CHAPTER EIGHTY-TWO - TEARS

5.7K 103 5
                                        

Kana's POV

"Please Kana, let me in. Dalawang araw kanang hindi kumakain bakla, alalang alala na kami sayo. Yung parents mo ang pag-alala sayo ay mas sobra pa kaysa nung nakidnap ka, tama na bess please." mga isang oras naring nasa pinto si Brandon at gustong pumasok peru hindi ko siya sinasagot.

"Please Kana, kahit biscuit lang kumain ka diyos ko naman. Ganyan ka na ba talaga ka baliw sa putang inang Lucas na yun para gutumin mo ang sarili mo ng ganyan ha? Habang yung iniiyakan mo parang wala lang, back to normal at parang walang nangyari." tinamaan ako sa sinabi niya, daig ko pang nasampal ng tsinelas sa mukha.

"Marami pang rason para sumaya ka at ipagpatuloy ang buhay Kana. Di dahil iniwan ka niya ay hindi ka narin pwedeng sumaya at manatili ka nalang ganyan, daig pa ang namatayan. Think about your family Kana, ang Dad at Mom mo, si Elliot. Isipin mo sila, they are here for you, they want to be with you." mas lalo lang akong naiyak dahil sa pinagsasabi ni Brandon.

Since Lucas came here and broke up with me ay hindi na ako lumabas ng kwarto, nilagyan ko ng harang ang pinto dahil alam kong may duplicate na susi ang parents ko. Nalalaman lang nila na buhay ako dahil sinasagot ko ang tawag nila kahit hindi ako nagsasalita. Hindi ako kumakain, nagpakalunod lang ako sa sarili kong luha, dinama ko ang lahat ng sakit at hapdi. Parang slideshow kong inalala ang mga masasayang araw na magkasama kami ni Lucas, ang mga ngiti niya, pagsusungit niya, ang mga lambing niya at ang pag-aalaga niya sa akin. Baka hindi ako sapat para sa kanya, baka masyado akong pabebe at nagsawa siya, baka hindi ko siya naalagaan mabuti, baka hindi ko naiparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya, baka nagsawa siya sa mga nangyari sa akin na kailangan niya akong iligtas lagi. Baka nadudumihan siya sa akin, hindi lang niya kayang aminin sa harap ko peru totoong nadudumihan siya sa akin, dahil kay Fernan, ayaw na niya sa akin dahil sa ginawa ni Fernan.

"Kana please!" nagising ako sa malalim na pag-iisip dahil sa muling pagkatok ni Brandon.

Namamaga na ng sobra ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak, naka unli parin ang mga luha ko dahil patak parin sila ng patak at kahit sumabog na ang puso ko ata naging pinong pino ay masikip parin ang dibdib. Yung sakit ay parang mas lalong gumagrabe habang lumilipas ang mga araw, kung ang inumin ay habang tumatagal lalong sumasarap, yung sakit na dulot ng pag-iwan sa akin ni Lucas ay habang tumatagal lalong dumidiin ang sakit.

"Kana, makinig ka naman oh! Hindi pa katapusan ng mundo, nandito pa kami for you." bumangon ako at tinungo ang pinto, tinulak ko ang mesang pinangharang ko doon at pinagbuksan si Brandon.

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko, wala akong pakialam. Pagkakita ni Brandon sa akin ay nanlaki ang mga mata niya at nanigas ng mga isang minuto bago ako kinulong sa mga yakap niya. Dahil sa yakap niya ay humagulhol na naman ako, gusto kong mag sumbong kay Brandon, gusto kong sabihin sa kanya na masakit ang dibdib ko, gusto kong itanong sa kanya kung bakit kailangan mangyari to.

"Iniwan na niya ako Brandon." umiiyak kong saad.

"I know, peru wag ganito Kana." inakay niya ako papunta sa kama ko at tumabi siya ng upo sa akin.

"Bakit kailangang iwan niya ako?" tanong ko.

"Siya lang ang makakasagot niyan Kana, peru alam mo na everything happens for a reason at yung reason niya is ayaw na niyang mapahamak ka dahil sa kanya." bullshit! Pwede namang hindi na niya ako iwan at sabay namin haharapin lahat ng pagsubok.

"Peru bakit ngayun pa Brandon, bakit ngayun kung kailan mas kailangan ko siya saka siya aalis?" pinampunas ko na ng luha ko ang kumot ko, dahil naubos na ang tissue sa sobrang pag-iyak ko.

"May mga tao talaga na iiwan ka sa panahong kailangan mo sila para matuto kang lumaban mag-isa." saad niya habang hawak ng mahigpit ang mga kamay ko.

"I need him Brandon, siya lang ang nakakapagparamdam sa akin na sa kabila ng mga nangyayari sa buhay ko ay my worth parin ako. Mababaliw ako Brandon, mababaliw ako kapag wala siya sa tabi ko." niyakap ako ni Brandon at pati siya ay umiiyak na rin.

"You'll get through this Kana, nandito kami and we love you so much Kana." bulong niya sa akin.

"Nagpakalakas ako nung na depress ako dahil sa kanya, dahil sa kanya Brandon tapos ngayon wala na siya paano na ako? Paano kung bumalik yun at makulong na naman ako sa madilim na lugar na yun, ayoko Brandon, ayoko." nadinig siguro ng buong bahay ang mga hagulhol ko at parang naghahabulang pumasok sa kwarto ko ang parents ko, si Ellioy at si Ysa.

"Princess, we are here for you okay? Stop crying now." Umupo sa magkabilang gilid ko si Mommy at Daddy habang nasa harap ko naman sila Brandon, Elliot at Ysa.

"He left me Dad and it hurts here." tinuro ko ang dibdib ko while sobbing.

"And it hurts us too seeing you like this, we don't want you to get hurt this bad baby. But this is life and life is a learning process, you need to experience this in order for you to grow as a person, you need to experience this for you to learn." paliwanag ng Daddy ko.

"We know the pain that you're going through right now darling, but Mommy wants you to always remember that we are here for you, there's five of us here who loves you so much and will always be here by your side." kinulong nila ako sa mga yakap nila habang hinihimas nila pareho ang likod ko.

"I'm gonna kill that son of a bitch!" saka mabilis na lumabas si Elliot sa kwarto ko at agad namang sumunod si Ysa.

"You'll be fine Baby." bulong ni Daddy.

I will only be fine kapag nakausap ko siya, kapag nasabi ko sa kanya kung gaano niya ako nasaktan, kung gaano niya dinurog ang puso ko. I will only be fine kapag kahit sa huling beses masabi niya sa akin na mahal niya ako.

The Billionaire's GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon