CHAPTER TWENTY-ONE - SEDUCTIVE

7.1K 165 2
                                    

Kana's POV

Nagpalit na ako ng gown para sa susunod na shoot, itim na lacy dress na hapit na hapit sa katawan at parang see through ang suot ko, wala itong sleeves at pinagsuot nila ako ng skin tone na kulay na bra at panty kaya mukha akong walang suot sa ilalim ng gown. Ayoko sana itong gown na to eh dahil maraming balat ang makikita sa akin peru nagbago ang isip ko dahil sa hudlom na yun.

Mysterious Beauty ang una naming na shoot kanina at ngayun ay Seductive naman ang gagawin namin, parang sobrang sigla ng utak ko ngayun dahil medyo marami siyang naisip na mga hindi kagandahang gawin para sa shoot mamaya. Matino ang pakikipag-usap ko sa hudlom na yun na ayoko siyang nasa paligid ng photoshoot peru hindi parin siya tumupad, akala siguro niya hindi ko siya makikita, ang laki kaya niyang tao at naisip sana niyang labas ang ulo niya sa sulok na pinagtataguan niya kanina at marami namang cctv sa paligid doon nalang sana siya nanood.

Nakangiti ako habang pinaplantsa ang ng hairstylist ang buhok ko, tingnan natin mamaya kung magugustuhan mo ba ang gagawin ko mamaya hudlom.

Nang matapos ayusin ng glam team ang make-up ko at buhok ay halos buhatin na nila ako pabalik sa studio, pagdating ko doon ay hindi kagaya kanina ang mga reaction nila, mas malala ngayun. Laglag sa sahig ang mga panga nila, walang gumalaw, walang nagsalita o kahit huminga. Nagtataka tuloy ako, akala ko ba sanay na silang lahat na makipagtrabaho sa mga modelo? Eh bakit daig pa nila ang reaction ko nung una akong nakahawak ng isang milyong piso?

"Akala ko ba hindi mo isusuot yan?" pagputol ni Brandon sa katahimikan,  kakapasok lang pala niya mula sa kung saan na hindi ko alam.

"Nagbago isip ko, mas maganda pala to at OA lang talaga isip ko." pagsisinungaling ko na alam kong hindi bibenta sa kanya.

"Mamatay?" saad niya.

"Oo, mamatay ka man." usok ang ilong niyang kinurot ang tagiliran ko na sobrang sakit.

"Magsabi ka ng totoo Kana!" nanggigil na ang lola.

"Aray naman! Oo na magsasabi na!" saka lang niya ako binitiwan.

"Speak!"

"Kasi nga may usapan kami ng hudlom na si St-Pierre na hindi siya dapat nanonood o kahit nasa paligid ng kahit ano at saang photoshoot ko?" tumango siya dahil alam naman niya yun, siya manager ko kaya alam niya lahat. "Hindi tumupad sa usapan ang pamangkin ni hudas at nakita ko siya kanina kaya, maniningil lang ako ng kabayaran." nanlaki ang mata ng lola niya, mas malaki pa sa buwan ang mata niya.

"Don't tell me bubugbugin mo yung tao, naku Kana! Makukulong ka o di kaya ipapahunting ka, ipapapatay, salvage, chop-chop tapos itatapon sa malayong lugar!" gusto kong matawa sa mga pinagsasabi niya peru baka makurot na naman niya ako, ang sakit kaya.

"Ay ang OA oh! Pagod ang kamay ko at wala siya sa mood manuntok ngayun kaya chill! Wag kang mag-alala walang masasaktan sa gagawin ko, safe to promise." nginitiin ko siya ng makahulugan.

Pagka-alis ni Brandon para daw tingnan yung pictures kanina ay agad kong kinausap ang photographer, natakot at nag-alangan pa siya nung una peru sa huli nakumbinsi ko din siya,  basta ba daw kahit anong mangyari ay may trabaho parin siya. Nang okay na ang sa photographer ay tinawag ko si Miss Aranda para sa susuno na kailangang gawin at hindi naman ako nahirapan sa kanya, tinakot ko lang kasi na magbaback-out talaga ako pag hindi niya gagawin ang paki-usap ko.

