Kana's POV"Ano po?" ulit ko nang parang wala naman siyang narinig.
"I said tell me about yourself, ano ginagawa mo bago ka naging IG famous, saan ka nakatira, nag-aaral ka pa ba." Paliwanag niya.
Kailangan pa ba talaga ang ganito? Pinapirma na niya ako ng kontrata bago niya ako tinatanong ng ganito?
"Ahhm nag tatrabaho po ako bilang isang mekaniko sa isang talyer doon sa amin, hindi na po ako nag-aaral at nakatira po ako di kalayuan dito." Tumango tango lang siya peru magkasalubong ang kilay niya.
"Isa kang mekaniko? Totoong mekaniko?" ano akala nito? Hindi ko kayang maging mekaniko?
"Opo sir, matagal na po. Kaya ko pong mag ayos ng sasakyan, motorsiklo at ano pang bagay na may makina." proud kong saad.
"Hindi bagay sayo maging mekaniko." Mabilis pa sa alas kwatrong umakyat ang dugo ko sa ulo. Aba tong lalaking hah, makapal din talaga ang mukha.
"Wala naman po sa mukha ang kakayanan na gumawa ng isang bagay sir."
"Alam ko, peru pang lalaki ang pagiging mekaniko. Lalaki lang ang nararapat sa ganung trabaho." binaliktad lang naman niya ang sinabi niya at grabe ang taong to, anong akala niya sa aming mga babae? Walang lakas, abilidad, kakayanan na gumawa ng gawaing pang lalaki?
"Ano po ibig niyong sabihin?" ramdam ko, papalabas na ang usok sa ilong at tenga ko.
"What i mean is babae ka, ang dapat sayo nasa opisina o kung saan mang magaan lang ang trabaho. Dahil ang pagbubuhat ng mabibigat, madumi at mabahong trabaho ay sa mga lalaki lang nararapat." Kanina pa talaga paulit-ulit tong sinasabi niya. Ipinapamukha niya talaga sa akin na hindi bagay sa akin ang trabaho ko.
"Hindi po pala kayo dapat nasa posisyon niyo sir, hindi din po pala kayo nababagay sa trabaho niyo." nabigla siya sa narinig at matalim na tumitig sa akin. Tingnan natin ngayun kung sabihin ko din sayo ang sinabi mo sa akin lalaki ka.
"Anong ibig mong sabihin." tinaasan ko siya ng kilay at nakipagtitigan sa kanya.
"Sabi niyo nga po kanina, ang magagaang gawain ay sa mga babae at ang mabibigat ay sa mga lalaki. Eh halos wala nga po kayong binubuhat sa trabaho niyo at lalaki kayo, hindi naman po siguro kasali ang pagbubuhat ng ballpen dahil hindi po mabigat yun. Kaya hindi din po kayo bagay sa trabaho niyo. Doon po kayo sa construction nababagay." Tumayo siya at ramdam kong galit na siya dahil sa pag galaw ng panga niya at pagnipis ng labi niya. Tumayo narin ako at nakipagtitigan sa kanya.
"How dare you say that to me?" matigas niyang tanong.
"How dare you-hin mo yang mukha mo!" tinalikuran ko siya at agad lumabas, sinara ko ng pagkalakas lakas ang pinto na ikinagulat ni Anna.
"Anong nangyare? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Anna.
"Alam mo yang amo mo? May saltik sa utak, kung makapang insulto akala mo kung sino." nang marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ng hudlom ay tinungo ko agad ang elevator.
"Kana!" tawag niya sa akin habang tumatakbo peru hindi na niya ako naabutan dahil sumara na ang elevator.
Pagbukas ng elevator ay dumiretso ako sa babaeng nasa harap, receptionist daw tawag sa kanila sabi ni Brandon. Nakalimutan ko kasing tanungin si Anna kung nasaan ang Marketing Department.
"Miss pwedeng magtanong?"
"Yeah sure."walang ka sigla sigla niyang sagot.
"Nasaan yung Marketing Department?"
"21st floor." Tipid niyang sagot.
Bumalik na naman ako sa elevator at pagpasok ko namataan ko na naman si Hudlom na palabas sa kabilang elevator, nakita niya ako kaya hinabol niya ako at sa kagustuhan ng tiyuhin niyang si satanas ay nakapasok siya.
"Bakit mo ba ako hinahabol? " tanong ko habang nakatingin sa pinto ng elevator.
"Hahabulin ba kita kung hindi ka tumakbo?" sagot niya naman.
"Tatakbo ba ako kung hindi ka nang iinsulto at nagtaas ng boses?"
"Tataas ba boses ko kung hindi mo din ako ininsulto?" sagot niya naman.
Bumukas na ang elevator kaya nauna akong lumabas. Nakabuntot naman siya sa akin na parang asong ayaw humiwalay sa amo.
"Bakit sino ba nauna diba ikaw? Kaya wag kang mag reklamo!" lumingon lahat ng empleyadong nasa floor na kinarorounan namin.
"For your information i wasn't insulting you! I was just giving my opinion for gods sake!" napahilot pa siya sa ulo niya.
"O di for your information din, i wasn't insulting you! I was just giving my opinion skyflakes!" nanggigigil na talaga ko, naku makakatikim talaga to sa akin.
"Alam mo? Sa lahat ng tao ikaw lang ang sumagot sa akin ng ganito!" galit niyang saad sa akin, nakakamatay ang galit sa mata niya.
"Mas mabuti, para malaman mong hindi ka diyos para walang sumagot ng pabalang sayo." nakuyom na niya ang kamao niya. Mas nagugustuhan ko namang galitin pa siya, akala siguro niya iiyak nalang ako sa sulok at hahayaan siyang sabihin kung ano man ang gusto niya.
"You should learn how to respect your superior, your boss Miss Cruz." nagdilim na ang mukha ng hudlom, bagay na sa kanya talaga ang pangalan niyang hudlom.
"You should learn how to respect women Mr. St-Pierre." ginaya gaya ko ang english niya. "Hindi porke nakakataas ka ay pwede ka nang mang husga. Opinyon mo yun sa trabaho ko, walang maling opinyon peru isipin mo naman kung ano ang mararamdaman ko sa opinyon mo, at hindi lahat ng tao sa Pilipinas matatakot sayo, hindi lahat ng tao sa Pilipinas magpapa-api sayo. At wag mong kalimutan hindi ako ang nagmakaawang mabigyan ng trabaho dito, kayo ang may gusto." Tumingin siya sa paligid at agad naman nagsibalik sa mga ginagawa nila ang mga empleyadong kanina pa pala nanunuod sa amin.
"I don't care about your feelings Miss Cruz, and i can call the deal off anytime, i can make your life hell anytime and i can make you suffer you should know that. " kung nakakasugat lang ang galit, siguro puno na ako ng sugat ngayun.
"Wala akong pakialam kung tapusin mo man ang kontrata, at mas lalong wala akong pakialam kung gawin mo pang empyerno ang buhay ko dahil doon na ako galing Mr. St-Pierre. Sa katunayan nakaharap ko na ang dalawang mukha ng Demonyo." pagkasabi ko nun ay agad siyang tumalikod.
Pagkasara ng elevator ay nabigla ako nang marinig kong nagpalakpakan ang mga empleyado sa likod ko at lahat sila ay nakatayo at parang pinoproseso parin ang mga nangyari.
"What did you do?" eksaheradang saad ni Brandon.
"Ipinagtanggol ang sarili, ano pa ba?"
"Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari?"
"Wala akong pakialam kung itigil niya ang kontrata, makakahanap pa tayo ng ibang mas maganda ang ugali kaysa sa kanya."
"Bruhilda ka talaga Kana!"

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...