CHAPTER SEVENTY-FIVE - KANA'S MISSING

5.2K 98 4
                                    

Lucas's POV

I'm worried.

I'm fucking worried!

I've been trying to call Kana for hours, I sent her a bunch of messages peru wala akong natanggap na reply. Hindi niya sinasagot ang phone niya, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya, kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya.

"Hello Anna, can you please check on Kana and please tell her to answer her fucking phone!" galit kong saad sa kay Anna na nasa kabilang linya.

"Right away sir." agad niya namang sagot.

Babalik pa ako sa meeting in an hour peru kailangan ko munang makausap si Kana para kahit kunti ay mabawasan ang pag-aalala ko sa kanya. Alam ko naman na she can take care of herself peru hindi parin mawala sa akin ang mag-alala dahil baliw yun at matigas ulo na parang bata. Hindi ko rin alam kung bakit peru mas nagugustuhan ko siya dahil sa katigasan ng ulo niya at gusto kong inaalagaan siya. I love treating her like a baby, kahit ayaw niya at napipikon siya lagi sa akin dahil doon.

Naghahanda na ako para bumalik sa meeting nang tumunog ang phone ko. Brandon is calling at minsan lang kung tumawag si Brandon sa akin at mostly pa kapag napapatrouble si Kana.

"Yes Brandon?" sagot ko sa tawag niya.

"Kasi ahm... Ano." nanginginig ang boses niya sa kabilang linya na mas nagpakaba sa akin.

"What's wrong Brandon? May nangyari ba?" sunod sunod kong tanong.

"Kasi ano, nag shower lang ako tapos paglabas ko ay wala na siya, tapos until now hindi pa siya bumabalik." saad niya sa sobrang takot na boses.

"Si Kana? Nawawala si Kana?" mabilis kong tanong habang sobrang kinakabahan dahil sobrang layo para hanapin agad siya.

"Yes, nawawala si Kana at hindi niya sinasagot ang tawag namin sa kanya. Her parents are so worried na at ang Dad niya parang ano mang oras ay magsisimula na ng world war IV, V, VI hanggang one hundred kapag hindi siya makikita." napapikit nalang ako at napahinga ng malalim.

Pagkababa ko ng tawag ay agad kong ipinahanda ang private plane para agad akong makauwi. Wala na akong pakialam sa meeting na kailangan kong puntahan, kailangan kong umuwi at hanapin si Kana. Ano na naman kaya ang ginawa niya at saan na naman kaya siya nagsusuot.

Kakaupo ko palang sa private plane ay tumunog na naman ang phone ko. It's Anna kaya agad ko iyong sinagot dahil I asked her kanina to check on Kana at baka nakita niya or nakausap si Kana.

"Yes Anna?"

"Sir kakakausap ko palang kay Kana and she's fine, lumabas lang po sila ni Brandon." nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya, hindi pwedeng magkasama si Brandon at Kana dahil Brandon is looking for Kana too.

"Nakausap mo talaga siya?" pagkokompirma ko.

"Yes sir, nasa mall po sila somewhere in Quezon City." sagot niya.

"Okay, I'll call you if I need anything. Thank you for checking on her." pagkababa ko ng tawag ay dinial ko naman agad ang number ni Brandon, bago mag take off ang eroplano.

"Hello Brandon, magkasama daw kaya ni Kana?" tanong ko agad pagkasagot ni Brandon ng tawag.

"Hinahanap nga namin siya diba so paano kami naging magkasama?" saad niya.

"Kapag ako pina-prank niyo lang Brandon lagot kayo sa akin talaga." inis kong saad.

"Seriously Lucas? Nababaliw na kami dito kakahanap kay Kana tapos pagbibintangan mo pa kaming pina-prank ka? My gosh! Umuwi ka kaya para malaman mo." galit niyang saad saka binabaan ako ng tawag.

If Brandon and Kana isn't together right now so nagsinungaling si Anna sa akin? Peru Anna never lied to me, she's loyal to me at pinagkakatiwalaan ko siya, mapagkakatiwalaan ko siya. Siya ang naglilinis ng mga kalat ko noon, she made me look good sa mga taga media, my parents trust her to take care of me and my image so hindi siya pwedeng magsinungaling sa akin. Baka nagkamali lang si Anna, peru kailangan ko paring umuwi para  malaman ang totoo at para mahanap din si Kana.

Sobrang pagod na ang katawan ko at ang mga mata ko peru hindi ko makuhang matulog dahil gusto kong makauwi agad. Nananalangin din ako na sana pagkauwi ko ay umuwi narin si Kana at pumunta lang pala kung saan at hindi nagpaalam tapos praning lang tong si Brandon at OA mag react.

Gusto ko mang makauwi kaagad ay hindi pwede dahil kailangan pa naming mag lay over ng ilang oras sa Japan, bago tuluyang makauwi ng Pilipinas at mas lalo lamang itong nagdagdag sa stress at frustration na nararamdaman ko. Kung pwede lang akong lumipad ay lumipad na ako kanina pa just to be with Kana.

Habang naghihintay sa airport ay kinukulit ko naman si Brandon ng updates, kung nahanap na ba si Kana peru mas lalo lang akong nafrustrate sa tuwing sinasagot niya ako ng wala, hindi pa nakikita o hindi pa umuuwi si Kana.

Sinubukan kong tingnan ang social media accounts ni Kana at nabigo lang din ako dahil ni isa ay wala nang online sa mga ito. Lahat ay ilang oras na ang makalipas nang huli itong mag online, baka patay na ang phone niya dahil sa kakatawag ko at nila Brandon.

"Sir, ready na po ang plane." saad ng flight attendant ng private plane ng family namin.

"Thank god!" nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay aalis na kami.

Nang makarating kami ng Manila ay mabilis kaming umalis at dumiretso sa mansion nila Kana. Nagulat kami nang pagdating namin ay may mga sundalo, police, swat at iba pang security agency na nasa bakuran ng mansion nila Kana.

"Lucas hijo." salubong sa akin ng Dad ni Kana.

"Sir." niyakap niya ako for the first time.

"We can't find our daughter Lucas, please help us." bakas sa boses niya ang pag aalala at alam ko kung bakit.

Minsan nang nawalay sa kanila si Kana kaya hindi nila kakayanin na mawala na naman ito sa piling nila sa pangalawang pagkakataon.

"I came home as fast as I can when I found out about what happened sir. We will find her, we will find her." saad ko sa kanya.

Wherever shes is, we will find her.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon