Kana's POV
Pagkatapos na pagkatapos ng interview ay nagpaalam ako sa mga magulang ko at agad kong hinila palabas ng pinagdausan ng interview si Brandon.
"Kana ano ba, dahan dahan naman! Yung mala porselana kong kamay!" reklamo niya.
"Tumahimik ka nga, sumunod ka nalang para hindi ka masaktan." saway ko sa kanya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya.
"Basta!" tipid kong sagot.
Sa awa ng diyos ay hindi na siya nagreklamo at sumunod nalang sa akin hanggang sa makarating kami sa lobby ng hotel. Hinanap ko si Anna at si Fernan na magkasama kaninang pinapanood ang interview namin, nalibot na ng mga mata ko ang buong lobby ng hotel peru hindi ko na sila makita.
"Sino ba kasi ang hinahanap mo?" reklamo ulit ni Brandon na nakasimangot sa tabi ko.
"Si Anna." sagot ko habang tumitingin tingin parin sa paligid.
"Baka pinapunta ni Lucas to check on you." Baka nga naman, may pagka praning din kasi yung lalaking yun minsan.
"Peru pinagtataka ko lang kung bakit magkasama sila ni Fernan." napaisip din siya sandali dahil sa sinabi ko.
"They don't know each other naman, peru baka naging fan mo na si Fernan at nagkita lang din sila dito, nagkataon lang kumbaga." may point ulit si Brandon, mukhang ako ata ang praning at kung ano anu na lang ang naiisip ng utak ko.
"Balik na nga tayo sa loob at kunin natin ang mga gamit para makauwi na tayo." Ako naman ang hinila niya pabalik sa loob ng hotel.
Nang makuha na namin ang gamit namin ay agad na kaming umalis para bumalik sa bahay. Nauna na kami sa mga magulang ko dahil busy pa sila kasama ang mga reporters. Habang umaandar ang sasakyan ay muli nakita kong magkasamang naglalakad si Anna at Fernan sa tabi ng kalsada di kalayuan mula sa hotel.
"Brandon tingnan mo!" mabilis kong tawag kay Brandon sabay turo kay Anna at Fernan.
"Ano naman meron diyan?" walang ka emo-emosyon niyang saad.
"Hing kaba nawiweirdohan?" tanong ko.
"Baka sila na." saad niya saka bumalik sa paglalaro ng cellphone niya.
"Si Anna magkakagusto kay Fernan? Malabo Brandon, maganda si Anna at disente at si Fernan ay ex-con, di kagwapuhan at may amoy." nakangiwi kong saad.
"Mapang husgang babae!" dinuro pa ako niya ako. "Sa sinabi mong yun ay parang sinabi mo din na Si Lucas magkakagusto kay Kana? Malabo dahil si Lucas gwapu, macho, matalino, malakas ang appeal at mayaman samantalang si Anna taga skwater, palaboy at may amoy." ginaya pa niya ang ngiwi ko kanina.
"Hoy, wala na akong amoy noong magkakilala kami ni Lucas no." saad ko.
"Lagi mong tatandaan Kana, bulag ang pag-ibig." seryoso niyang saad.
Nakarating nalang kami sa bahay ay pinapangaralan parin ako ni Brandon tungkol sa bulag nga daw ang pag-ibig, walang pinipili at iba pa. Iba talaga ang pangaral ng mga taong walang love life, nuot sa buto ang advices peru hindi ma apply sa sarili.
"Pa gamit ng shower Kana." hindi pa man ako nakakasagot ay dumiretso na siya sa banyo, hahabulin ko sana siya para biruin na bawal siya maki shower ay bigla namang tumunog ang phone ko.
"Hello Anna?"
"Kana, i really need your help. Nasiraan kasi ako ng sasakyan habang pauwi at medyo malayo sa talyer, can you help me?" saad niya sa kabilang linya.
"Diba kasama mo si Fernan kanina?" curious kong saad.
"Ah-Ahm, Oo kasi nagkatabi kami habang pinapanood ka kanina at sabi niya magkasama daw kayo sa talyer noon kaya nakapag-usap kami ng sandali. Tapos umalis na siya at wala naman akong number niya at ikaw lang makakatulong sa akin." paliwanag niya na nagpaliwanag naman talaga ng mga masasamang bagay na tumatakbo sa isip ko, malinaw na ang lahat kaya wala na akong dapat isipin maliban sa agad mapuntahan si Anna para maayos ko ang sasakyan niya.
"Okay, pakitext nalang sa akin ang address at pupuntahan agad kita." pagkababa ng tawag ay agad akong nagbihis at umalis ng bahay.
Hindi na ako nagpaalam kay Brandon dahil alam kong nag-eenjoy pa siya sa shower at ayokong isturbuhin siya. Kasama ko naman ang driver ko kaya walang dapat ipag-alala. Umaandar na ang sasakyan nang matanggap ko ang text ni Anna na naglalaman ng address ng kinaruruonan niya.
"Kuya sa may gasolinahan po tayo di kalayuan sa skwaters area." saad ko sa driver.
Ang dapat sanang 20 minutes na byahe papunta kay Anna ay umabot ng isang oras dahil sa traffic, rush hour kasi parehong nagmamadaling makauwi ang mga tao. Tinawagan ko naman si Anna at okay lang daw dahil hindi daw naman niya ipagkakatiwala sa iba ang sasakyan niya, lalo na at medyo hindi daw mapagkakatiwalaan ang mukha ng mga taong nag aalok ng tulong sa kanya.
Nang marating namin ang address na sinabi niya ay nandoon nga siya at nakatayo sa tabi ng sasakyan niya.
"Thank you so much Kana, wala na talaga akong ibang mahingan ng tulong. Ayoko naman i-tow ang sasakyan ko dahil baka magasgasan." stressed niyang saad.
"Buti nalang tinawagan mo ako, ano ba nangyari?" tanong ko habang binubuksan ang hood ng sasakyan niya.
"Ewan ko basta bigla nalang siyang huminto at ayaw na niyang umandar." saad niya na pagod na pagod ang boses.
"Pahatid nalang kita sa driver ko at ihahatid nalang namin ang sasakyan mo pagkatapos ko tong matingnan." lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
Sinabihan ko muna ang driver na ihatid siya at bumalik pagkatapos at hinintay silang makaalis bago bumalik sa sasakyan Ni Anna. Na check ko na lahat at wala namang problema, na check ko na ang oil, ang battery at iba pang pwedeng sanhi kung bakit bigla nalang itong ayaw umandar peru wala akong makitang mali. Pumasok ako sa drivers seat at sinubukang paandarin ang sasakyan at agad namang itong umandar, smooth naman ang tunog nito at parang brand new lang.
"Ito talagang si Anna, namatay lang ang makina hindi naman sinubukang paandarin ulit." kausap ko sa sarili ko.
Lumabas ulit ako para isara ang hood peru bigla nalang may parang tumama sa batok ko na sobrang lakas na nagpahina sa buo kong katawan at bigla nalang dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
