Kana's POV
Dapat nagtatatalon ako sa saya ngayun, dapat nagsisisigaw ako sa tuwa dahil pagkatapos ng dalawampu't tatlong taon ay nagkita din kami ng mga magulang ko at kapatid ko. Peru kabaliktaran ang nararamdaman ko, ayokong gumising, ayokong kumilos at ayokong magsalita. Ayaw tanggapin ng pusot isipan ko na nandito sila sa tabi ko, naguguluhan ang buong pagkatao ko kung sino nga ba talaga ako.
"Kana please talk to us, talk to mommy." umiiyak siya habang hinihimas himas ang buhok ko.
Mommy.
Mommy, mama, nanay, ina ang nag aaruga sa mga anak. Siya ang nagpapaligo ng pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang mga anak habang lumalaki. Siya yung tinatakbuhan lagi ng kanyang mga anak palagi. Siya yung hindi ko nakapiling habang lumalaki ako, siya yung hinahanap hanap ko habang lumalaki ako, siya yung gusto kong tawagin kapag malungkot ako, siya yung gusto kong magpatulog sa akin sa tuwing binabangungot ako. Siya, siya yung inang nagpabaya sa akin kaya nawala ako.
"I want to be alone." sa wakas ay lumabas din sa bibig ko ang mga salitang kanina ko pa gustong sabihin.
"No Kana, we are not leaving you here alone. You will never be alone again." saad ng lalaking sobrang buo at laki ng boses.
Ang tatay ko.
Ang tatay ko na wala noong mga panahong kailangan ko ng tagapagtanggol dahil tinutukso ako ng mga kapwa ko bata na anak araw dahil sa kulay ng buhok at balat ko. Ang tatay ko na wala noong kailangan ko ng hari na magpoprotekta sa kanyang prinsesa.
"Leave me alone." saad ko ulit habang nakahiga at nakatalikod sa kanilang lahat.
"We will stay Kana." boses ni Elliot.
"Leave now." matigas kong saad.
"We will stay Kana, we want to stay here with you." sagot ulit ni Elliot.
"Tama na please, tama na. Hindi na kakayanin ng isip at puso ko ang lahat, hindi ko matanggap ang lahat dahil kung gaano niyo ako kabilis na iniwan ay ano, ganun din kayo ka bilis babalik na parang wala lang ang dalawampu't tatlong taon?" hinarap ko na silang lahat at kahit hindi nila ako naiintindihan ay wala akong pakialam. "Hindi parang pelikula ang buhay ko na bigla nalang kayong darating tapos tanggap ko na kayo agad at masaya na tayo forever. Hindi ganun kadali ang lahat, masakit dito." itinuro ko ang dibdib ko kung saan naroon ang puso ko. "I've been longing for your care and love my whole life, but twenty-three years is long enough to forget that i was born because of you, twenty-three years is long enough to forget that i once had a family." nag uunahan na ang mga luha ko sa pagtulo sa pisngi ko at ayokong makita nila yun kaya bumalik ako sa pagkakahiga ay muli tinalikuran sila.
Walang nagsalita ni isa man sa kanila. Tanging mga iyak lang ang naririnig ko na mas nagpalala naman ng pag tulo ng mga luha ko. Sunod kong narinig ay mga yabag papalayo sa akin at ang huli ay ang pagsara ng pinto.
Nang masiguro kong wala nang tao talaga ay saka ako humagulhol ng iyak. Iyak na hindi ko pa nagawa simula nang bata pa ako, iyak na puno ng sakit at sama ng loob. Sobrang bigat sa pakiramdam, sobrang bigat sa dibdib at masakit sa utak ang nangyari, hindi ko inaasahan ang lahat, hindi ko naihanda ang sarili ko. Hindi ko naprotektahan ang sarili ko mula sa bugso ng sakit na hindi ko inaasahang dadating.
"Tama na, masakit makita kang ganito Kana." saad ni Brandon sabay yakap sa akin ng mahigpit, alam ko sa boses palang niya na umiiyak siya.
"Bakit ganito Brandon, parang may humihila sa akin papunta sa kalungkutan, ayoko na dun Brandon. Mababaliw na talaga ako kapag bumalik ako dun, ayoko na dun." para akong hinihigop, parang may naguutos sa akin na isara ko na naman ang mundo ko para hindi na masaktan ulit.
"Nandito lang ako, kausapin mo lang ako lagi, sabihin mo lahat ng nararamdaman mo at makikinig ako Kana. Hindi ka nag-iisa, hindi kita iiwan." ramdam ng balat ko ang mainit na luha na mula kay Brandon. Kung sobrang malas ko at nawalay ako sa aking pamilya, sobrang swerte ko naman at nakahanap ako ng totoong kaibigan.
"Masakit, hindi ko matanggap na nandito sila. Hindi ko matanggap na bigla nalang susulpot at magpapakilalang magulang ko at mas lalong hindi ko matanggap na inabot sila ng dalawampu't tatlong taon para mahanap ako." iyak ko habang nakakulong sa mga yakap ni Brandon.
"Malaki ang Pilipinas Kana kaya para silang naghahanap ng karayum sa talahiban." paliwanag ni Brandon.
"Paano kung iwan na naman nila ako Brandon?" iniwan nga nila ako noong sanggol palang ako at walang ka muwang muwang sa mundo, lalo na siguro ngayung kaya ko nang buhayin ang sarili ko.
"Alam kong hindi mangyayari yan Kana, hinanap ka nga nila diba so bakit ka pa nila iiwan ulit at nandito parin naman ako, yung mga kaibigan natin sa skwater na handang tumanggap sayo." Hindi ako iniwan ni Brandon at nakinig lang siya sa lahat ng mga pinagsasabi ko hanggang sa makatulog ako.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog peru nagising ako dahil sa mahihinang boses sa paligid. Maraming tao, ibat ibang boses ang naririnig ko at parang sobrang seryoso ng pinag-uusapan nila base sa tono ng kanilang pagsasalita. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at muli akong napapikit dahil sa liwanag ng ilaw.
"Gising na siya." boses ni Brandon.
"What the hell happened Kana, you made me so worried." tiningnan ko ang kinarorounan ng boses at si Ysa ang nakita ko katabi si Anna.
"I'm fine." nakangiwi kong saad dahil sa kirot ng sugat ko.
"No you're not, I'm sorry Kana. I'm so sorry for what happened, hinding hindi ko mapapatawad si Lucas for letting this happen." nangingilid ang luha na saad ni Ysa.
"Malayo sa bituka to hoy." biro ko peru wala ni isa ang tumawa.
"If only we knew na mangyayari to, we could've done something to stop it."malungkot na saad ni Anna.
"Walang may alam ng mangyayari sa hinaharap Anna at may rason ang lahat." saad ko.
"They aren't really meant for each other and what happened explains everything." saad ni Brandon.
"No, what happened is just a test that they almost passed but someone never made it happen." biglang saad ni Anna at saka kami napatingin sa kanya.
"What do you mean?" tanong ni Ysa.
"Someone sabotaged Lucas."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...