Kana's POV
Naranasan niyo na yung taeng tae kana peru ang layo pa ng bahay mo, yung pinagpapawisan ka na ng malamig pa sa ice water. Yung parang may humihigop sa lakas mo at ang gusto mo nalang gawin ay tumigil at tumae nalang sa gilid peru hindi pwede dahil maraming tao at nakakahiya. Yun ang nararamdaman ko ngayun, nandito paman kami sa bahay ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko, dinaig pa ang el niño. Dalawa lang kami ni Brandon dito peru parang kulang ang hangin na nalalanghap ko.
"Brandon hindi ako makahinga." tumingin siyang bigla sa akin at nanlaki ang mata.
"Ano gusto mo? Tubig? Hangin? Kape? Ahmm polboron? ano magsalita ka!" natataranta niyang saad habang palakad lakad sa harap ko.
"Seryoso ka ba? Hindi na ako makahinga pakakainin mo pa ako ng polboron?"
"Natataranta lang ang lola mo ano ka ba! Bakit ba kasi hindi ka makahinga?" tumabi siya sa akin at umupo sa papag.
"Nilalanghap mo lahat ng hangin dito sa bahay ko, hindi mo ako tinitirhan! Hindi ka na nahiya!" Binatukan niya ako ng pagkalakas lakas saka tumayo at pinameywangan ako sabay taas ng kilay.
"Hoy! ameri-kanang nasa Pilipinas, wag na wag mo akong pagbibintangan! Sadyang maliit lang talaga tong bahay mo kaya kunti lang ang hangin! At higit sa lahat hindi ganun kalaki ang ilong at baga ko para maubos ang hangin dito!" Nag ala ate Glo pa siya, baliw talaga.
"Brandon, kinakabahan ako." lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Wag kang kabahan, nasa likod mo lang ako. Saka ka lang kabahan kapag pag lingon mo, wala na ako." ako naman ang bumatok sa kanya.
"Ano ka ba seryoso ako!" tumawa lang ang hinayupak.
"Baliw ka ba? Ayan manalamin ka, tingnan mo ang mukha mo tapos sabihin mo sa akin kung dapat ka bang kabahan." inabot ko ang salamin at tiningnan ang sarili.
Inayusan na niya ako kanina, halos wala akong make-up. Powder lang, kinilayan niya ako, mascara, nilagyan niya ng slight na contour ang magkabila kong pisngi na mukhang natural lang at nude na lipstick. Hindi naman pangit, hindi rin maganda na nakakaumay, okay lang para sa akin. Parang wala namang nagbago sa mukha ko kagit nilagyan na ng anik anik ni Brandon. Parang pang araw-araw ko lang na mukha na sampung beses na nakapaghilamos.
"Okay lang naman ang mukha ko, kaya nang humarap sa kung sino peru paano kung tanungin ako at hindi ako makapagsalita?" ngumiti lang siya na parang may masamang binabalak.
"Kaya nga kasama mo ako eh, ikaw nang bahala sa pag rampa. Ako na ang bahala sa question and answer portion."
"Bahala na si Batman." tanging nasabi ko at kinuha ang damit na ipapasuot sa akin ni Brandon.
Bagong bili ni Brandon ang mga isusuot ko ngayun, baka daw hindi ako papasukin ng gwardiya pag puno ng mantsa ang damit ko. Itim na skinny jeans na may butas sa tuhod ang pang ibaba at puting v-neck shirt lang ang pabg itaas, papatungan ko daw yun ng denim jacket. Ang sapatos ko naman ay kagaya ng rugged boots ko peru bago. Ang buhok ko ay nakalugay lang at magulo, hindi ko alam kung bakit peru nung tinangka ko magsuklay sinaway ako ni Brandon dahil masisira daw ang "messy look" na ginawa niya sa buhok ko.
"Para kang Hollywood actress na naligaw sa squaters diyan sa suot mo girl." Komento niya paglabas ko.
"Para kang magsisimba diyan sa suot mo." Komento ko din sa suot niya.
Nakasuot kasi siya ng polo na hanggang leeg ang pagkakasara ng botones at naka tuck-in sa khaki na pantalon niya. Inirapan lang niya ako at kinuha ang bag saka lumabas ng bahay.
Pagbaba namin ni Brandon sa taxi ay tumingala ako sa matayog na building. Naibuka ko ang bibig sa pagkamangha, sobrang taas at halos lahat gawa sa salamin.
"Umayos ka nga! Para kang batang ngayun lang nakakakita ng ice cream." Inayos ko naman ang sarili ko.
Kanina pa ako manghang mangha sa paligid. Nakapunta na kami ni Bubwit dito noon peru hindi ko napansin ang building na to. Pagpasok namin sa building ay wala ka talagang maririnig na ingay kahit may mga tao naman na naglalakad. Kung uutot siguro ako ngayun dito, maririnig ng lahat hanggang sa pinakahuling palapag.
"Excuse me, we have a meeting with Mr. St-Pierre at three." narinig kong sabi ni Brandon sa babae, palinga-linga parin ako sa paligid. Yung sahig na parang salamin sa linis at kintab, na parang gusto kong magpa gulong-gulong doon.
"Oh yes, he's expecting you both." may sinabi pa ito kay Brandon peru hindi ko na narinig dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na tingnan ang sarili ko mula sa sahig, mas malinis at malinaw pa talaga siya kaysa sa salamin ni Brandon.
"Kana!" Galit na si Brandon na nandoon na pala malapit sa elevator. "Hoy babae umayos ka nga! Kanina ka pa para kang ngayun lang nakalabas sa kweba at namamangha sa kung ano mang makintab na nakikita mo. Umayos kundi ihuhulog kita mula sa roof top ng building na to." sermon niya sa akin habang umaandar ang elevator paakyat.
"Eh sa ngayun pa lang naman talaga ako nakakita ng ganito eh. Masama bang tumingin?" reklamo ko.
"Hindi masamang tumingin, ang tumitig ng nakabuka ang bibig ang masama. Nagmumukha kang baliw." sagot naman niya.
"Hmmmp sige na nga!" kung kanina kabang kaba ako, ngayun parang nawala lahat ng yun dahil sa ganda at gara ng building na to. Kung madumi siguro ako ngayun siguro manliliit ako dahil sa linis ng lugar. Peru hindi ako nakaramdam ng kahit kunting panliliit ngayun, dahil siguro kasama ko sa Brandon na makapal ang mukha at walang hiya, nahawa na siguro ako.
"Lalabas ka ba o hindi?" bukas na pala ang elevator kaya bago pa man ako ma sermonan ulit ay sumunod na ako kay Brandon.
Kung maganda ang pinasukan namin kanina, mas maganda tong palapag na to at ito ang pinakamataas. Sobrang linis ulit ng lugar ang kintab kintab, ang mga upuan ay ang lalambot tingnan at ang mamahal din tingnan.
"Mr. Brandon and Kana?" bigla akong napalingun at nakita ko ang isang magandang babaeng nakatayo sa may gilid ng isang malaking pinto.
"Yes, that's us." sagot naman ni Brandon. Ngumiti lang ako sa babae.
"Mr. St-Pierre and the team is waiting for the two of you inside." saad niya saka binuksan ang pinto.
This is it pancit!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...