Lucas's POV
Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung bakit at paano nangyari ang lahat.
After that roof top incident Kana changed, she changed a lot. Tahimik, tulala, hindi mo makausap, laging nagkukulong sa kwarto at hindi na inaalagaan ang sarili niya. Parang may biglang pumindot ng remote at bigla nalang siyang naging ganyan, peru lahat may dahilan at hindi ko mawari kung ano ang dahilan at bigla nalang siyang nagkaganyan.
"You two have been friends for years right?" tanong ko kay Brandon na sobra ang pag-aalala kay Kana.
"Oo, simula nung mapadpad siya sa skwaters naging magkaibigan na kami." sagot niya.
"Nagkaganyan na ba siya dati? Tulala, tahimik at iba pang ginagawa niya ngayun?" tanong ko ulit.
"Hindi, wala akong maalala na nagka ganyan siya. Lagi siyang nasa talyer noon, laging nagtatrabaho, nakikipaglaro sa mga bata, nakikipag basag ulo, tumutulong sa kapit bahay ganun. Wala talaga siyang history ng ganyan." hindi mapakaling sagot niya.
"I think we need to consult a psychiatrist, psychologist or a counselor para matulungan siya." seryoso kong saad na nagpalaki sa mga mata ni Brandon at hindi ko alam kung bakit.
"Baliw ka ba? Hindi pa nasisiraan ng bait ang kaibigan ko para ipatingin mo sa psychiatrist no." galit niyang saad.
"That's not what i meant Brandon, ang ibig kung sabihin ay patingnan natin siya sa psychiatrist para malaman natin kung bakit siya nagkakaganyan at para mabigyan siya ng kailangan gamot for her to be better." saka lang niya naintindihan at saka tumango.
"Ano ba talaga nangyari nung isang araw hah!" bigla niyang tanong.
"We talked about her parents and I told her that her parents loves her and maybe they are looking for her right now." nasapo nalang ni Brandon ang ulo.
"Ayaw niyang pinag-uusapan ang mga magulang niya Lucas." Malungkot na saad ni Brandon.
"Siya ang unang nagbanggit sa kanila at hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sinabi ko na malamang hinahanap siya ng mga magulang niya at mahal na mahal siya nila." napailing nalang si Brandon na animo sobrang mali ng nagawa ko.
"Halos sabay kaming nagdalaga ni Kana at pilit akong umiiwas na matanong sa mga magulang niya dahil alam ko masakit sa kanya yun, dahil alam kong labis ang pangungulila niya sa mga ito na pilit niyang tinatabunan ng galit at poot." sa sinabi ni Brandon parang bigla nalang nag connect ang lahat ng dots sa isip ko.
"God damn it!" napamura nalang ako bigla dahil sa nabuong conclusion sa utak ko.
"Ano?" takang tanong ni Brandon.
"That place triggered her depression!" saad ko.
"Anong lugar ba yan? Saan?"
"Yung roof top, yun ang dahilan kaya na triggered ang depression niya. Yun ang nagbukas ng pinto ng kalungkutan ni Kana. Ako, ako ang nagbukas ng pinto ng kalungkutan ni Kana at ngayun nakakulong siya dun at wala man lang akong magawa." parang pinipiga ang dibdib ko, masakit, masikip na hindi ko maintindihan. Pagkatapos ng ilang taon ngayun lang ulit ako nakaramdam ng ganito, ang sakit.
"May magagawa pa tayo Lucas, dadalhin natin siya sa psychiatrist diba? Papatingnan natin siya sa pinakamagaling na doctor at tiyak na makakalabas siya sa kung saan man nakakulong ang isipan niya ngayun." tumango lang ako at nagkaroon ng pag-asa.
"Gagawa tayo ng paraan." saad ko.
"Hindi ito ang tamang panahon para sisihin mo sarili mo Lucas. Gumawa muna tayo ng paraan para maibalik ang dating Kana." agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang kung sino mang makakatulong kay Kana.
Dalawang linggo nang hindi lumalabas si Kana sa condo nila, salamat nalang at kahit kunti ay napapakain siya ni Brandon. Ayaw niyang lumabas, ayaw niyang magpatingin sa doctor because she thinks she's fine at pagod lang siya. Something's really wrong with her, her blank stare, the sadness in her eyes, her silence, everything is wrong and i need to do something.
Muli kong tinawagan ang mga kilala kong doctor that hopefully could help her, bago ko tinawagan si Brandon at kinumusta ang kalagayan ni Kana.
"Nothing's new, she's not talking to me still. Kumakain siya ng prutas, umiinom ng gatas at yun lang. Kung hindi siya tulog ay tulala siya, kailangan na talaga nating gumawa ng paraan Lucas, wag na tayong maniwala na okay lang siya dahil hindi siya okay talaga." saad ni Brandon sa kabilang linya.
"Tinawagan ko na ang kaibigan kong doctor and she's on her way na, i'll be there too kailangan ko lang tapusin ang appointments ko." saad ko.
"Okay, hihintayin ka nalang namin." saad niya bago binaba ang tawag.
I can't help but blame myself, if only i didn't ask her to go to that damn rooftop, if only we didn't talk about her parents. She could've been fine today, nandito sana siya sa office ko at kinukulit ko at paulit-ulit akong sasabihan na bored na siya at gusto niyang lumabas, nandito sana siya para nakawan ako ng picture at ipost sa instagram niya. Nandito sana siya para mag reklamo at sabihing nabura ba daw sa pagkatao ko ang ngumiti at puro kunot noo lang daw ang alam ko.
"Sir-"
"What!" sigaw ko kay Anna na kakapasok palang.
"I'm sorry for interrupting sir." gulat na saad ni Anna.
"Don't you know how to knock?" iritado kong saad.
"I'm sorry sir, but you're badly needed in the conference room right now." nakatingin sa sahig na saad ni Anna.
"I'll be there in a sec." tuluyan na siyang lumabas at agad ko namang tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Nakakairita ang lahat ng nangyayari, nakakapikon na hindi ko maipaliwanag. I want to be cool peru hindi kaya ng emosyon ko.
Nasa conference room lahat ng department heads at lahat sila tensyonado, mas tensyonado sila ngayun kaysa sa usual na meetings namin at hindi na ako makapaghintay kung bakit.
"Spill it out." saad ko pagkaupo ko palang sa pinakadulo ng mesa.
"Sir, meron pong mangyayaring rally mamaya according to a reliable source sir." Namumutlang saad ng Security department head.
"Anong reason." tanong ko.
"Gusto po ng dagdag sweldo ng mga empleyado ng isang branch ng hotel niyo sa Makati." si Anna na ang sumagot.
"Fire them all." mahinahon kong saad.
"Peru sir." si Anna.
"What i said is final and irrevocable. I don't need incompetent and selfish people working for me!" nahampas ko pa ang mesa.
Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita na parang ako lang ang nasa loob ng conference room. Lahat sila ay nasa kanilang mga kandungan nakatingin na tila naghahanap ng magandang salitang sasabihin.
"Fire them all, give them their separation pays and start looking for competent and hard working people as replacement. Wala akong oras to deal with this shit right now, you guys could solve this you know? This is nothing compared to what we've been through before. Hindi niyo na ako kailangan dito honestly, dapat noon palang alam niyo na gagawin at hindi yung tatawagin niyo pa ako to solve a problem na kaya namang i solve ng sampung taong gulang na bata." iniwan ko silang lahat na nagtitinginan at parang nagsisisihan pa sa nangyari.
I have more important things to do than to sit there and solve a problem na kaya naman na nilang i solve.
Kana needs me, mas importante ang paggaling ni Kana.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
AléatoireWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...