Kana's POV
It's the day of the month. Yeah, it's that day of the month at as usual parang puzzle na naman ang sarili ko, kompleto naman lahat ng parte peru hindi ko mabuo-buo. Nagising akong parang ano mang oras ay papasok sa kwarto ko ang SOCO para mag imbistiga, ganun kalala ang bumungad sa akin.
Peru kung nagulat ako nang binungad ako ng crime scene pag gising ko ay mas nagulat naman ako nang paglabas ko mula sa banyo ay parang magic na nawala ang crime scene sa kama ko. Spotless sa linis, parang pinlantsa pa nga yung sheets ng kama ko, walang kahit isang gusot at sobrang nakaayos na. Napapagaan man ng mga katulong ang buhay ko ay medyo nababad trip ako minsan dahil sana gusto ko ako mag ayos ng mga maliliit na bagay dito sa kwarto ko peru lagi nila ako nauunahan. Hindi naman sa ayokong gawin nila ang trabaho nila, gusto ko lang sana magawa yung mga ginagawa ko noon na hindi ako nakadepende lagi sa iba para gawin ang mga bagay para sa akin. Hindi ko naman sila masabihan or masabi sa parents ko to dahil nahihiya ako.
"Good morning love." biglang pasok ni Lucas sa kwarto ko na may dalang bulaklak.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, wala yung saya at excitement na nararamdaman ko noon kapag bigla bigla nalang siyang sumusulpot sa kwarto ko. Hinanap ko yun sa puso at isip ko peru wala. Hindi din siya gwapu sa paningin ko ngayun, annoying siya tingnan at parang nakakapikon yung ngiti niya.
"Wala ka bang ibang lakad today?" tanong ko saka bumalik sa pagkakahiga sa sobrang nakaayos kong kama.
"Wala ba akong good morning hug at kiss?" gulat na tanong ni Lucas.
"Wala today." malamig kong saad.
"What did I do now?" saad niya saka inilapag ang bulaklak sa bedside table, naghubad ng sapatos saka tumabi sa akin sa kama.
"I don't know." sagot ko.
Nang naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin, sobrang bilis ng reaction ko at wala pang isang segundo ay lumanding na sa tagiliran niya ang siko ko.
"Ouuuch Kana! What the hell's wrong with you?" hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ako sa kanya peru sure akong nakangiwi siya sa sakit.
"Ayaw mo na sa akin?" naiiyak kong saad.
"You're not crying are you?" sinilip pa niya ang mukha ko para ma kita kung umiiyak ba talaga ako. "I'm sorry if i did anything that made you feel bad and please stop crying." hinagod hagud niya ang likod ko peru it didn't help.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" masama parin ang loob ko.
"I love you and I will always love you Kana." niyakap niya akong muli at hinalikhalikan ang batok ko.
"Ayoko na sayo, sobrang sweet mo nagkaka diabetes na ako." saad ko peru mahigpit parin ang yakap niya sa akin.
"Masama lang gising mo kaya nasasabi mo yan, you'll be better later at gusto mo na ako ulit sure yan." natatawa niyang saad na mas lalong nagpa bad trip sa akin.
"Pinagtatawanan mo ako? Well laugh at me all you want Lucas, I'm breaking up with you!" saka ako mabilis na tumayo at agad pumasok sa banyo.
"Open up Kana! You're just joking right?" sigaw niya mula sa kabilang side ng pinto.
"Just go, I don't want you anymore. I'm not kidding Lucas, ayoko na." umiiyak kong sigaw.
"You can't do this Kana, may nagawa ba ako? Tell me and we will fix it together." saad niya sa sobrang lungkot na boses.
"Just go!" pagtataboy ko sa kanya na sinunod naman niya dahil ilang minuto kaming tahimik sa magkabilang side ng pinto at ang sunod na narinig ko ay ang pagsara ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
DiversosWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