Nasa harap na ako ng camera hawak hawak ang seductive bottle ng SPS, ang setting ng shoot ay nasa bar ako at hawak ko lang ang seductive SPS bottle, boring diba?

"What happened? where did she go?" dumagundong ang buong studio sa sigaw ng hudlom, at yan ang magpapawala sa boring na photoshoot na to.

Luminga linga ang ulo niya na tila may hinahanap. Nakatupi hanggang siko ang long sleeves niya, bukas ang ilang butones nito sa dibdib at wala na ang suot niyang neck tie kanina. Nang makita niya ako, ang kaninang galit niyang mga mata ay nagbago at tila kinakausap ako, nagtatanong. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na may hawak ng SPS bottle habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"Bakit sabi nila umalis ka daw?" mahinang sabi niya.

Dahil nakasuot ako ng sapatos na mahaba ang takong ay kunti nalang magkasing tangkad na kami, inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Bakit parang sobra kang nag-aalala?"  bulong ko sa kanya.

Ang isang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa kamay ko, ang isa naman ay gumapang na sa beywang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Nangangati na tuloy ang kamay ko na linisin kung may muta man ang mga mata ko dahil sa mga titig niya. Habang titig na titig siya sa akin at ako naman bahagyang nakatingala sa kanya, bigla nalang siyang ngumiti. Ngiting pamatay, pusang naka daster bakit ang gwapu niya!

"Bakit? Bawal bang mag-alala Kana?" ipa-alala niyo nga sakin kung ako ba talaga ang nakapag-isip nito? Ako ba? Ang tanga ko!

Inilagay ko sa batok niya ang isa kong kamay, at ipinilig sa dibdib niya ang aking ulo. Nilagyan ko ng maraming emosyon ang mga mata ko na nakatitig sa camera na kanina pa kumukuha sa amin ng picture. Naramdaman kong inamoy niya ang buhok ko. Salamat nalang talaga at naligo ako at nag shampoo kanina, tiningnan kong mulin ang mukha niya at ako naman ang ngumiti.

"Alam mo? Ang talino mo na't lahat peru hindi ka marunong sumunod sa usapan." nagtaka siya sa sinabi ko.

"Ano?"

"Wag mo akong gawing tanga, nakita kita kanina hayop ka!" madiin kong bulong sa kanya.

"Watch your mouth Miss Cruz!" tinulak ko siya palayo sa akin.

"Nakakuha ka ng magandang picture Miggy?" tanong ko sa photographer.

"Ah-ahm, Oo Kana." nauutal sa takot niyang saad.

"Salamat nga pala sa pag tulong mo sa akin sa photoshoot, kabagot na kasi mag-isa sa picture kaya sinabi ko sa kanila isali ka." Nabigla siya sa sinabi ko na agad niyang pinalitan ng galit.

"No you didn't Miss Cruz!"

"Tapos na po, bawal na daw umulit, may hinahabol na oras. Kaya sa ayaw sa gusto mo, kasali ka na dun." ang sarap niya pikunin.

"You'll pay for this!" Gigil na gigil niyang saad.

"Hindi, papasalamatan mo ako pag napalabas na to at nakita ng mga tao. Paunang bayad palang yan sa hindi mo pag tupad sa usapan, nakalimutan ko two gives yun kaya may balance ka pa." tinalikuran ko siya na umuusok ang ilong at tenga na parang dragon.

"You'll regret this Kana!" sigaw niya na pagkalakas lakas, akala siguro nasa kabilang building ako eh tatlong hakbang lang ang layo ko sa kanya.

"Regret mong mukha mo!" hinubad ko agad ang sapatos na suot ko at tumakbo palabas ng studio.

Buti nga sayo!

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon