niya!
"I am not doing this dahil OA ako Kana, i am not doing this dahil ayaw kitang makita o pinahihirapan kita. I am doing this for you at mahirap ba yun? You will just stay in your condo, manood ka ng gusto mong panoorin, magpahinga ka." Seryoso ang lolo niyo, pang best actor ang aktingan.
"Hindi naman sa mahirap. Okay lang sana kung dalawa o tatlong araw lang peru ano ba naman Lucas, isang linggo na akong nakatengga sa condo at nahihiya na ako sa mga na postponed na shoots ko." yun naman talaga eh, nahihiya na ako sa mga taong nagtitiis maghintay dahil ito kinukulong ako ng loko.
"They want you, they need to wait for you. Ganun ka dali yun kaya wag kang mahihiya, you will give them a lot of money sa isang picture lang kaya hayaan mo silang maghintay." beast mode na si Lolo niya, napatayo na siya at bumalik sa kinauupuan niya kanina.
"Yun nga eh, nahihiya ako sa kanila kasi nga baguhan palang ako tapos ganito na. Ayoko na isipin nila na nag-iinarte ako." walang lumabas na ekspresyon sa kanyang mukha at nakatingin lang sa akin.
"Hindi pag-iinarte ang nagpapagaling Kana, the whole Philippines know na nagka injury ka kaya alam nila na hindi ka nag-iinarte." ang OA.
"Whole Philippines agad? Pwedeng Maynila lang? Ang OA mo talaga kahit kailan." Inirapan ko lang siya at hindi na ako nagsalita pa dahil hindi naman ako talaga mananalo sa kanya.
Bumalik siya sa pagtipa sa laptop niya. Ipinatong ko ang injured kong paa sa table niya at saka pinicturan ang paa ko at ang busy na si Lucas sa background. Pinost ko yun sa IG na walang caption, bahala na sila kung ano ang isipin nila dun. Biglang tumunog ang cellphone ni Lucas na agad niyang tiningnan. Pagkatapos niyang tingnan ang phone niya ay sa akin naman bumaling ang tingin niya.
"Bored ka ba talaga at kahit paa mo ay pipicturan mo na?" Aba, so ibig sabihin may matatanggap siyang notification kapag nagpopost ako sa IG ko? Ang hirap talaga basahin ng lalaking to.
"Pupunta ba ako dito kung hindi ako nababagot sa condo?" Sagot ko sa kanya.
"Okay let's make a deal." bigla niyang saad.
"Ayan diyan ka magaling, sa mga deal deal mo na yan na ako lagi ang dehado." Akala siguro niya maloloko na naman niya ako at mapapapirma ng mga kontratang magsusubo sa akin kay satanas.
"Makinig ka kaya muna pwede?" galit na siya, activate na natin ang shield natin.
"O di makikinig."
"Hahayaan kitang pumunta sa mga shoots mo." parang musika iyun sa tenga ko kaya agad akong napangiti at tiningnan siya na parang batang sinabihang bibilhan ng paborito niyang laruan.
"Talaga?" paninigurado ko.
"Yes, peru kailangan kasama ako." Ayun lang, parang pelikula laging may twist.
"Paano kung ayokong kasama ka sa shoots?" tanong ko.
"O di papahatid na kita sa condo mo at mananatili ka dun hanggang sa gumaling ka." lord patawarin niyo ako kung sa utak ko tatlong beses ko nang pinatay ang lalaking to.
"Wala bang ibang option?" pagbabaka sakali ko.
"Wala." tipid niyang sagot.
Wala na din akong choice.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...